Narinig ko ang doorbell sa labas ng gate since konektado iyon kahit saang sulok ng bahay. Ako naman na inaasikaso ang kusina para naman may almusal ang mga bata. Wala silang pasok ngayon subalit pupunta naman ako ng school para asikasuhin ang paglipat sa mga ito. Buo na ang desisyon ko na ilipat sila sa America para doon na mag-aral. Wala na rin namang silbi na manatili pa ako sa Pilipinas at nasa Washington ang buhay ko. Inilapag ko na ang huling niluto ko at si Leslie naman na tinulungan akong ayusin ang table. “Leslie, pupuntahan ko lang si Aling Mila at baka kung sino na iyong bisita nang ganito kaaga. Tawagin mo na rin si Kuya Levi mo,” utos ko. “Sige, Ate Kinne.” Tinanggal ko ang apron saka ako naglakad patungong sala. “Sino iyan, Aling⸻” Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko nan

