Tatlong araw na ang lumipas pero parang sariwa pa sa ala-ala ko ang sinabi ni Sir Sandro. Parang nageecho parin sa pandinig ko ang sinabi nya kaya mas ginanahan ako magtrabaho simula nang gabing yon.
“Huy! Anong nginingiti ngiti mo dyan?” Biglang tanong ni Bridget sakin nang mahuli nya ako.
“H-huh? Wala!” Pagsisinungaling ko.
“Sus! Lagi ka nalang ganyan simula nung party e, anong nangyari? Magkwento ka naman” sabi nito pero hindi parin ako nagsasalita.
“Wala nga” giit ko parin dito.
“Naku Kara! Kilala kita” sabi nito, talagang ayaw ako tigilan. Ayaw ko naman magkwento sa kanya ng sinabi ni Sir Sabdro at baka isipin nyang assumera ako.
“Wala, naalala ko lang nung party kasi marami akong nakitang artista” sabi ko nalang dito para tumigil.
“Talaga?? Maraming artista? Sino sino?” Dagdag tanong nito na parang naexcite noong narinig nya ang artista.
“Basta marami” sabi ko dito.
“Aaaww gusto ko rin makakita ng artista. Naku sana may pumunta ring mga artista sa engagement party nila Sir Sandro at Mam Nica para makakita rin ako” sabi nito bigla at para akong nagising sa katotohanan sa sinabi nito at bigla akong nawalan ng gana. Nasaktan ako. Parang sinaksak ang puso ko.
‘Ikakasal na pala sila, muntik ko nang makalimutan. Sinabihan ka lang kasi ng maganda nag-assume ka na agad.’ Sabi ng isip ko.
May mga sinasabi pa si Bridget pero hindi ko na maintindihan at parang wala na akong naririnig sa mga ito.
“Huy Kara! Nakikinig ka ba?” Malakas na sabi nito.
“A-ah oo, oo nakikinig ako” sabi ko nalang hanggang sa magpaalam ako na papasok muna ng bahay at iinom lang saglit ng tubig.
Pagpasok ko ng kabahayan ay mabilis akong naglakad papuntang kusina saka nagsalin ng tubig sa baso. Naabutan naman ako ni Nay Nena habang umiinom ng tubig.
“Kara, nak, pasuyo naman ako ng pagkain ni Sandro sa kwarto nito. Ihahanda ko lang saglit” sabi niya.
“Sige po nay, martes ngayon, hindi po sya pumasok?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi anak at masama raw ang pakiramdam nya, heto may gamot dito ibigay mo din sa kanya.” Utos nito. Nagalala ako bigla.
Kinuha ko naman ang tray at umakyat na sa kwarto nito.
Nilapag ko muna saglit ang tray sa kalapit na table at nagayos ng sarili bago kumatok sa kwarto nito. At nang walang sumasagot ay binuksan ko na ito.
Pinasadahan ko ng tingin ang kwarto at nakita ko syang nakahiga sa kama.
“Sir?” Tawag ko dito pero hindi ito tumutugon kaya binaba ko ang tray sa lamesa katabi ng kama at gigisingin ko na sana nang makapa ko ang noo nya. Mainit nga sya.
Ginising ko sya ng pilit para makakain sya at makainom ng gamot. Nagising naman ito sa mga tapik ko at unti unting nagmulat ng mata.
“Sir bangon ka po” sabi ko sa kanya.
Bumangon naman ito at kita ko sa kanya na nanghihina talaga sya. Kaya napagdesisyonan kong subuan nalang ito. Nakatingin ito sakin at halatang nagulat sa ginawa ko pero unti unti ay sumubo rin sya. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa maubos nya ang inihain ni Nay Nena at sumunod ay pinainom ko ito ng gamot.
Napangiti naman ako ng lihim nang hinayaan lang nya akong gawin ang mga ganoong bagay sa kanya. Maya maya pa ay napansin kong basang basa ito sa pawis kaya tinanong ko sya.
“Sir, basang basa ka ng pawis, saan nakalagay ang mga damit mo?” Tanong ko dito.
“Over there” simpleng sagot nya sakin at tinuro ang walk in closet nito. Pumunta naman agad ako sa walk-in closet nya at agad kumuha ng t-shirt nya. Nang malapit na ko sa kama nya ay bigla itong naghubad ng damit at napatalikod sa kanya.
“S-sir, wait lang po.” sabi ko sa kanya na hiyang hiya. Para na akong kamatis dito.
Paatras kong inabot ang t-shirt nya at dahil nakatalikod ako ay hindi ko kita kung malapit na ba ako sa kanya o kung abot ba nya yung t-shirt na inaabot ko. Kaya liningon ko nalang ito. At laking gulat ko nang makita kong nakatayo na pala ito sa likod ko.
Halos napanganga ako sa gulat dahil ang dibdib nya mismo ang bumalandra sa harap ko, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko habang hawak ko parin ang damit nya.
Aalis na sana ako nang bigla nyang hilain ang kamay ko at sabay kaming natumba sa kama nya at ang masaklap pa dito ay ako ang nasa ilalim nya, gulat na gulat ako dahil magkadikit ngayon ang mga katawan namin. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya at halos rinig ko ang t***k ng puso naming dalawa.
Hindi parin ako makapagsalita dahil titig na titig parin sya sakin hanggang naramdaman ko ang paggalaw nya sa bandang baba na syang dahilan ng paginit ng buong katawan ko, ramdam ko ang pagtigas nito na dahan-dahan nyang ginagalaw.
“S-sir” mahinang sabi ko kasabay nang pagtakas ng ungol ko. Gusto ko syang itulak ngunit traydor ang kalahati ng isip ko.
Narinig ko naman itong nagmura at naramdaman ko ang kamay nyang unti unting naglalakbay sa hita ko papasok sa suot kong bestida. Halos habol ko na rin ang hininga ko sa sarap na dulot ng matigas na bagay na umuulos sa gitnang parte ng katawan ko at nang malapit na nyang mahawakan ang gitna ko ay biglang may kumatok kaya mabilis ko itong naitulak at mabilis kong inayos ang aking sarili at sya naman ay mabilis kinuha ang damit na hawak ko kanina.
Taranta akong pumunta sa may pinto at binuksan ito. Pagbukas ko ng pinto ay si Nay Nena kaya nakahinga ako ng maluwag.
“Oh, Kara, kamusta na si Sandro?” Tanong nito na may pagaalala.
“M-medyo mainit pa po nay, p-pero pinainom ko na po ng gamot at naubos din po nya yung hinanda nyong pagkain” sabi ko dito at pilit kong pinapasigla ang boses ko.
“Ganon ba? O sige, pagtapos mo dyan, bumaba ka na at kakain na tayo.” Sabi nito tsaka sinara ang pinto.
Nang lingunin ko si Sandro ay nakahiga na ito at nakapikit. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.
Dahan-dahan kong kinuha ang tray na nasa lamesa malapit sa kanya at tsaka lumabas ng kwarto nya. Dahan-dahan din akong naglakad papuntang kusina dahil para akong nanghihina, mabuti nalang wala pa sila kaya mabilis akong pumasok ng banyo nang maibaba ko sa lababo ang tray. Para akong kandilang naupos at ramdam na ramdam ko ang ibabang parte ko na basang basa. Napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil sa nangyari. ‘Bakit ko ba hinayaan na mangyari yon’ sabi ko sa sarili ko.