MATAPOS ang rebelasyon ng aming ina, minabuti kong tumahimik muna sa nalaman namin. Mabigat pa sa kalooban ko na sa loob ng ilang taon, hindi ko nakilala ang tunay kong ina. Wala akong alam tungkol kay Hazel Zurich since itinago rin pala ng aking mga lolo at lola ang tungkol sa kaniya. Kulang na lang sumabog ang utak ko sa kakaisip sa mga nangyari. Isama pa na nag-iba ang mode ni Wigo mula noong isang araw. “Aling Belen, si Wigo?” tanong ko kay Aling Belen na nagdidilig ng halaman sa garden. “Kanina ko pa siya hindi nakikita. Pumasok ba siya?” “Maaga siyang umalis, Kinne. Hindi na nga siya nag-almusal at sabi niya huwag mo na raw siyang tawagan.” “Ho?” Nagtaka ako sa sinabi niyang huwag ko na tawagan ang asawa ko. “Bakit daw?” Ako naman na mabilis na dinukot ang cell phone sa bulsa ko

