Aleisha's POV Dalawang linggo na ang nakakalipas simula no’ng may nangyari sa amin ni Xavier. Ang buong akala ko ay magiging okay na ang lahat, umasa ako na dahil sa pangyayaring 'yun ay magbabago na ang pakikitungo ni Xavier sa'kin, pero mali pala ako. Simula kasi no’ng gabing 'yun ay minsan nalang kung umuwi si Xavier, at madalas rin itong hindi na talaga umuuwi. He's avoiding me, 'yun ang totoo. At kapag nandito naman ito sa bahay ay palagi nitong katawagan ni Samantha, at nasasaktan ako sa tuwing naririnig ko silang nag-uusap sa telepono na para bang tunay na mag-asawa. Posible kayang hindi niya naalala na may nangyari sa'min? But he called me wife… he cooked breakfast for me the day after, we did that thing 'til dawn kaya imposibleng nakalimutan niya ang pinagsaluhan namin… ‘

