Q

2248 Words
“SISTER Snow...” Napangiwi si Snow nang marinig ang malamyos na boses ni sister Honey na tinatawag siya. Pilit niyang huwag ipahalata ang kanyang ngiwi. Sobrang demonyo niya tapos papasok siya sa kumbento para lang sa gagawin niyang story. Talagang hindi siya nababagay rito! Gulat pa nga siya, eh, at hindi siya nasunog sa dalawang linggo na pamamalagi niya rito. Sa loob ng dalawang linggo na iyon, talagang hindi siya nadatnan ng pagka-banal. Heto pa rin siya, isang yawa.                     She needs to do this for the sake of her f*****g novel. Isa kasi siyang writer. Hindi siya exclusive sa isang company lang kaya nama’y libre siyang magpasa ng kanyang mga stories sa iba’t-ibang publishing companies. Ngayon, she’s writing a novel. Ang kwento no’n ay tungkol sa isang madre na pumasok sa kombento ng isang buwan but then, sinister things happened. Ang madre na iyon ay under training din. Now, the question is, will those things affect her faith or strengthen her faith even more?                    She sighed. Napahawak siya sa malaking krus na gawa sa kahoy na nasa kanyang bandang tiyan. Pendant ito ng kanyang necklace at lahat ng mga sisters, kahit ‘yong mga under training pa lang kagaya niya, ay may ganito.              Binigyan niya ng ngiti si sister Honey. “Ano po ‘yon, sister Honey?” malumanay niyang tanong. Gusto niyang sabunutan ang sarili. This is so not her! Panigurado, kapag ikinikwento niya ito kay Autumn, tutuksuin siya nito. Hindi rin sila dapat nagce-cellphone rito sa kumbento lalo na silang mga trainee kasi baka raw ma-distract. Ang mga ganap na sister naman ay pwedeng magce-cellphone pero sa labas nga lang. Araw-araw, bibliya at rosaryo ang hawak niya. Goodness! Miss niya nang humawak ng d***o. Dalawang linggo na siyang tuyot. Char lang! Sorry, Lord.                          “Tuwang-tuwa ang mga bata sa ikwinento mo sa program kahapon, sister Snow,” nakangiting ani nito. Ang asul na mga mata nito ay mas lalong kumikinang dahil sa tuwa. May lahi kasing American si sister Honey, eh. Tantsa niya’y nasa mga 30’s pa ito at mas matangkad siya rito ng konti.             Napangiti naman siya sa narinig. “Mabuti naman, sister. Responsibilidad kong ibahagi ang talento na binigay sa akin ng Panginoong Maykapal.” And she meant that. Kahit naman may pagka-yawa siya, naniniwala pa rin naman siya sa Diyos. She still prays and attend Sunday masses, noh, and she never forgets to put God in her acknowledgements.                       Mas lalong lumawak ang ngiti ni sister Honey. Tinapik nito ang kanyang kanang balikat. “Oh, siya. Alam kong isa ka talagang mabuting bata at kapag nagiging isa ka nang ganap na madre, paniguradong marami ang matutuwa.” Pinigilan niya na huwag mapangiwi sa narinig. Ganap na madre? Bigla siyang nangilabot sa isipang iyon. Hindi niya nakikita ang kanyang sarili na maging isang madre. Sinabayan  niya na lang si sister Honey. She faked a laugh, hoping that sister Honey won’t notice that it’s fake.                   “Sana nga po,” ani niya na lang. Napatingin sila sa entrada ng kombento no’ng pumasok si sister Polly. Sa pagkakatanda niya, 50 na si sister Polly at ito pa ang nag-guide sa kanya para sumasailalim sa isang training. Kapag naman napagdesisyunan niyang mag-back out, ito rin ang kanyang lalapitan. Sister Polly’s face is always full of peace. May wrinkles na ito sa mga mata at kunot na rin ang morenang balat nito.                  “Sister Honey, pinapatawag na tayo ni Father.” Binalingan siya nito ng tingin at binigyan ng ngiti. Snow returned her smile. Napasinghap naman si sister Honey.                 “Nako! Ang bibliya ko!” Napahawak ito sa bibig. Kumunot naman ang kanyang noo.          “Ako na lang po ang kukuha, sister Honey,” she offered. Hinawakan naman ni sister Honey ang kanyang kamay.                        “Salamat, sister Snow. Pakidala na lang sa Prayer Room,” ani nito bago nagmamadaling umalis. Tuwing hapon kasi, may isasagawang prayer ang mga sisters at dahil hindi kasya ang lahat ng sisters pati na rin ang mga trainees, may ginawang schedule. Tapos na ang mga trainees na mag-pray no’ng umaga at ang mga ganap na sisters naman ay ngayong hapon.      Mabilis niyang tinungo ang pasilyo patungo sa kwarto ng mga ganap na sisters. Agad niyang nakita ang kwarto ni sister Honey. May plate kasi na nakalagay sa pinto at dito nakaukit ang pangalan ng mga sisters.                       Binuksan niya ang pinto at agad siyang sinalubong ng katahimikan. Nakita niya kaagad ang bible ni sister Honey na nakapatong sa bedside table nito. Mabilis niya iyong kinuha at tatalikod na sana siya nang may mapansin sa ilalim ng unan nito. It looks like a plant stem. Kumunot ang kanyang noo at inalis ang unan na nakatakip dito. Mahina siyang napasinghap nang makita kung ano ang tinatago ni sister Honey.                     Talong!                What the f**k? Bakit may talong sa ilalim ng unan ni sister Honey? Kunot na ang kalahati nito na para bang parati itong pinapasok sa isang butas. Tangina? s*x toy? Napatalon siya sa gulat nang tumunog ang bell, senyales na magsisimula na ang prayer meeting.             Mabilis niyang ibinalik sa pagkakaayos ang unan ni sister Honey bitbit ang bible nito. Sinigurado niyang hindi nito mahahalata na may gumalaw sa unan nito. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Lakad-takbo ang ginawa niya sa pasilyo hanggang sa makarating siya sa Prayer Room. Binigay niya ang bibliya kay sister Honey na agad naman nitong tinanggap na may ngiti sa labi.         “Salamat, sister Snow.” Nginitian niya lang ito at marahang tumango. Mabilis siyang umalis do’n at no’ng nakalayo, napahawak siya sa kanyang dibdib. Sumandal siya sa pader. Shet! Talagang nakakapakshet! Hindi siya gano’n ka-inosente upang hindi magkaroon ng ideya kung saan nito ginagamit ang talong.        d***o naman ang ginagamit niya and it seems okay dahil civilian lang naman siya. But sister Honey... isa itong ganap na sister! And what? Talong? Napailing na lang siya. Jusko! Hindi niya iyon inaasahan. Ngayon, napaisip tuloy siya kung sino sa mga ganap na madre rito ang may tinatagong talong. But if gusto talaga maranasan ni sister Honey iyon, ‘yong totoong talong na talaga, she can. She’s a sister and sisters are bound by temporary and simple vows only unlike nuns.                      Kakamutin niya na sana ang kanyang ulo nang maalala niyang nakasuot siya ng coif at veil. Kinamot niya na lang ang kanyang kilay at lumabas sa kombento. Nagpunta siya sa simbahan... sa Virgin de la Regla.      “Init naman nito,” tukoy niya sa suot na headdress.         “Good afternoon, sister,” bati ng batang lalaki. Ngumiti siya rito at nagmano naman ito sa kanya bago umalis. Lihim siyang napairap. Goodness, araw-araw talaga may nakakasalubong siyang mga bata at magmamano naman ito sa kanya. Hindi pa siya nasanay. It still feels weird. Although, natuwa naman siya nang malamang may mga bata pala talagang may good manners.             “Ah, no cursing, sister Snow,” ani niya sa sarili nang maramdamang gusto niyang magmura. Napangiwi pa siya habang sinasabi ang ‘sister’. It really doesn’t fit. Sister Snow. Nge?                 Pagpasok niya sa loob ng simbahan, natigilan siya sa nakita. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na nagtago sa likod ng pader. Napahawak siya sa kanyang dibdib. She only sees him in magazines but now, in flesh! Nakita niya na ito noon pero hindi niya inaasahan na makikita niya ito muli ngayon! f**k. After three years.                    Pasimple niya itong tiningnan. Nakita niya ang ibang mga dalaga na tumitingin dito pero parang wala lang ang lalaki. Nakaluhod ito habang nakatingin sa harap kung nasaan ang krus. His hands are intertwined. Taimtim itong nagdadasal.                       Mas lalo niya pa itong tiningnan. He’s wearing a white polo at hapit ito sa katawan nito. Napakagat siya ng labi ng makita ang nagpuputukang muscles ng lalaki. Mas lalo ring nadepina ang panga nito at ang magulong bangs ay bumagay sa medyo singkit na mga mata at matangos na ilong nito. Para itong korean actor! Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Paniguradong may abs din ito!        Mahina siyang napasinghap no’ng dumako ang tingin nito sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na nagtago. s**t! Nakita ba siya nito? Alam niyang naalala nito ang kanyang mukha dahil nakita siya nito! Hindi basta-basta makakalimutan ng mga lalaki ang sumipa sa kanilang junjun! s**t naman.                    Bigla siyang nakaramdam ng pangamba at muli itong tiningnan. Gano’n na lang ang ginhawang naramdaman niya nang makitang bumalik ito sa pagdadasal. Okay, hindi siya nito nakita. Buti naman. Balak niya rin sanang magdasal ngunit, nagbago bigla ang kanyang isip. Huwag na lang. Delikado na baka makita na talaga siya nito.               Habang naglakad pabalik sa kombento, pinagpraktisan niya ang sasabihin kay sister Polly. Aalis na siya. Masyado na siyang nagkasala. Hindi nga bukal sa loob ang pagpasok niya rito, eh. Minus points na talaga siya sa langit. Nagpakawala siya ng buntonghininga. Sorry, Lord. Need ko lang ma-experience. Hehe.      Now that she has all the things that she needs in her story, it’s her time to leave. Nahagip ng kanyang mata ang talong na pananim. Napangiwi siya. D’yan siguro pumipitas si sister Honey. Kaya pala no’ng unang araw niya sa kombento, nagtatanong ang cook kung bakit daw kulang ang talong na pinitas. Si sister Honey naman, tahimik lang na nagmamasid no’ng araw na ‘yon. Kaya naman pala. Kinuha ni sister Honey upang gawing s*x toy. Mahina siyang napahagikhik. Hahay. Hindi niya inaakala na sa huling araw na pamamalagi niya rito sa kombento ay may malalaman siyang kakaiba. Talagang nakakaiba!               Napadaan siya bigla sa isang bintana kung saan kitang-kita niya ang kanyang repleksyon. Muli siyang napangiwi. Hindi talaga bagay sa kanya na maging isang sister. Ang kanyang wavy na buhok ay nakatago sa coif na suot. Halatang-halata ang bilog na hugis niyang mukha at ang malalantik niyang pilik-mata. Her doll eyes are staring back at her. Ang katamtaman na tangos niyang ilong ay bumabagay rin sa kanyang features. A lot of people say she looks so innocent. She has the face of a child and spirit of a lion. Rawr! Wild!                  Napailing na lang siya at bumalik na sa loob. Nagsilabasan na ang mga sisters, hudyat na tapos na ang prayer. Nakasalubong niya pa si sister Honey. Nilapitan siya nito at hinawakan ang kanyang kamay. Napatingin siya sa kamay ni sister Honey. Naglalaro na naman ang kanyang isip. Panigurado, ngayong gabi, paglalaruan nito ang talong.                “Maraming salamat sa paghatid ng bibliya ko, sister Snow,” nakangiting ani nito na sinuklian niya naman. Nag-angat siya ng tingin dito.                 “Walang anuman po, sister Honey. Bilang isang tao, may responsibilidad po akong tumulong sa aking kapwa dahil iyon ang gustong makita ng Diyos.” f**k. Hindi niya ini-expect na darating ang araw na sa bawat pagsasalita niya, sinasali niya ang Panginoon.             Mas lalong lumawak ang ngiti ni sister Honey. Hinaplos nito ang kanyang kamay. “Isa iyan sa mga katangian na nagustuhan ko sa ‘yo, sister Snow. May mabuti kang kalooban at handa kang tumulong sa kapwa. Ibinabahagi mo rin ang talento na meron ka.” Hinawakan nito ang kanyang ulo. Tumingkayad pa ito dahil mas  matangkad siya kesa rito. Yumuko naman siya upang tuluyan nitong maabot ang kanyang ulo. “Pagpalain ka ng Diyos,” she said before turning her back on her. Nang makitang nakalayo na si sister Honey, tumalikod na siya upang umalis.             Mabilis naman siyang nagtungo sa opisina ni sister Polly. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pinihit ang seradura ng pinto. Agad niya itong nakita sa likod ng mesa nito. May nakahandang ngiti sa mga labi ni sister Polly. Gumaan ang kanyang loob.               “Sister Snow,” mahinahong bati nito sa kanya. Dahan-dahan naman siyang naglakad papalapit dito at umupo sa tapat nito. “Anong maipaglilingkod ko sa ‘yo?” Kinamot niya ang kanyang kilay.                    “Ano kasi, sister Polly, may napagtanto kasi ako.” Kumunot ang noo nito. She nodded as if urging her to go on. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy, “Napagtanto ko pong hindi talaga ito para sa akin,” ani niya sa mahinahong boses. Napasinghap naman si sister Polly kaya napatingin siya rito. Para itong nanghihinayang na ewan. Maya’t-maya lang ay nakakaintindi itong tumango. Pinatong nito ang kamay sa ibabaw ng kanyang kamay.            “Naiintindihan ko. Sayang, gustong-gusto ka namin dahil sa mabuti mong kalooban at handa ka talagang matuto sa mga bagay-bagay pero naiintindihan ko.” Sumilay ang maliit na ngiti nito sa labi. Sister Polly removed her hands on top of hers. “May iba pang plano sa iyo ang Diyos at alam ko na sa bawat daan na tatahakin mo, gagabayan ka Niya.”                       Nag-usap pa sila ng konti bago siya tuluyang nagpaalam. Nag-empake na siya at nagpaalam na rin sa kapwa niya trainees lalo na sa mga ganap na sisters. Hindi niya nakita si sister Honey. Baka naman pumunta na ito sa heaven. She shrugged and went out of the convent. Sinalubong kaagad siya ng lamig. Pagabi na rin kasi, eh.        Binuhat niya ang kanyang maleta at naglakad na papaalis. Eto na, goodbye convent. Two weeks full of lies. Sorry, Lord.                Nakayuko siyang naglalakad kaya nama’y hindi niya namalayan ang lalaki na nakatayo sa kanyang gilid.        “From pole dancer to a sister. Wow, what a transition, sister Snow.” May bikig na namuo sa kanyang lalamunan nang marinig kung sino ang nagsalita. Nag-angat siya ng tingin at hindi niya naitago ang kanyang gulat nang makita ang lalaking nakasandal sa pader. Naka-krus ang mga braso nito sa ibaba ng dibdib.         After three years, she met Travis Blake again. Face to face.      ----      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD