Aleisha's POV “M-Mom? A-Ano pong problema? Bakit po kayo umiiyak?” Nagtatakhang tanong ko, hindi ko rin mapigilang makaramdam ng kaba. Ni minsan hindi ko pa ito nakikita o naririnig na umiyak. “A-Aleisha, pumunta ka dito sa ospital, ang lolo mo at si X-Xavier… naaksidente sila.” Humihikbing sagot nito na ikinatigil ng pag-ikot ng mundo ko. Naaksidente sila… bakit? Paano nangyari 'yun sa kanila? Narinig ko naman ang boses ni Dad Emmanuel na inaalo si Mommy Liza. Sinend nang mga ito ang address ng ospital kung saan naka-confine at dinala sina Xavier at grandpa. Agad akong pumunta sa address na iyon matapos kong mabayaran ang hospital bills ko. Habang nasa loob ng taxi na sinasakyan ay wala ako sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Sana naman ay walang nangyari masama sa kan

