“Kara! Do you have any plans after class?” Tanong ni Christine sakin nang matapos ang exam namin, tapos na rin ang exam ko sa lahat ng subject para sa first term at mabuti at nasagot ko naman lahat ng tanong sa test paper. Ang bilis ng araw parang kailan lang noong unang araw ko dito.
“W-wala” sagot ko naman dito habang nagaayos ng gamit.
“Then join us! We’re going to Thew’s later, please?” Sabi nito at nagpacute pa.
“Thew’s?” Tanong ko naman dito.
“It’s a high-end bar, malapit lang siya dito sa school, you should come! There’s a lot of guys there and tapos naman na ang exam, so?” Excited na sabi nito.
“Hindi ako umiinom e kayo nalang” sabi ko dito
“Oh! Come on Kara, kahit magjuice ka lang or kahit kumain ka lang doon please? Ikaw lang ang wala” pamimilit nito at nagpout pa.
“O-okay” sabi ko dito at bumuntong hininga, baka sabihin nilang kj ako “pero saglit lang ako doon ha?” Sabi ko pa dito.
“Yes!” Sabi pa nito. Hindi ko ito matanggihan dahil alam ko rin namang hindi ako titigilan nito dahil sobrang kulit nito. Itetext ko nalang mamaya si Sandro kapag magpapasundo na ako. Tinext ko ito na baka malelate ako ng uwi pero wala itong reply.
Kung kakamustahin kami ni Sandro mula nang gabing yon ay ganon parin. Minsan sweet siya, minsan naman masungit, minsan hindi namamansin pero iniisip ko nalang na pagod lang ito sa trabaho. Ramdam ko naman na may espesyal din siyang pagtingin sakin dahil araw-araw niya akong tinetext at kapag nasa eskwelahan na ako ay tinatawagan niya ako. Kaya ganado akong mag-aral.
Kapag tinatanong ko naman siya kung ano ba talaga kami ay bigla niyang iniiba ang usapan kaya hindi ko na inulit baka sabihin niyang desperada ako.
Ngayon ay naglalakad na kami palabas ng school at kasama namin halos lahat ng kaklase namin. Yung iba naman daw ay susunod.
“Kara, Christine, sakin na kayo sumabay” sabi ni Neil at sumige naman agad si Christine, wala kasi kaming sariling sasakyan tulad ng iba, si Christine naman ay laging hatid sundo.
“Oh my gosh! I’m so excited!” Sabi ni Christine nang makasakay na kami sa kotse ni Neil.
“Have you been there Kara?” Tanong ni Neil sakin nang makita siguro ako nito na nakatingin lang sa labas ng bintana at hindi umiimik dahil si Christine lang ang bukod tanging maraming kwento, parang hindi nga ito anak-mayaman dahil sobrang daldal nito parang si Bridget.
“Hindi pa, unang beses ko palang papasok ng bar” sagot ko naman sa kanya.
“Really?” Hindi makapaniwalang sabi nito sakin.
Nagpamusic nalang si Neil sa loob ng kotse na sinabayan naman ni Christine at kahit papaano ay hindi awkward dito sa loob ng kotse.
Maya-maya pa ay nakarating na kami ng Bar, malaki nga ito hindi ito basta basta Bar lang, mukhang mga mayayaman lang ang pumupunta dito. Alas singko palang ng hapon pero marami nang tao sa parking lot at sa entrance ng Bar.
Nang dumating na ang iba pa namjng kaklase ay nagkayayaan nang pumasok sa loob.
Pagpasok sa loob ay halos mabingi ako sa ingay dahil sa malakas na tugtog, ni hindi man lang ito rinig sa labas at nakakahilo rin ang patay sindi na ilaw. Nilibot ko pa ang paningin ko at nakita kong marami nang nagkakasiyahan at nagsasayawan sa dance floor.
‘Ganito pala ang itsura ng loob ng bar’ ani ko sa sarili.
“Kara tabi tayo!” Sabi ni Christine at wala na akong nagawa nang hinila ako paupo nito.
“Guys, ako na ang oorder ng inumin” prisinta ni Neil samin at nagkantyawan naman ang iba.
Tatayo na sana si Neil nang tawagin siya ni Christine “Neil! Juice lang kay Kara please?”
“Sige” sabi naman nito at tumayo na.
“CR lang ako, Saan yung Cr?” Tanong ko kay Christine.
“Over there” sabi nito at tinuro ang isang sulok. “Gusto mo bang samahan kita?” Tanong nito pero mabilis akong umiling.
Tumayo na ako at naglakad sa gitna ng maraming tao at nang makalagpas ako sa mga ito ay nakita ko naman agad ang sign. Ang lawak pala ng Bar na to. Habang naglalakad ako papuntang CR ay may mga nadadaanan akong mga pinto mga pang VIP yata.
Habang papalapit ako nang papalapit sa CR ay may naririnig akong nagtatawanan sa pinakahuling silid, medyo nakabukas kasi ang pinto nila at medyo kita ang loob, napasilip ako sa loob nito at nakita kong naglalaro sila, mga grupo ng kalalakihan at kababaihan ang nasa loob dahil sa pagiging curious ko ay nanood pa ako ng ginagawa nila. Nilibot ko ang paningin ko sa loob at nakita ko ang hindi ko inaasahan.
‘SANDRO’ sabi ko sa isip ko.
Para akong naestatwa sa nakita ko lalo na ang sumunod na nangyari.
Hinalikan niya ang katabi niyang babae at naghiyawan ang mga kalalakihan sa loob na sa tingin ko ay kaibigan niya dahil nakilala ko ang mga ito sa mukha, sila rin ang ibang imbitado noong engagement party nila ni Nica. Hinanap ng mata ko si Mark pero wala ito.
Napaatras naman ako at natutop ko ang bibig ko sa mga nakita ko.
Napayuko ako at di ko napigilang may lumabas na luha sa mata ko.
‘Yun na yon? Kaya pala di niya ako masagot kung ano talaga kami dahil pampalipas oras lang niya ako. Ginawa niya lang akong libangan at ako namang si Tanga, umasa na ibabalik din niya sakin yung pinaparamdam ko sa kanya! Ang tanga tanga mo Kara! Sino ba naman kasi ako? Isa lang akong hamak na katulong, umasa asa pa kasi ako na magugustuhan niya!’ Sabi ko sa isip ko. Tahimik akong napahagulgol sa kinatatayuan ko at napasabunot sa buhok ko.
Inayos ko ang sarili ko at mabilis na naglakad papuntang CR at naghilamos.
“I told you, mapapasakin din si Sandro” wika ng babaeng kakapasok lang ng CR. Napaangat naman ako ng tingin sa salamin at nakita ko na ito yung kahalikan niya kanina. Maganda siya at mukhang mayaman din.
“Ugh! He’s so hot!” Sagot naman ng kasama niyang babae at nagtawanan silang dalawa.
Mabilis akong umalis doon at bumalik sa table namin. Wala akong pakealam sa mga nakakasalubong ko basta nakayuko lang akong naglakad.
“What took you so long?” Tanong ni Christine na medyo may tama na.
“Sorry, naligaw kasi ako e” rason ko nalang dito.
“Kara, drink your juice, gusto mo ba ng food? Order kita” sabi ni Neil pero umiling lang ako.
“Ok na ako dito, salamat” wika ko at tinuloy na nila ang pag-inom.
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang cellphone na bigay ni Sandro at nang buksan ko ito ay naka 15 miscalls ito at 20 messages. Napabuntong hininga ako at naalala ko na naman ang nangyari kanina. Di ko maiwasang maawa sa sarili ko. Pinatay ko nalang ang phone ko at pinasok ito sa loob ng bag.