CHAPTER 1

1105 Words
Andra!" Napalingon ako kay Mommy. "Mom?" "Ikaw ba ang pumatay kay Congressman Sorrano?" diin na tanong ni Mommy. "Mom, nasa simbahan kaya ako." kampanteng sagot ko. "Really? Mag-ingat ka Andra," aniya ni Mommy Zia at tumalikod na ito. Alam ko na alam ni Mommy na hindi talaga ako nagmamadre. Bali wala naman sa kaniya. Si Daddy lang talaga ang may gusto nito. Graduate na ako ng military at ayun na nga, pumasok ako sa pagiging madre dahil iyon ang gusto ni Daddy Kiel ko. Napabuntong hininga ako. Sumakay na ako sa aking kotse at pumunta sa condo ni Gertrude. Doon na rin sila L.A at Beatrice, ako na lang hinihintay nila. Si Hera naman nasa US, doon niya tinapos ang kan'yang military course. Pagdating sa condo ni Gertrude naabutan ko si L.A at Beatrice na naglalaro ng chess. "Hey," bati ko sa kanila. Nakangisi lang silang dalawa sa akin. "Si Gertrude?" tanong ko sa dalawa. "Nasa shower siya. Pupunta daw tayo sa Casa bar," saad ni L.A. Pabagsak akong umupo sa sofa. "Anong balita sa misyon mo kagabi?" tanong ni Beatrice sa akin. "He's dead. Alam naman ni Mommy," maiksing saad ko. "Hallelujah! Tara na!" nakangising saad ni Gertrude. "Sayang wala si HJ," aniya ni L.A na tumatawa. HJ ang tawag niya kay Hera. "Graduating na ngayong taon iyon." sagot ni Gertrude. "Anong gagawin natin sa Casa bar?" tanong ko sa kanila. "Nabalitaan ko kay Kuya Gavin may bidding na magaganap. Kasali ang aking mahal," nakangising saad ni Gertrude sa amin. Napangisi naman ako. Ibig sabihin, nandoon din si Quatro. Matalik na magkakaibigan sila Damien Monteverde at si Mayor Quiro "Quatro" Coloner. Ang kotse ko na ang ginamit namin papunta sa kilalang club. "You don't need to join sa bidding, Gertrude, you can get him in an easy way," nakangising saad ni L.A. "I know pero gusto ko lagyan ng magandang kulay ang buhay ng aking mahal." Napangibit naman ako sa sagot ni Gertrude. Pagdating namin sa Casa bar, sa amin halos ang tingin. Why not? Halos magkasing-tangkad kaming apat pati na rin si Hera. Sa mukha, hindi rin kami magpapatalo. Every men wanted to bring us in bed. "Mag-umpisa na yata ang bid," aniya ni L.A. Umupo kami sa gitna na may malaking mesa. Tumayo ako at nilapitan si Mayor Quatro. Nakatingin ito sa akin. Umupo ako sa tabi niya. "Gummybear," malambing na tawag ko sa kan'ya. Tamad lang niya akong tiningnan. Pasimple kong hinawakan ang kaniyang kamay. "Ikakasal ka na pala. Ayaw mo ba sa akin?" tanong ko sa kan'ya. Humarap ito sa akin. "Kuntento na ako sa fiancee ko. Stop flirting with me, okay?" seryosong saad nito. Napangibit naman ako. Sa edad kong bente siyete, wala pa talaga akong nakarelasyon. Ilang taon ang ginugol ko sa pag-eensayo sa Underground. Nag-aral pa ako ng military. Then si Daddy naman, ipinasok ako sa kumbento. Nagserbisyo ako sa US military ng dalawang taon, umuwi ako sa Pilipinas upang magbakasyon, pero agad ako dinala ni Daddy sa kumbento. "Gawin mo na lang ako kabit, Gummybear," kagat-labing saad ko sa kan'ya. "Stop it, Andra!" naiinis na saad ni Quatro sa akin. Walang sabi-sabing hinalikan ko ito sa labi. Ni hindi man lang gumanti, bagkus itinulak niya pa ako. Napapailing na lang sila L.A. sa akin. Mahina naman akong napatawa. "Sana i-bid ka rin, Gummybear, kahit virginity ko itataya ko para sa iyo," malapad na ngiting saad ko rito. "Nagmamadre ka ‘di ba? Aware ka ba sa kinikilos at pananalita mo, Andra?" Napairap naman ako. "Hindi pa ako totally madre. Saka ayoko magmadre, baka hindi kita matikman." Sabay kindat ko sa kan'ya. Nagsimula na magsalita ang emcee. Tumayo na ako. "Gummybear, babalikan kita dito, support ko lang si Gertrude," nakangising saad ko. Bumalik na ako sa mesa namin. "Ang sama ng tingin ni Damien sa atin," nakangising saad ko sa mga kaibigan ko. Ang pagkakaalam ko, kung sino ang mananalo sa bidding ay siyang i-dodonate sa mga bahay ampunan at sa ibang nangangailangan ng mga charity. "Good evening, nagpapasalamat kami sa mga Bachelor na kinausap namin ngayong gabi na pumayag sa aming programa," Aniya ng emcee. "Mauuna yata si Damien," mahinang saad ni L.A. Kinuha ko ang baso na may laman ng alak. Diretso ko itong tinungga. Naramdaman ko ang init na dumadaloy sa aking lalamunan. "First bid, The CEO of Monteverde Hotel and Restaurant Empire. The multi-billionaire, Sir Damien Monteverde!" sigaw ng emcee. Narinig namin ang pagtili ng mga kababaihan. "Anyone else here, the highest bid? "10 million!" Ngising sigaw ni Gertrude. Napatawa naman kami. "15 million!" sigaw ng babae sa kabilang mesa namin. "Talo ka na, Gertrude." nakangising saad ni L.A. Napailing naman si Gertrude. "Hey, another 20 million!" sigaw ulit ng kaibigan namin. "Are you sure of that?" aniya naman ni Beatrice na naglalaro ang ngiti sa labi. Napangisi naman na nakatingin si Gertrude sa amin. "Kilala niyo ako, kahit bilyones pa iyan, bibilhin ko siya." "50 million!" sigaw ulit ng babae. "Potang-ina mo!" sigaw ni Gertrude. Hindi ko napigilang humalakhak nang malakas. "Close the deal, lahat ng pera ko sa bangko at lahat ng ari-arian ko!" sigaw ni Gertrude. "Madumi ka maglaro talaga, may balak ka na naman," saad ko sa kan'ya. Alam kong may plano na naman ito. Nakangisi ito sa amin at nilapitan si Damien. Napapailing naman ako. "Next bid. The multi-billionaire, Mayor Quatro Coloner," nakangiting saad ng emcee. Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Tumayo ako at nilapitan ang emcee. "Close the bid for Mayor Quatro," utos ko sa emcee. Nagtataka naman itong nakatingin sa akin. "Magdodonate ako sa charity ninyo," aniya ko. Tumalikod na ako at pumunta sa upuan ni Quatro. "Gummybear, let's go na," nang-aakit na saad ko. "What?" nagtatakang tanong niya. "Ako nakakuha sa iyo, so sasama ka sa akin," nakangising saad ko. "Crazy," mahinang saad niya. Mahina naman akong napatawa. Tumayo ito at hinawakan ang kamay ko. Aayaw-ayaw pa kanina, bibigay din pala. Ang lapad ng ngisi nina L.A at Beatrice sa akin. Ibinigay ko muna sa kanila ang susi ng kotse ko at sumama na palabas kay Quatro. "Saan tayo, Gummybear?" "Di ba ito naman ang gusto mo? Ang maka-one-night-stand ako?" nakataas ang kilay na saad niya. Mahina naman akong napatawa. Sumakay na kami sa kotse niya at pumunta sa kan'yang condo. Pagdating sa kan'yang condo agad ako nitong hinalikan nang mapusok. Napaungol naman ako sa galing humalik ni Quatro. Si Mayor Quatro Coloner, ang misyon kong patayin pero hindi puwede dahil malapit na kaibigan ng pamilya ko ang Daddy nito, si Tito Damon. "Ahhh... Gummybear!" Agad ako nitong binuhat at pabagsak na inihiga sa sofa. "Show your bad sides, Andra!" ngising saad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD