Nakasimangot si Ellah ng dumating si Gian, dahil malapit na silang ma late!
Suot pa naman niya ang isa sa pinaka paborito niyang damit. Isang black silk na above the knee at may slit sa gitna ng isang tuhod kaya isang legs lang niya ang lilitaw sa tuwing maglalakad. At dahil hakab sa buong katawan, kumorba ang kanyang dibdib at maging ang kanyang beywang.
Ang buhok niya ay inilugay niya lang.
Ilang sandali pa bumaba na siya, napako ang tingin ng mga nasa ibaba.
Tiningnan niya si Gian na titig na titig sa kanya. Muntik na siyang mapangiti kung hindi lang sumagi sa isipan niyang late na siya.
'Ganyan nga maglaway ka mayabang!'
Naalala niyang sinabi nitong may itsura naman siya.
'Pwes ngayon maglaway ka!'
"I have to go Lolo," aniya at humalik sa pisngi ng matanda.
"Aalis na po kami sir."
"Ingatan mo ang unica hija ko ha? Napakaganda pa naman niyan."
"Opo sir."
"Lolo?" saway niya rito.
"Sige na, baka naghihintay na 'yong anak ng kaibigan ko, ingat kayo."
"Yes sir, iingatan ko po ang napakaganda ninyong apo."
"Salamat Gian," sagot ng don.
Nang makalabas na sila ay nagsalita siya.
"What did you say?"
"What?" balik-tanong nito.
"Sinabi mong napakaganda ko."
Natawa ang binata "Hindi naman ikaw ang sinabihan ko narinig mo lang."
Hindi na siya nagsalita pa, para kasing bumabalik na ito sa dati kaya hindi niya dapat sirain kahit naiinis pa siya.
"Saan tayo Ms.?"
"Sa HG hotel."
Inaasahan niya na magsasalita pa ito pero hindi na nangyari.
"Teka nga galit ka ba talaga sa akin?"
"Hindi"
"Kung ganon bakit ganyan ka?"
Hindi na ito umimik.
"Ano ba? Sisirain mo ba ang gabi ko ha? Ano ba talaga ang problema mo?"
Late na nga siya tapos ganito pa kung umakto ang kasama niya.
Napasulyap ito sa kanya.
"Kung ganon, manahimik ka."
"Nakakapikon ka na, para kang babaeng may period at hindi makausap ng matino!"
"Wala kang kinalaman sa problema ko kaya 'wag kang masyadong mag-isip."
"I know but you're actions make me sick! Apektadong-apektado ka! Wala kang girlfriend hindi ba? Bakit para kang na broken hearted diyan! Nagsisinungaling ka ba sa akin?"
Hindi ito kumibo.
Hindi na naman umimik ang binata.
Kaya humalukipkip siya at iniisip kung ano ang dahilan ng pagbabago nito.
"We're here."
Siya na ang nagbukas ng pinto at mabilis na bumaba.
"Masyado ka na bang excited?
Mag-ayos ka muna pangit ka na."
Hindi siya umimik.
"Ihahatid pa ba kita?"
"Hindi na! Kaya kong maglakad mag-isa at tiyak hindi ako mawawala sa lugar na ito!"
Ito naman ang hindi umimik.
Nagpupuyos ang kanyang kalooban habang naglalakad.
'Ang dami niyang arte sa buhay! Ano raw? Pangit na ako? Huh! Ang yabang talaga samantalang mukha namang probinsiyano sa get-up niya!'
Nakarating siya sa VIP room kung saan inabutan niyang naghihintay na ang lalaki.
"Hi!" nakangiti nitong bati at sinalubong siya at pinaghila ng upuan.
"Thanks," aniya at umupo na.
May itsura din ito at mukhang kagalang-galang.
"Anyway I'm Mark Leandro and you are?"
"Are you sure hindi mo ako kilala?"
"Ofcourse kilala kita, anyway kumain muna kaya tayo?"
"Nagugutom ka ba?"
"Ha? Ah, medyo kagagaling ko lang kasi sa isang meeting tapos dumeretso na ako agad dito."
"Kung ganon dumaan ka lang ba sa date na 'to? Ni hindi ka pa yata nagbihis eh, pang-opisina pa ang suot mo."
"I-I'm sorry for that, ayoko lang kasing ma late."
"Kumain na tayo," aniya at nag-umpisang sumubo.
Talagang nagugutom siya dinagdagan pa ng pagtatalo na naman nila ng kanyang bodyguard kaya binanatan niya ang kain.
Sandali lang, busog na siya samantalang ang lalaki halos kalahati pa lang, binilisan tuloy nito ang pagsubo.
"Sige lang kumain ka lang."
"Hindi na busog na ako."
Nag-usap sila at mukhang mabait naman at magalang.
"Dapat makahiligan mong magbasa ng mga magagandang libro, ganon din kasi ako, marami kang matututunan sa pagbabasa, ako kasi hanggang ngayon hilig ko rin 'yon."
"Ikaw 'yon."
"Ha?"
"Kung ganon napakarami mo ng alam?"
"Hindi naman, kunti lang."
"Pero sabi mo napakahilig mong magbasa at maraming matutunan ibig sabihin kunti lang pala ang natutunan mo, nagsisinungaling ka ba? Ang pinakaayaw ko sa tao ay ang sinungaling!" bahagya ng tumaas ang kanyang boses.
"Sandali lang, kalma lang."
"Malabo kang kausap, ni hindi mo pinaghandaan ang date na 'to. Magtrabaho ka na lang tutal nakapang opisina ka pa!"
Napikon si Mark.
"Parang ikaw lang naman ang napipilitan, alalahanin mo hindi lang ako ang may gusto nito kundi pati si don Jaime, kaya 'wag kang umasta ng ganyan!" Tumaas na rin ang tono ng boses nito.
"That's my point! Takot ka pala sa lolo ko pero wala kang ka effort-effort na nagpunta dito."
"Ipinaliwanag ko naman hindi ba?"
"I don't care! Tell that to my lolo!" aniya at tumayo.
"Wait!"
Pero hindi siya nagpaawat. Kaya humabol ito hanggang sa pasilyo, napansin naman niya si Gian sa 'di kalayuan.
"You don't need to do this! Wala pang babaeng gumawa ng ganito sa akin!" hinila siya nito sa braso pabalik.
"Pwede ba bitiwan mo ako!"
pinipilit niyang makawala sa pagkakahawak nito.
"No way! Masyado mo akong pinahihirapan!"
"Ano ba! Nasasaktan ako!"
naninipa na siya.
Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at hinila papasok.
Napaiyak ang dalaga.
---
"LET. HER. GO!" malamig ang boses ng nagsalita.
Napalingon ang dalawa.
"Who are you?"
"Bodyguard ako ng babaeng pinipilit mo," kalmanteng sagot ni Gian.
"Bodyguard ka lang! You are nothing compared to me!"
muling hinila nito ang dalaga.
"Aray! Ano ba?"
Walang sabi-sabing bigla itong tinadyakan ni Gian sa likod, kaya nadapa, nang tumihaya ang lalaki ay agad bumangon para gumanti.
"Tama na please! Tama na!" malakas ng sigaw ni Ellah.
Pero hindi nagpaawat ang dalawa at isinalya ni Mark ang dalaga sa tabi kaya natumba ito.
"Hayop ka!" galit na sigaw niya at pinagsusuntok ito sa mukha.
Hindi rin ito nagpaawat at gumanti, nagsapakan ang dalawang lalaki at nagpagulong-gulong sa sahig.
"Tama na!"
Saglit lang dumating ang mga security ng hotel at inawat ang dalawa.
Ang resulta iniharap sila sa manager.
Ang malas ay kakilala ng babaeng manager ang ka date ng amo.
Pinagbayad lang sila at nakauwi na.
Galit na galit ang lalaki nito nang iniwan nila.
Binalingan siya ng dalaga.
"Bakit kasi nanapak ka agad?"
"Hindi siya makikinig, anong gusto mong gawin ko panoorin kayo?"
"Hindi sa gano'n pero hindi mo dapat ginawa 'yon, maimpluwensiya 'yong tao eh!"
"Kung gano'n natatakot ka? Bakit hindi mo pabalikin dito ang pesteng 'yon at sa kanya ka magpahatid tutal parang gusto mo naman siya!" wika ng binata at iniwan ito pinaandar niya ang kotse.
Sinundan naman siya ng dalaga at pumasok sa loob.
Hindi na umimik si Gian at pinaharurot ang sasakyan.
Ang buong akala niya, magkakaroon na ng relasyon ang dalawa.
Ni wala sa hinagap niya na makakasapak siya ng ka date ng dalaga!
Wala man siyang karapatan sa amo, wala namang may karapatang saktan ito!
Ilang araw ang lumipas nag-aya ang amo na pumunta ng mall pampawala raw ng stress.
Napakaraming mga mata ng babae ang nakatingin sa kanila lalo na sa kanya.
Nainis daw ito kaya binilhan siya ng sumbrero panakip daw ng mukha niya.
Napansin niya ang suot nito na magkaparehas pala sila.
Naka fitted black jeans at white blouse na tenernuhan ng flat shoes.
Ganon din kasi ang suot niya maong na pantalon at t-shirt na puti at sapatos na rubber pero may leather jacket nga lang siya.
Gusto tuloy niyang ituring na date nila ito kaya lang hindi 'yon totoo.
Dahil tuwing weekend nakikipag date ang amo sa kung kani-kaninong lalaki.
At bukas ng gabi ang date na 'yon.
Nagmasid-masid sila at merong isa na nakakuha ng atensyon ni Ellah.
"I like that swan! It's so nice," anito habang nakatingala sa salamin kung saan naroon ang bagay na kulay puti.
Nilapitan nito ang may-ari.
"Manong, paano ho ba ito lalaruin?"
Itinuro naman ng tindero ang mechanics.
"Ganon ba? Madali lang pala."
Natawa ang lalaki, maging siya man ay bahagyang napatawa.
"Basta ang kulay pulang mata na swan ang target ninyo. Ready ka na madam?"
Pumuwesto ito at pumorma.
"Madam, may guhit diyan sa ilalim ng inyong paa, kailangang hindi kayo lalagpas diyan."
Umatras ang dalaga at muling pumuwesto.
"Okay na madam?"
"Yes!"
Narinig nilang may pinindot ang lalaki sa kung saan at kusa ng nag galawan ang mga maliliit na swan.
Lahat ng paduyan-duyan ay puro nakaharang at maging ang target ay dumuduyan din, papalit palit ang mga ito pero lahat gumagalaw ng medyo mabilis.
Ilang sandali pa naglalaro na ito at nakadalawang tira na sunod-sunod pero hindi nakatama.
"Ah!" naiinis na ibinaba nito ang hawak na baril.
Buti na lang maiksi iyon kaya hindi nakakapagod gamitin.
"Bibilhin ko nalang manong magkano ba 'yan?"
Napailing si Gian.
"Madam kung bibilhin niyo ano pa ang silbi ng laro? Hindi ba mas masaya kung pinaghirapan bago mo makukuha?"
"Nakakainis!"
"Huwag kayong mawalan ng pag-asa madam, may isa pa namang tira."
Nilingon siya ni Ellah prenteng nakasandal lang naman siya habang pinapanood ito ng walang imik.
"Ikaw nga dito! Naiinis na ako!"
Nangingiting napapailing na lumapit ang binata at kinuha niya ang baril.
"Sandali lang sir, ihinto ko muna ang mga swan bago kayo mag-umpisa."
"Sige ho"
Pumuwesto ang binata ng hindi lumalagpas sa linya.
"Sana naman makuha mo 'yan, please naman" mahinang dalangin ng dalaga na naririnig naman ni Gian.
Nilingon niya ang amo.
"Don't worry I'll get it for you."
Tumaas ang isang kilay nito.
"Ang yabang, mamaya sablay naman!" bulong ni Ellah pero malakas naman kaya naririnig niya.
Lihim siyang napangiti.
Wala itong alam sa kanya, ganoon pa man hindi niya ito balak biguin dahil umaasa itong magtatagumpay siya.
Kahit man lang sa maliit na bagay ay makita ni Ellah ang halaga niya.
"Sir, pwede na ho, i-istart ko na."
Pumuwesto siya at pumorma.
Tumalim ang titig niya sa target ni hindi na niya ipinikit ang isang mata.
Hindi niya ito bibiguin.
Hindi ngayon!
Kinalabit niya ang baril.
Katahimikan ang sunod na nangyari.
Saglit lang nahulog ang swan.
"Sir, nadale niyo!"
"Oo nga! Wow ang galing! Ang galing mo Gian! Yehey!" sa sobrang tuwa ng dalaga niyakap siya nito sabay talon-talon.
"I told you right?" niyakap din niya ito ng isang kamay nang nakangiti.
"Ay," nahihiyang kumalas ang dalaga at kinuha ang swan na nalaglag.
"Ang ganda, yes!" hinalik-halikan nito ang malambot na swan.
"Aalis na ho kami manong."
"Sir, nadale niyo ng isang tira lang, bukod do'n, nakasumbrero pa kayo, may harang pero nadale niyo sa isang tira, at hindi lang 'yon ni hindi ninyo ipinikit ang isang mata ninyo, hindi 'yon tsamba hindi ba?"
"Tsamba lang ho 'yon, " nangingiting niyang tugon bago nagpaalam.
Nagulat si Ellah nang sumaludo pa ang tindero bago sila umalis.