INILIHIM namin sa lahat ang pagkuha ng DNA test upang maiwasan na rin ang anumang spekulasyon na maaaring isipin ng iba lalo na ang aming ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap si Mr. Spinthrow ng mga inutusan namin upang usisain sa mga lihim na ibinunyag niya sa amin ni Wigo. Pababa na ako ng hagdanan nang maamoy ko ang nasusunog sa kusina. What's that smell? Nagmamadali agad akong tumungo sa kitchen upang malaman ko ang nangyari. Narito kami ni Wigo sa condo ko na pansamantala munang tumuloy habang naghihintay ng result. Mula noong pinuntahan niya ako sa ospital, hindi na siya bumalik ng Switzerland. Ang lalaking ito talaga, panay ang buntot sa akin. “Wigo! Anong⸻” Nagulat ako nang makita ko siyang problemado sa niluluto niyang umuusok na. Nilapitan ko siya saka natuon sa nasunog

