Kabanata 15 Ready Hindi ko na natapos ang paghuhugas dahil sinimulan niyang halikan ang leeg ko ng marahan. Hindi ko mapigilan ang sarili na madala sa labi niyang basa at masarap sa pakiramdam. Feeling ko ngayon ko lang ulit ito naramdaman pagkatapos ng ilang linggo na hindi kami nagkasama. Ang bawat dampi ng labi niya ay nagdudulot ng pang-iinit sa akin. Hindi ko na kaya pang pigilan lalo pa’t ginigiit niya ako sa lababo. Pagkatapos niyang halik-halikan ang leeg ko, mabilis niyang pinagpalit ang harap ko. Nagkatitigan kami, pungay na pungay ang mga mata niya at namumula pati ang leeg. He bit his lower lip while looking at me deeply. He looked so ready in his feature, and even his vein is ready to take me to heaven. He sighed and smile tenderly. “I’d like to take you in my bed…” he sa

