Kaye’s Point of View “Girl, pangit ba ako?” tanong ni Cheska nang maabutan ko siyang nagmumukmok sa office nya sa Serenity spa. “Ha? Hindi.” Nagulat kasi ako sa tanong niya. Hindi naman siya pangit, actually maganda kaming magkakaibigan. Kaya nga kung todo bantay ang mga boyfriend nila, di ba? “Kapalit-palit ba ako?” tanong ulit nito. “Ha?” “Then, why?” Teka… Cheska, anong drama ito? “Ha? Anong nangyari sayo?” umupo ako sa oh-so-comfortable na massage chair na nasa gilid ng office niya. “Iyong hinayupak kong ex… gusto raw ng space. Tapos makikita ko sa IG niya may 18 years old na babae,” Naghihimutok sa sabi nito. Lumapit pa sa akin at binigay ang cp niya. Ay oo nga… parang kailangan ng tuition fee ni ate kung makalingkis kay Drew. Umupo si Cheska sa isa pang massage chair at bum

