Kabanata 1

2156 Words
Kabanata 1 Command “Ma’am, ba’t ka nag-teacher? Sa ganda mong yan, dapat nagmodel ka nalang.” Napairap ako sa sinabi ng pasaway kong istudyante. Simula ng magturo ako dito, hindi ko alam kung ano pumasok sa ulo ng lalaking ito at kung bakit pasaway sa akin. Fourth year na siya and hell, isip-bata pa rin! “Stop asking, Mr. Elizaga.” I said seriously. Umiling siya at tumitig pa sa akin. Seriously? Simula nung midterm, ganito na siya sa akin. Oo, alam kong muntik ko na siyang mabangga noon sa gate pero bakit ganito naman ang nangyari sa kanya? Sadya bang mabigat ang nagawa kong kasalanan para maging ganito siya kapasaway sa akin. Siya at siya lang ang tanging istudyante ang nakakalapit sa akin ng ganito. Siya lang ang nag-iisang istudyante na may lakas ng loob na puntahan ako sa cubicle ko at kausapin na parang hindi ako teacher dito. Ang lakas ng loob niya at hindi ko mawari kung bakit nga ba ganito siya sa akin. Bakit nga ba? Dahil ba muntik ko na siyang mapatay noon? O, dahil mahirap ako bilang teacher nila? What? “Alam mo ma’am, tatanda ka dahil sa pagiging seryoso mo e. Dapat chill ka lang, make fun. Flirt with me haha.” pasaring niya sa akin. Mas lalo akong napailing. Siraulo talaga e! I know, he is a flirtatious type of man! Marami akong naririnig tungkol sa kanya bilang isang manglalaro ng babae. Matindi pa yung iba kasi nahuhuli daw nilang nagmimi-make out ito sa loob ng university. I’ve heard different story from my students and it all same…his being philanderer. Kaya may parte sa puso ko na nabahiran ng kasiraan sa kanya. What if, gusto lang niya makipaglaro sa akin? What if, gusto niyang masira ang profession ko? Marami akong what if’s sa kanya at natatakot ako na baka mangyari iyon. Single ako at hindi pa kailanman nabahiran ng lalaki kaya hindi ko pa masyado alam ang mga galawan ng mga lalaki. “Max, I’m not that kind of woman. I want a serious man, not to play or anything. Ayokong magmahal kung magpapalit-palit lang naman. Gusto ko kung sino man ang lalaking mamahalin ko, siya na ang huli para sa akin. That’s what I want.” seryoso kong sabi. He smirked. Tinalikuran ko siya at hinarap ang laptop ko. Nandito kami ngayon sa cubicle ko at vacant ko para sa oras na ito. Hindi naman na ako nagulat ng maramdaman ko siya kanina sa likod ko at nakaupo. Maging ang mga co-teachers ko ay sanay na sa kanya na palaging nandito kaya hindi na ako nagagambala pa ng pagkabahala sa kanya. Nung una, pinatawag ako ng president ng university dahil sa kanya. We talk about this issue, kung bakit ba palaging pumupunta si Max sa cubicle ko. Mr. president even ask me if we have a relationship but I refused it immediately. Wala kaming relasyon! At mabuti nalang tinanggap iyon ng presidente namin. Kaya ngayon, hinayaan nalang kami ng mga taong nakakakita sa kanya dito. Pero usual, umiiwas ako sa kanya dahil baka may hidden agenda siya sa akin. “I know. Kaya mas mainam na wag kang magpapaligaw sa iba. Lalo na yang mga co-teacher mong mga lalaki.” he said warningly. Palagi siyang ganyan. Palagi niya akong binabantaan tungkol sa mga lalaking may posibilidad na manligaw sa akin. Boses nobyo ko siya! “Stop warning me, Maximilian.” Inilingan ko siya. Hinayaan ko siyang umalis sa likod ko. Napahinga ako ng malalim, pinikit ang mga mata at tinapos nalang ang mga gagawin ko. Tinapos ko nalang ang lesson plan ko, pagkatapos lumabas ako sa faculty para bumili ng pagkain para sa lunch. Bumati pa ako sa mga teachers na nadadaanan ko. Bitbit ang wallet at cellphone, pumasok ako sa IGP para pumili ng kakainin ko. Napahinga pa ako ng available ang faculty room para sa kainan kaya mabilis akong nag-order ng pagkain ko at nagbayad, kinuha ko ang plato tsaka naglakad papasok sa private room ng kainan. Nilapag ko ang pagkain sa lamesa at umupo. Binuksan ko muna ang mineral bottle at uminom, pagkatapos nagsimula na akong kumain. Sumubo ako ng kaunti, bumukas ang pinto at nagulat ako ng pumasok si Maximilian dala-dala ang pagkain niya. Umupo siya sa harap ko habang may ngisi sa labi. “What are you doing here?” I asked shockingly. He smirked. “Kakain. Bakit?” takang tanong niya. Lintek! Bawal siya dito! Bawal ang mga istudyante dito! “Oh my gosh, get out Max! You are not allowed here!” I said in control voice. Lumaki ang butas ng ilong niya. Oh God, baka makita kami ng assigned cleaner dito at mapagalitan kami. May utak ba ang lalaking ito at naisipang pumasok dito? “Tsk, kakain ako dito dahil gusto ko at dahil nandito ka. That’s it!” aniya sa matigas na boses. Pasaway talaga siya jusko! “Pero—” “Stop saying words, Talitha. I’m hungry. Baka gusto mong ikaw ang kainin ko!” putol niya sa akin. Napatigil ako sa sinabi niya. I got lost of words. I sighed and just shook my head. Hindi ko talaga makontrol ang ugali niya. Masyado siyang bossy and stubborn. Kung ano ang gusto siyang masusunod! Kumain nalang ako at hinayaan siyang sumabay sa akin. Tahimik ako habang sinusubo ang pagkain habang ramdam ko naman ang titig niya sa akin. “Bigyan mo na ako ng number mo. Matagal na akong nanghihingi sayo e.” putol niya sa katahimikan. Napahinga ako pagkatapos uminom ng tubig. “Max, bawal ‘tong ginagawa mo e! I am your professor and you can’t do this to me.” I said controlling my voice. Umiling siya. Truthfully, Richmar Maximilian Elizaga is a type of handsome college man. In his age, he look so matured and at the same time playful. Nung una, natatakot ako ng halikan niya ako patago sa pasilyo ng departamento nila, ngayon ang lakas na ng loob niyang gawin ang mga bagay na hindi naaayos sa isang katulad ko. “Teacher kita, oh ano naman? Mamamatay ba ako kung teacher kita hmm? No! So, stop insisting it because it’s nonsense.” he said firmly. Simula nung araw na iyon, hindi na niya ako tinantanan. Kapag kaming dalawa lang sa classroom, palagi niya akong hinahalikan. Kapag umuuwi naman ako, palagi siyang naghihintay para sumakay sa kotse ko. Hindi na niya ginagamit ang bike dahil sanay na siya sa akin sumakay. Marami siyang nilabag bilang isang istudyante pero hindi ko naman iyon maitanggi sa sarili na nagugustuhan ko ang set-up naming dalawa. Kahit pa labag sa akin bilang professor niya, hindi ko maitatanggi sa sarili na gusto ko ang ginagawa naming dalawa. “Pero…Max, baka malaman ng school adviser na ganito ang ginagawa natin. Ayokong masira ang career ko.” mahina kong sabi. Ngumisi siya ngunit umigting naman ang panga. “Malalaman at malalaman naman talaga nila kaya wala kang choice kung ‘di tanggapin iyon. Atsaka, gustong-gusto mo naman ang ginagawa natin kaya wala ka ng takas pa.” sagot niya. Napahinga ako ng malalim, hiyang-hiya habang kaharap siya. s**t naman, bakit kasi pumatos ako sa ginawa niya nung una? Bakit kasi nagpadala ako? Kung hindi sana ako naging malambot sa kanya, hindi sana kami ganito! Wala sana kaming patago na lihim! Alam kong may kasalanan din ako. Alam kong malaki din ang nagawa kong kasalanan kaya ngayon, hindi ko alam kung paano ko ito maitatama. “Pwede naman kasi nating itigil ito, Max. Let’s forget about it and start like it’s nothing happen.” suhestiyon ko. He smirked playfully. “No! Hindi ko ‘to ititigil. I like doing this and I won’t let it finish like it’s nothing. I am warning you, Talitha.” he said warningly. Umiling ako at hindi na nagawa pang magsalita. Katulad ng sabi ko, hindi talaga siya nagpapatalo. Matigas siyang tao, ayaw niyang hindi nasusunod ang gusto. Kaya minsan hindi ko na alam ang gagawin kapag nasa harap kami ng klase at nagiging siraulo siya. Katulad nung nangyari last week, gumawa sila ng group chat para sa report nila sa akin at in-add niya ako. Well, hindi ko alam na mag-friend kami sa f*******:. Naalala ko lang na minsan niyang nagamit ang cellphone ko, siguro siya na mismo ang nag friend request at siya na rin mismo ang nag-accept. Hindi ko pa naman ugali na mag-log out kaya yun siguro ang naging dahilan kung bakit kami naging magkaibigan sa f*******:. Nagulat ako dahil siya na rin mismo ang nagbigay ng nickname ko sa group chat nila. Lihim pa akong napatawa ng mabasa ang nickname. Ang nakalagay sa pangalan ko ay ‘Pag-aari ko’ kaya natawa ako ngunit bigla namang nag-alala dahil baka makahalata ang mga kaklase niya. Hindi ko talaga akalain na may ganito siyang ugali. Hinayaan ko iyon dahil alam kong magagalit siya kapag pinalitan ko. Sobra siyang bossy, arogante at mataas ang tingin sa sarili. Wala naman akong problema sa pag-aaral niya. Matalino siya at magaling sa klase kaya mataas ang grado sa akin at sa iba pa niyang mga teacher. Sadyang siraulo lang siya kaya iyon ang malaki kong problema. Hindi pa naman siya nakakapagpigil sa sinasabi. Muntik na rin siyang madulas sa sinasabi kaya iyon rin ang iniisip ko. Baka isang araw masabi niya sa mga kaklase niya ang ginagawa namin. Malaking problema iyon para sa akin! At isa rin sa problema ko dahil hindi ‘to alam ni papa at mama. Natatakot akong malaman ‘to ni papa dahil baka magalit siya sa akin. Ayoko pa namang nagagalit siya, ngayong nakikita ko ng tumatanda siya. Mahal ko sila at ayokong bigyan sila ng sakit sa ulo. Sa ngayon, hinahayaan ko silang maglibot ng bansa para naman maaliw si papa. Napahinga ako ng malalim, iniisip ang malaking problema sa hinaharap. Tinapos ko ang pagkain, iniwan ko siya ng matapos ako. Ayokong ma-issue kami dahil sumabay siya sa akin sa pagkain. Sa tatlong buwan naming magkakilala, dalawang beses niya na itong ginagawa. Kumakain naman kami na sabay ngunit patago ngalang. Hindi ko siya binibigyan ng number ko dahil baka tumawag ‘to sa akin at si papa ang makasagot. Malaking problema tuloy iyon! As long as possible, ilalayo ko ang lihim namin sa pamilya ko. Pumasok ako sa cubicle ko at tinapos nalang ang naiwang gawain. Mabuti nalang at tapos na akong magbigay ng long quiz sa English class ko. I have some of my classes to discuss but I have to finish my lesson plan to start new lesson. I shut down my laptop and open my f*******: account. Unang bungad sa akin ang chat ni Max kaya iyon agad ang binuksan ko. I read his chat. Max Elizaga: Sasabay ako sayo mamaya. Hintayin mo ako! Napabuga ako ng malalim na hangin. Alam kong may iba pa siyang gagawin bukod sa pagsabay sa akin. I type my reply. Ako: I need to be home early. I send it. He seen it immediately and type his reply. Max: Still wait me. Napakagat-labi ako. Para na tuloy akong sunod-sunuran sa kanya! Para akong walang kakayahang tumanggi sa kagustuhan niya! Ako: Max, mas mabuting huwag ka ng sumabay sa akin. Max: Mas mabuting sumabay ako sayo. Wala akong dalang bike kaya sasabay ako. I sighed heavily. Ako: Pero kasi… Hindi pa ako tapos mag-type ng magreply ulit siya. Max: As I said, sasabay ako. Done! I nip my lip to control my blood to boil. Umiling-iling ako at pinikit ang mata para sa inis na nararadaman. Paano ko kaya siya mapapaamo? Paano ko masusuway ang utos niya? Kasalanan ko talaga ‘to kaya wala akong ibang pagpipilian kung ‘di ang sumunod muna sa kanya. I close my data and phone. Naghintay nalang ako na matapos ang duty bago umalis ng faculty. Bitbit ang bag at susi ng kotse, pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at hinintay siya. Tumagal ng ilang oras bago ko matanaw ang bulto niyang naglalakad papunta sa direksyon ko. Aaminin kong magandang lalaki si Max. Mukha ngang hindi college ito dahil sa tindig ang galawan niya e. Maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya, syempre good catch e. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit ako ang puntirya niya. Sa dami ng babaeng may gusto sa kanya, bakit ako ang trip niya? He open the shotgun door and get inside. Gaya ng nakagawian, nilagay niya ang bag sa backseat at mabilis na sinakop ang labi ko. Malalim, nakakapanghina at mapang-angkin ang halik niya. Kuhang-kuha ang loob ko. Kinagat-kagat niya ang ibabang labi ko bago ako bitawan. He looked at me with playful in his eyes. “You own me, and I own you. At hinding-hindi ko ititigil ang ginagawa nating dalawa. Labag man sa batas, pero wala akong pakialam. Remember it, baby.” He said owning me. He said possessively. He said warningly. And I have no choice but to follow. To follow his command. --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD