Chapter 11

1602 Words
“See? That’s how a marketing presentation should be. Mind blowing.” Nakita ni Julius ang pagtataka sa mga mata ni Cindy. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paanong ipaliliwanag sa asawa kanina ang mga sinabi niya kaya lumabas siya saglit at nag-isip. Alam niyang espesyal sa puso niya si Cindy, pero sapat na nga ba ang kakaiba niyang nararamdaman para masabing mahal niya ang babae? “When I said na mahal kita kanina, ’di ba at nagulat ka?” Umupo si Julius sa stool at uminom ng tubig. Hindi siya dapat magpahalata na gumagawa lang siya ng dahilan para bawiin sa babae ang mga nasabi niya kanina. Wala namang ibang sinabi si Cindy, tumango lang ito. Maya-maya pa ay tumunog na ang doorbell ng bahay at parehong napatayo ang dalawa. “’Yong mga kaibigan monand’yan na. Patay, wala akong corporate attire,” nag-aalalang saad ng babae. Ngayon kasi ang practice niya para sa pagpe-present ng marketing presentation niya. “Don’t worry about it. I have one in my room. Just get dressed. It’s on my bed. Nakahanda na pati shoes.” “Paanong . . .?” “Your kuya knows best, alright?”Lumapit siya kay Cindy at hinalikan ito sa noo. Kung ano man ang signal na makuha ni Cindy, wala na siyang pakialam. Just for today, hahayaan niya munang magpaanod sa nararamdaman niya. Next time na lang siya maghahanap ng dahilan. Next time na lang siya magpapalusot.   ***   Cindy started presenting the marketing plan she designed katulong ang ibang miyembro ng kompanya. Tahimik lang na nakikinig ang mga kaibigan ni Julius sa kanya at tumatango-tango at mukhang nagugustuhan ang presentation. Nagpatuloy si Cindy sa pagsasalita hanggang sa napahinto siya nang makita si Julius na tumayo sa upuan nito at may sinagot na tawag. Who could that be? Bakit mas importante pa siya sa akin para iwan lang ako ni Julius dito? naibulong ni Cindy sa sarili.   ***   Cindy tried calling Julius for the nth time pero out of coverage area pa rin ang lalaki. She checked her wrist watch. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin bumabalik si Julius mula nang umalis kanina. After the phone call, he went back to tell Cindy and his friends that he needed to attend to something and would be back soon. That soon though meant eternity. Natapos nang mag-present si Cindy kina William, Aaron, at Lucy at na-revise na rin niya ang kanyang marketing presentation but she didn’t receive any text message from Julius. Until they all agreed to call it a day and headed to their own places. Naiwan siyang naghihintay sa pagbabalik ng asawa. “Anton, kumusta si Papa?” Tinawagan muna niya ang kapatid para i-check ang kalagayan ng ama bago siya umuwi. Isang parte ng puso niya ang umaasang sana, habang kausap ang kapatid ay marinig niya ang tunog ng sasakyan ni Julius at magpang-abot pa rin sila. “Okay naman, Ate. I think stable naman ang signs ni Papa,” masayang sagot ng kapatid. “Uuwi ako ngayon para makapaghanda sa presentation ko bukas pero dadaan ako ng hospital. Anong gusto mong pasalubong?” “Ate, ikaw lagi mo ’kong ginagawang bata. Pero okay na sa akin ang Piattos saka C2,’yong nagyeyelo. Kahit anong flavor pwede, ’wag lang ’yong kulay green. Ang pakla n’on, e.” “Sira. Sige na, uuwi na ako.” Ibababa na sana niya ang tawag pero may inihabol pa ang kapatid niya. “Kasama mo ba si Kuya Julius? Papatulong din sana ako sa assignment ko, e. Feasibility Study. Nalimutan ko na deadline na bukas.” Hindi alam ni Cindy kung anong sasabihin niya sa kapatid. Oo nga at magkasama sila mula kahapon hanggang kanina pero bigla na naman siyang iniwansa ere ng asawa. Naisip niyang baka kasama na naman ni Julius ’yong babaeng kahalikan nito na ‘hindi naman niya mahal’ kuno pero isang tawag lang, kumakaripas siya ng takbo! “Hindi, e. May emergency yata sa kompanya niya.” “Okay, Ate. Good night.” Binaba ni Cindy ang phone bago muling tinawagan ang number ni Julius, pero gaya kanina ay out of coverage area pa rin ang lalaki. She would admit that she’s worried. Gusto niyang malaman kung nasaan si Julius. Gusto niyang hintayin ang lalaki pero kailangan niyang maghanda para sa presentation niya bukas. Inayos ni Cindy ang bag at nagtali ng buhok. Pinatay niya ang mga ilaw at siniguradong nakatanggal sa plug ang appliances. Mabuti nang naka-unplug ang lahat para iwas sunog. Paano kung matagalan sa pagbabalik si Julius? Paano kung masyado siyang masiyahan kasama ang babae niya? Ila-lock na rin niya ang pinto. For sure na may susi naman ang lalaki. Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya nang makitang nakaupo roon si Julius. Nakayuko, umiiyak nang tahimik at amoy alak. “Kuya Julius? K-kanina ka pa ba? Anong ginagawa mo dito?” “I knew you would wait for me.” Bahagyang nagliwanag ang mukha ni Julius at tumigil sa pag-iyak. Pinahid naman ni Cindy ang mga natitirang luha ng lalaki gamit ang mga palad niya. “Honestly, pauwi na sana ako, medyo inaantok na din kasi ako, e. Saan ka ba kasi nagpunta? At saka bakit ka umiiyak?” “Wala ’to, Cindy. Ang sabi, maganda daw ang umiiyak paminsan-minsan para malinis ’yong tear duct gland natin.” Pinilit ngumiti ni Julius pero kahit yata ang sarili ay hindi niya makumbinsing ayos lang siya. Tumayo siya at inalalayan ang babae para tumayo na rin. “Tara na. Ihahatid na kita. Mahihirapan tayong maghanap ng taxi dahil medyo gabi na.” “Nasaan ba ang kotse mo? Bakit ’di ko narinig na huminto ’yong sasakyan mo?” “Wala ka talagang maririnig. Iniwan ko lang ’yong kotse ko sa paid parking.Mas pinili ko kasing maglakad para bumaba kahit konti ’yung alak na nainom ko.” “Ano?” medyo naguguluhan niyang tanong. “Ayoko kasing makita mo ’kong ganito. Akala ko pag-uwi ko, wala ka na.” “Bakit? Sana tinext mo na lang ako na umuwi na para ’di na kita hinintay at ’di mo na ako inabutan.” May pagtatampo sa boses ni Cindy. “Hindi sa gano’n. Ang ibig kong sabihin, ayokong makita mo ’kong ganito. Mahina, walang laban. Wasted at hindi gwapo. I’m sorry na, oh. Please?” Kumuha si Julius ng dahon sa katabing halaman, lumuhod, at inabot ’yon kay Cindy. “Mahal na prinsesa, patawarin mo na ang ’yong alagad. Kahit sampung latigo ay tatanggapin ko, muli mo lang akong matanggap,” seryosong sabi ni Julius. Hindi niya tuloy alam kung nagpapatawa ba ang lalaki o nagpapa-cute lang. “Ang corny mo, Kuya. Tumayo ka na nga d’yan. Baka wala pa tayong makuhang taxi, e. Let’s go.” “Sige. But I’ll just take a quick shower para hindi masuka ’yong driver ng taxi na sasakyan natin. Okay lang ba kung pumasok na uli tayo sa loob?”   ***   “Sigurado kang ayos ka lang dito sa sala matulog? Malamok dito. Hindi na kasi ako masyadong nakakapaglinis ng bahay mula nang naospital si Papa.” Inabot ni Cindy ang unan at kumot kay Julius na ngayon ay nakahiga na sa sofa dahil sa kaantukan. “Bakit, gusto mo ba akongkatabi matulog?” pang-aalaskang tanong ni Julius kay Cindy. Tumayo ito at umupo sa sofa. Ngumiti naman si Cindy at tumabi kay Julius. “Kuya, cast your burdens to Jesus. Siya ang dakila nating manggagamot, physically, mentally, socially, emotionally, at lahat ng ally.” “Pero, Cindy, paano kung . . . kung wala ka nang mukhang ihaharap sa Diyos? I mean, kung paulit-ulit mo lang ginagawa ang inihingi mo ng tawad?” Garalgal ang boses ni Julius. He’s about to break to tears again at hindi alam ni Cindy kung anong isasagot sa lalaki. She could feel that this has something to do with the person Julius talked to earlier. “God looks at our hearts, Kuya. Kaya dapat mas lalo tayong lumapit sa Kanya kasi ’di natin kayang magbago ng tayo lang.” Hinawakan ni Cindy ang kamay ni Julius at pinisil ito to reassure him. “No matter how broken we are, we are secured in God’s arms, we have to accept Him in our lives.” Ngumiti si Cindy to lighten the mood dahil kahit siya ay gustong maiyak sa kung ano man ang pinagdaraanan ni Julius na hindi naman niya alam. “Cindy, thank you. Someday, I’d be able to open up to you. But thank you because you’re here.” Nangingilid ang luha sa mga mata ng lalaki kaya si Cindy na mismo ang nag-extend ng kanyang mga braso para yakapin ito.  This is the only way she can comfort him. Tumayo si Cindy at ipinatong ang isang kamay sa ulo ni Julius. Yumuko naman ang lalaki, pero bago niya ’yon ginawa ay nakita niyang pumikit si Cindy. “The Holy Spirit will guide you in your decisions, Kuya.” Iniwan ni Cindy si Julius na may luha pa ring nangingilid sa kanyang mga mata. Ang pinagkaiba lang, kung kanina ay naiiyak siya dahil sa sobrang bigat ng dinadala, ngayon ay naiiyak siya dahil alam niyang hindi siya nag-iisa at darating ang araw, maikukwento rin niya kay Cindy ang lahatng gumugulo sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD