Napabuga ako ng malalim na hininga nang makababa kami ng eroplano. Hawak ko sa kamay si Kasandra ngayon at sila Nica at Enzo naman ay tinulungan akong magbitbit ng mga maleta naming mag-ina. Naglakad pa kami ng konti palabas ng airport hanggang matanaw na namin si mommy at daddy kasama si Nanay Belen. “Kasandra!” Isang malambing na boses ang sumalubong samin at rinig ko ang tili ng anak ko at mabilis na lumapit kay mommy. Isa-isa niya kaming nilapitan at niyakap. “Welcome home guys!” Sabi naman ni dad na nakasunod kay mommy. “It’s good to be back” sambit naman ni Nica na nakangiti. Niyakap ko naman ng mahigpit si Nanay Belen at nakita ko pang tumulo ang luha nito. “Oh nay, wag ka nang umiyak. Nandito na ko o.” Nakangiting sabi ko dito at tumawa naman sila mommy. “So? Let’s go?” Yaya

