Kabanata 20 Last Tumutulo ang luha ko habang umiiyak sa harap ng isang puntod. Hindi ko alam ang nangyayari, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito pero ang nasa isip at puso ko ay pareho ang rason. Nandito ako dahil may nawala. Hindi ko maibigay ang tamang sagot dahil natatakot ako. Mabilis na tumulo ang luha ko kasabay ng pagbagsak sa lupa at pagluhod sa maliit na puntod. Bakit? Bakit nangyari sa akin ito? Bakit ako umiiyak ng ganito? “Hija, I’m sorry but your baby didn’t survive.” my mother said weakly. Umiling-iling ako kasabay sa rumaragasang luha mula sa mata. Hindi! Hindi ‘to maaari! Hindi ako iiwan ng anak ko! Hindi niya ako iiwan kasi mahal niya ako! “N-no! H-hindi ako naniniwala sayo!” umiiyak kong sabi. She shook her head and tears burst into falls. “I’m sorry hija.

