Demon 7

1489 Words
"What?" 'Tutal magiging Asawa ko naman sya! Bakit ako nahihiya! Maganda naman ang kutis ko at makinis' Hinayaan ko na lang ang sarili ko na nakatapis. Dumiretso ako sa may harap ng salamin at binlower ang buhok ko. Pinapatuyo ko kasi muna ang buhok ko bago magsuot ng damit. Nakita ko naman sya sa salamin na nakatitig sakin. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Nothing! Do I need to wait you here?" tanong nito. "Ikaw! Kung ano ang gusto mo!" "Okay! I'll wait you here" Pinagpatuloy ko ang pagboblower ng buhok ko at naglagay ng lotion sa mukha ko. Nakatitig pa din ito sakin. "At titigan mo lang talaga ako! Pwede ka naman na bumaba!" Inayos ko muna ang tapis ko at tumayo. Tumayo din sya. 'Sana naman lumabas na sya!' "Bakit?" hinarangan nya ako. Tumingin ako sa kanya. Hinapit nya ako sa bewang. "H-hoy! Anong ginagawa mo!" Sambit ko at humihiwalay mula sa bisig nya. "Daemon! Bitawan mo ko!" "What? Ikakasal na din naman tayo!" "Anong iniisip mo! Bitawan mo ko!" Pilit kong inaalis ang braso nya, ngunit malakas talaga ang mga lalaki. "Hmmmm!" bigla nya akong sinunggaban ng halik. "Hmmm dae hmmm mon!" humiwalay sya. "I'll stop here! Baka- I'll just wait you outside" sambit nya at tuloy tuloy na lumabas ng kwarto ko. Ako tulala dahil nabibigla ako sa mga kinikilos nya. Nagbihis na muna ako ng damit at inayos ang sarili ko bago lumabas. "Ang tagal mo naman!" inip nyang sabi pagkalabas ko. "Sa baba ka na dapat nag antay!" nauna akong bumaba sa kanya, sumunod naman ito sakin. "Ang tagal nyo sa taas!" sambit ni Mommy. "Naligo ako Mommy!" paalam ko kay Mommy. "Kumain na tayo! Kanina pa namin kayo inaantay" Kumain kami, katabi ko sa upuan sa kanan ni Mommy si Daemon, si Celine naman sa kabila. "Kuya! What's your name?" tanong ni Celine. "Celine! He's a. crown prince" "Crown Prince!" masayng banggit ni Celine. "Ayos lang po! Celine! You can call me Kuya!" "Talaga? I will be having a Crown Prince kuya? That's awesome Mommy!" kain lang ako ng kain at hindi sila pinansin. Nagkukuwentuhan kasi sila. Wala naman ako sa mood na makipagsabayan sa usapin nila. Masyadong kinikilala ni Mommy si Daemon. Syempre as his future wife gusto ko din syang makilala kaya nakikinig din ako sa kanila. "Nakakailan ka na!" tumindig ang balahibo ko ng bumulong bigla sakin si Daemon. "H-ha!" "Anak! Napapadami ang kain mo!" "Gutom lang talaga ako Mommy!" dahilan ko at uminom ng tubig. "Aakyat na po muna ako Mom!" "Iiwan mo dito si Daemon? I mean Prince Daemon?" "Ayos lang po ang Daemon!" "Uuwe na din naman sya Mommy! May gagawin pa ako!" Paalam ko sa kanila ata dire diretsong umakyat. Hindi ko na nilingon si Daemon. Uuwi na sya after nyang kumain. Hinanap ko muna ang mga materyals ko dahil may project kami for the final grading. May pasok na naman bukas at gusto ko ng matapos ang gagawin ko para wala na akong iisipin. Narinig kong may kumatok. "Sino yan?" "Alexia!" binuksan ko ang pinto dahil boses iyon ng lalaki. "Daemon? Akal ko umuwi ka na?" pagtataka ko. "Hindi na ako pinauwe ng Mommy mo dahil gabi na daw sa daan!" "San ka matutulog?" "Dito daw sa room mo!" sambit nito at tuloy tuloy na pumasok. "What? May ginagawa ako! Tsaka may guest room kami. Doon ka na lang muna!" "Tinataboy mo ba ako?" nakaupo na ito sa kama ko. "Anong tinataboy? Tignan mo naman! Ang kalat ng room ko!" "Hihiga na lang ako!" "What the! Ako may ginagawa tapos ikaw wala?" "then I'll help you na lang!" "Wag na! Itutuloy ko na lang sa susunod to! Matulog ka na!" Niligpit ko na ang gamit ko at winalisan ang kalat. Nakahiga sya sa kama ko. Hindi ko alam kung tulog, dahil nakapikit na ito. "Ano ba to!" Mahina kong sambit. After kong maglinis humiga ako sa tabi niya pero nilagyan ko ito ng harang sa gitna. Tumalikod na din ako, tumayo ulit ako at pinatay ang ilaw. Tanging lamp shdade na lang ang nakaandar sa side table ko. Nakatalikod ako sa kanya nakaharap naman sya sa likod ko. Naramdaman kong parang inalis ang unan sa gitna namin, humarap ako. Inalis nya ang unan at lumapit sakin. Nagtatakang hinigit nya ako palapit sa kanya at niyakap ako, nakaharang ang dalawang braso ko sa unahan ko. "Daemon!" "Let's just stay like this!" wala na akong nagawa dahil nakapikit na sya, dinadala na dina ko ng antok kaya natulog na din ako. -- "Mommy! Anong oras po umuwi si Daemon?" "Mga 4 ng umaga anak!" "Ahh okay po! Papasok na po ako!" "Hindi ka ba muna kakain?" "No Mommy! I'm late na! Magcacab na lang din po ako!" "Mag iingat anak!" "Bye Mom!" paalam ko at tumakbo palabas ng bahay. Nagtrayk muna ako at nag abang ng cab. "Bakit ka nalate?" bungad sakin ni Ara. "Ewan! Napasarap ata tulog ko! Buti wala pang prof!" umupo ako sa tabi ni Ara. "Mabuti nga! Terror pa naman! Maiba tayo may nabalitaan ka ba?" "Na what?" "May bibisita sa school!" "Sino daw?" tanong ko sa kanya at kinuha ko sa bag ang notes ko. "Hindi ko kilala! Sa dami nga daw na school na pwedeng bisitahin bakit yung school pa natin!" "Pano mo naman nalaman yan?" "Narinig ko lang!" "Lakas talaga ng Radar mo Ara!" "May pake kasi ako sa paligid! Ikaw lang naman ang hindi!" "Hoy! Hindi kaya!" "Nakita ko din si Kaiser kanina!" "Saan?" "Sa labas ng room!" "Ahh!" "Kamusta gala kahapon? Inutusan kasi ako ni Mommy tapos natagalan pa ako kaya di na ako nakasama!" "Palusot mo!" "Oo n-" "Okay class!" Bati ni Sir Ismael ang terror professor namin. Para syang bakla pero hindi ko lang alam kung bakla nga. "As you all know. We have a Visitor and He wants to see us, how are we discussing. You can now come in!" kausap ni sir mula sa labas. Pumasok ang lalaki at humarap samin. Napalaki ang mata ko dahil si Daemkn ito. 'Pati ba naman sa school makikita ko sya?' "Let's welcome The Crown Prince of Malavida Palace Crown Prince Lawson Eleanor" ngumiti ito sakin. Ang mga kaklase ko naman ay napatulala, hindi siguro nila ineexpect na dadalawa sa school ang isang Prinsipe kahit ako ay hindi makapaniwala. "Guys?" "Yes Sir!" "Give respect to him!" pinatayo kami ni Sir at nagbow sa kanya. "You may sitdown!" umupo kami, tumingin ako sa kanya at nakatingin pa din sya sakin. 'Wag mo kong tignan!' Tinitigan ko sya na parang sinasabi na wag akong titigan dahil baka makahalata ang mga kaklase ko. Ayaw kong ipaalam sa kanila ang namamagitan samin. "Mister Ismael, I'll go ahead!" sambit ni Daemon. "Already Prince?" "Yes! I think I'm disturbing your class" "Not at all" "It's okay! Maglilibot na lang muna ako" "If that's what you want Prince! Who's the president here?" tanong ni Sir samin. "Wala po Sir!" sagot ng iba kong kaklase. "Sino madalas mautusan dito?" tanong nyang muli. "Si Carol po Sir!" sambit ni Ara at tinaas pa ang kamay ko. "Ara!" "Bess! Kanina ko pa napapansin ang pagtingin sayo ni Prince kaya go!" bulong nito sakin. Ngumiti ako kay Sir at Daemon "Si Carol po Sir!" "Ms Aragon! tour the Crown Prince around the campus" narinig ko ang pagtutol ng mga kaklase ko. "Quiet!" saway ni Sir sa kanila. "May activity po tayo Sir!" "It's okay! Your exempted" "Sana all" "Nakakainggit!" "Ganda ka girl!" "Ako na lang Sir!" rinig kong sambit ng mga kaklase ko. "Go Carol!" Inabot sakin ni Ara ang bag ko at tinulak pa ako. "Let's go Prince Lawson?" Pagtatanong ko. Tumungo lang ito at nagpaalam muna sa mga kaklase ko at kay Sir Ismael. Sabay kaming naglakad palabas. "San mo ba gustong pumunta?" Mahinahon kong tanong. "Anywhere will do" sagot nya. Medyo nakakalayo na kami sa room. "Bakit andito ka?" "I'm visiting my wife's school!" "Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?" tanong ko sa kanya. "Wala!" "Ang boring naman ng Life mo!" "Boring? No!" "Hindi daw! Kung ano ano lang nai-" "Carol!" napatingin ako sa unahan. "Kaiser!" "Who is-" "He is the Crown Prince of Malavida Crown Prince Lawson Eleanor!" "I'm happy to see you here Crown Prince!" nagbow si Kaiser, ngumiti lang sa kanya si Daemon. "San ka galing?" tanong ko. "May pinuntahan lang! Ikaw? Kayo? san kayo pupunta?" "Itotourguide ko ang Prinsepe" "Ahh! Sige! Sabay tayo lunch! May gusto pa akong itanong sayo!" "No problem!" Naglakad na si Kaiser, "Who is he?" "My close friend!" "Do you really think I will believe that?" "Then don't" nag aaway kami ng pabulong, nag umpisa na akong maglakad. "and I also think he also need to respect you! You are the crown Princess!" "Not yet!" "Gusto mo bang ipaalam ko sa kanila?" "Gusto ko nga ba? Wag mong biglain ang desisyun mo Daemon! May choice pa akong umatras sa usapan!" "Tss! You will stay by my side! ALL DAY!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD