Wigo “Take a rest, Love.” Isang simpleng halik sa labi ang iginawad ko kay Kinne. “Huwag mo ng isipin ang nangyari kanina, and no more fight, please,” pakiusap ko. Tumango siya. “Okay, Love. Thanks and sorry,” tugon niya. Ngumiti lang ako sa kaniya saka ko pinisil ang pisngi niya. I also slowly stood up to let her take a rest for a while. Ini-ayos ko rin ang kaniyang comforter upang makatulog na siya nang tuluyan. Naglakad na rin ako palabas ng aming kwarto dahil nasa baba si Rendell at naghihintay sa akin. When he called me about what happened earlier, I can help myself but to felt my anger. Lalo na noong makita ko ang kamao ng asawa kong dumudugo dahil sa pagkakasuntok niya kay Brix. Noon ko lang ulit nakita si Kinne na galit na galit at halos hindi na niya bubuhayin ang lalaking iyo

