Five years later… Aleisha's POV Nakaupo ako ngayon sa waiting area sa labas ng Day Care Center. Hinihintay ko ang mga anak ko. Oo mga, dahil kambal ang naging bunga ng gabing pinagsaluhan namin ni Xavier. Isang babae at isang lalaki, limang taon na ang nakakalipas simula no'ng umalis ako sa puder ni Xavier. Hanggang ngayon ay sariwa parin sa'kin ang mga nangyari noong gabing iyon, sariwa parin sa'kin ang sakit, pero mas okay na ako ngayon, maayos na ako at ang puso ko ngayon. Akala ko dati ay hindi ko makakayang walang Xavier sa buhay ko, pero mali pala ako, dahil kaya ko palang mabuhay ng wala siya— kaya pala naming mabuhay ng wala siya. Masakit man no'ng una ay nagawa ko na ring masanay, at sa pamamagitan ng mga anak ko, ni Nay Miranda at ni Anthonette, nagawa kong makalimutan ang s

