Maldita

1762 Words
XANTHE “Anong palagi kong sinasabi sa inyo kapag tatanga-tanga kayo dito sa Germany?” Kanina pa nagsasalita ang bakla na sumundo sa akin sa hotel kanina pero ako ay hindi matapos tapos sa paglinga sa paligid. Kanina pa ako ginaw na ginaw. Ang mga kasama ko ay balot na balot na ang katawan ngayon pero sa ilalim ng makakapal nilang suot ay alam kong wala silang suot na kahit na ano. Kung alam ko lang na hindi kami sa isang hotel matutulog edi sana ay mas makapal na jacket ang dinala ko. Ilang sandali lang matapos umalis ang lalaking kasama ko sa kwarto kanina ay dumating ang bakla na sumundo sa akin sa hotel. Nanlilisik ang mga mata niya at ilang sandali akong sinermonan dahil palpak ang serbisyo ko ngayong gabi. Mabuti na lang daw at nagbigay pa ng consideration ang lalaking kasama ko at pinalampas ang mga ginawa ko. Kung hindi ay baka isa na raw ako sa ginawang pulutan ng mga Boss. Hindi ko gaanong naintindihan ang mga pinagsasabi niya pero nararamdaman kong hindi maganda ang mga sinabi niya kaya mas tumindi pa ang pagnanasa ko na makaalis sa lugar na ito. Kaya lang ay bukod sa hindi ako pamilyar sa lugar ay hindi naman ito kagaya sa Pilipinas na pwede akong basta na lang tumakas. Dito sa Germany ay sobrang lamig. Halos nagyeyelo ang paligid kaya kung susubok akong tumakas ay siguradong ako rin ang magiging dehado dahil baka mamatay lang ako sa sobrang lamig. “Hoy, ikaw! Makinig ka sa sinasabi ni Madam Dyosa!” Biglang may sumiko sa akin kaya natigil ako sa paglinga sa paligid ng tila hideout na pinasukan namin. Kumpara sa mga building na nadaanan namin ay ibang-iba itong pinuntahan namin dahil halatang hindi gano’n kakapal ang mga dingding kaya kahit na nandito na kami sa loob ay ramdam na ramdam ko pa rin ang lamig ng paligid. Paano naman kaya akong makakatulog kung ganito kalamig ang paligid? “Putang ina! Wala bang bunganga ‘yang bagong salta dito, Dyosa?!” Muling siniko ako ng katabi ko na mukhang pinaka tahimik at pinaka mahiyain sa lahat ng kasama naming babae dito. Sampu kaming lahat pwera sa dalawang bakla na kasama namin at sa tingin ko ay kaming dalawa nitong katabi ko ang pinaka bata sa mga nandito. “K-kinakausap ka na. M-magsalita ka na, please? N-nakakatakot silang magalit. K-kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat kaya kung ayaw mong pati kami ay masaktan, magsalita ka na…” Halos utal-utal siya kung magsalita at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa lamig ng paligid o dahil sa takot sa mga baklang kasama namin. Nang muling lingunin ko ang ibang kasama namin ay lahat sila ay nakatingin na sa akin. Ang iba ay halatang iritado habang nakatingin sa akin samantalang ang iba naman ay halatang may takot sa mga mata habang nakatingin sa akin. “Sorry po. Ihing-ihi na po kasi ako kaya hindi ako makapag focus sa pakikinig sa mga sinasabi n’yo,” agad na pagsisinungaling ko. Ang totoo ay gusto ko lang na pansamantalang lumayo sa kanila para kahit papaano ay makabisado ko ang lugar kung saan kami dinala. Mabilis akong kumabisa ng lugar na napupuntahan ko kaya kung magfofocus ako ay mabilis kong matututunan ang mga pasikot sikot dito sa hideout. “Putang inang p***y naman ‘yan! At talagang nakisabay pa talaga! Uulitin ko na naman ba ang mga sinabi ko?!” iritadong bulalas nung bakla na tinatawag nilang Dyosa. “Bilisan mo! Samahan mo na sa CR ‘yan para makakain na tayo! Mamaya lang ay nandito na ang mga Boss!” Masungit na utos ng baklang kasama ni Dyosa. Mabilis ang ginawang paglapit sa akin ni Dyosa at saka inutusan akong sumunod sa kanya. “Bilisan mong maglakad! Hindi ba at sinabi ko sayo na hindi pwede ang babagal bagal dito?!” “Susunod na po!” agad na sagot ko at saka binilisan ang paglalakad. Habang naglalakad kami papunta sa CR ay mas nagiging madilim ang paligid. Para talagang hideout ng mga kriminal sa Pilipinas ang itsura ng lugar kung nasaan kami kaya napapakunot ang noo ko. “Alam mo, ‘neng? Kung gusto mong magtagal dito ay iwasan mong painitin ang ulo ni Matilda! Kapag pinag initan ka no’n ay kahit gaano ka pa kaganda ay matetegi ka talaga! Literal na tegi! Uuwi ka sa Pinas na wakwak ang pulso para palabasin na nagpakamatay ka dito sa Germany dahil sa depression!” tuloy-tuloy na bilin niya. Napasinghap ako. Inaasahan ko naman na talaga na hindi magiging maganda ang magiging karanasan ko dito sa Germany pero nakakagulat pa ring isipin na malaki ang posibilidad na patay na ako na makakauwi sa Pilipinas. Ayoko pang mamatay! Marami pa akong pangarap! Gusto ko pang maging artista kagaya ng nanay ko! Ilang sandali lang ay huminto na sa paglalakad si Dyosa kaya tumigil na rin ako. Binukas niya ang pinto at saka hinarap ulit ako. “Dito ang CR, ‘neng. Kung ako sayo ay ilabas mo na lahat ng tubig sa katawan mo dahil huling beses mo nang pupunta sa CR ngayon. Bukas ka na ulit makakapag CR kaya itodo mo na,” muling bilin niya pa kaya napamaang ako sa mukha niya. Anong tingin niya sa akin? Makokontrol ko ba kung ilang beses akong iihi sa isang araw? “Ano pang hinihintay mo? Gora na! Napakabagal kumilos! Walang maganda-maganda dito, ineng! Kumilos ka nang mabilis kung ayaw mong pare-pareho kayong malagot kay Matilda!” nakairap na utos niya kaya agad na pumasok ako sa loob. “‘Wag mo nang isara ang pinto! Sira din naman ang lock niyan!” muling paalala niya pa nang makitang isasara ko sana ang pinto ng CR. Walang nagawa na tumalikod ako at saka hinanap ang toilet. Mabuti na lang at medyo malinis ang toilet pero wala talagang ipinagkaiba ang CR sa lugar na ito sa pangkaraniwang CR sa Pilipinas kaya pakiramdam ko ay nasa Pilipinas lang ako. Kahit na hindi ako naiihi ay pinilit kong umihi nang maisip kong hindi na ako pwedeng lumabas mamaya para mag CR. Medyo natagalan pa tuloy ako sa loob kaya inis na inis na si Dyosa sa akin nang lumabas ako. “Pati ba pag-ihi mo ay nagmamaganda rin, ‘neng?” gigil na sita niya sa akin. “Sorry po. Naninibago lang po siguro ako–” “Gaga! Hindi mo pwedeng idahilan ‘yan dito lalo na kay Matilda! Sinasabi ko sayo, ‘wag na ‘wag mo siyang gagalitin dahil ibang magalit ang baklitang ‘yon!” muling paalala niya sa akin. Halos kaladkarin na ako ni Dyosa pabalik sa kung nasaan ang mga kasama namin. “Ang tagal n’yo! Putang ina! Ngalay na itong mga binti ko!” Halata ang iritasyon sa mukha nung baklang tinatawag ni Dyosa na Matilda nang tuluyang nakabalik kami. Hindi sila umalis sa kung saan sila nakatayo kanina kaya pati ang mga kasama kong babae ay mukhang inip na inip at masama ang tingin sa akin. “Pasensya, ante. Sumakit ang tiyan nito kaya nagtagal kami. Tara na! Gutom na ako!” narinig kong palusot ni Dyosa. Nang mapatingin ako kay Matilda ay kuntodo irap ang ginawa niya sa akin pero mabuti na lang at nilibang siya ni Dyosa kaya hindi na ako muling tiningna pa. Sa kalagitnaan ng pag-akyat namin sa itaas ay may tumapak sa paa ko kaya napadaing ako sa sakit dahil natamaan ang hinliliit ng kaliwang paa ko. “Sorry!” agad na hinging paumanhin ng isa sa mga babaeng kasama namin dito. Nang mag angat ako ng tingin sa kanya ay pasupladang tinaasan niya ako ng kilay. “Sinadya mo ba ‘yon?” Hindi na nakapigil na sita ko. Kabisado ko na ang kung anong pag uugali na meron siya dahil sanay na sanay na ako sa mga babaeng kagaya niya kahit na noong nasa Pilipinas pa ako. Kahit saan yata ako pumunta ay hindi nawawala ang mga babaeng inis na inis sa presensya ko kahit na wala naman akong ginagawa sa kanila. “Eh ano ngayon kung sinadya ko? May angal ka?!” masungit niyang angil sa akin at saka tinaas pa ang nakakuyom na kamao kaya kumunot ang noo ko. “Ano bang problema mo–” Sasagot pa sana ako pero pinigilan na ako at hinila palayo ng babaeng kasabayan ko sa paglalakad. “Bakit mo ‘ko pinigilan?” kunot ang noong usisa ko sa kanya. “‘W-wag mo na lang patulan si Grasya. A-ayaw niya kasi ng may nakakalamang sa kanya dito kaya sinisindak niya parati ang mga bago,” utal na paliwanag niya. Sa porma nitong katabi ko ay halatang ayaw niya ng gulo kaya nanahimik na lang ako kahit na gusto ko pa sanang gantihan ng apak iyong babaeng tumapak sa akin. Nang muling lingunin ko ang babaeng tumapak sa akin ay tinaasan niya pa ako ng kilay at nag dirty finger sa akin kaya kagat ang ibabang labi na binaling ko ang tingin sa harapan. Mamaya ka sa akin. Hindi ako makakatulog hangga’t hindi nakakaganti sayo. Sabay-sabay kaming kumain. Napansin kong may ibang tao rin dito sa lugar kung nasaan kami at halatang Pinoy at Pinay din sila kaya puro putahe sa Pilipinas ang mga pagkain pwera na lang sa soup na hindi ko pinagkaabalahang tikman dahil nakita kong may hinalo na kung ano ang babaeng cook doon. Bumalik kami sa baba at tuloy-tuloy sa isang hindi kaluwangan na kwarto. Medyo uminit na ang temperatura sa loob pero hindi pa rin sapat para mamatay ang lamig kaya nahirapan pa rin ako sa pagtulog. Ang mga kasama ko ay sobrang bilis nakatulog na labis na ipinagtaka ko. Hindi na sila nagkaroon ng oras para mag tsismisan dahil nakatulog na agad. Nagkibit balikat ako at saka hinanap ang babaeng tumapak sa akin kanina. Dumukot ako ng bubble gum sa bulsa ko at saka mabilis na nginuya hanggang sa naubos ang tamis. Tumayo ako at saka naglakad palapit sa gawi ng babaeng tumapak sa akin. Walang pag-aalinlangan na niluwa ko ang bubble gum mula sa bibig ko at saka dinikit sa buhok niya. Pinili kong dikitan ang gawi ng bangs dahil mukhang gustong-gusto niya ang bangs niya at ipinagyayabang sa mga kasama namin. “Buti nga sayo…” sambit ko habang nakatingin sa tulog na tulog na babae. “Tingnan ko lang kung maipagmalaki mo pa ‘yang bangs mo bukas,” nakangising sambit ko bago tumalikod at bumalik sa pwesto ko. Kung maldita ka ay mas maldita ako pero ako lang ang nakakaalam...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD