“Drink some water, it helps to clear your throat” nakangising sabi ni Gabriel kay Sandro dahil kanina pa ito tumitikhim. Nandito parin kami sa canopy. Parang hindi nahihilo ang mga ito kung tutuusin ay marami na silang naubos na lata ng beer.
“Kuya, why you’re here? I thought you’re busy?” Tanong ni Ashley dito habang kumakain ito ng fries at sinang ayunan naman ng dalawa pa nitong kapatid.
Nakita ko namang parang hindi ito naging konportable sa tanong ng mga kapatid niya. “Maaga kong natapos ang trabaho ko, at gusto kong magunwind” paliwanag naman nito.
“Really?” Mapanuksong tanong naman ni Ashley at tumango naman ito.
“Ugh! I’m bored! Kara, halika magpicture tayo doon!” Yaya nito sakin at basta nalang ako hinila. Aalis na sana kami nang magsalita si Sandro.
“Wait”
Nilingon naman namin ito at maya-maya pa ay hinubad nito ang polo na suot at binigay sakin kaya nakita ko na naman ang makisig nitong katawan na kahit sinong babae papangaraping mahawakan ito. Nagtataka naman akong kinuha ito sa kanya at tinignan ko ito. Tahimik din na nakamasid sila Matthew sa amin.
“Anong gagawin ko dito?” Tanong ko sa kanya.
Tumikhim muna ito bago nagsalita. “Wear it” sabi nito at nagiwas ng tingin. Namula naman ako nang sobra dahil sa isipin na ayaw niyang nagsusuot ako ng ganito.
“No! Mas bagay niya ito na—“ hindi na natapos ni Ashley ang sasabihin nang tinignan ito ni Sandro ng masama at pati na rin sila Matthew na kanina pa lihim na tumatawa.
Nagdabog naman si Ashley at tuluyan na akong hinila palayo sa mga ito dala-dala ang camera nito.
Sinuot ko naman ang polo ni Sandro at halos yakapin ko ito dahil sa bango, ‘Namiss kong inaamoy ang katawan nito.’ Sabi ko sa isip ko at namula naman ako sa naisip.
“Kara, Stand there, I’ll take a photo of you” sabi ni Ashley at nahihiyang sinunod ko naman ito. Bumilang pa ito at ngumiti naman ako dito.
“Perfect! I love it! One more!” Sabi nito at tumayo lang ako dito at ngumiti.
“Ako naman” sabi nito nang matapos niya akong kuhanan ng litrato at binigay sakin ang kamera at tinuruan ako kung anong gagawin. Nang makuha ko na ito ay pumwesto na ito sa tinayuan ko kanina at kinuhanan ko ito ng litrato. Tuwang tuwa naman ito sa resulta.
“Let’s find another place” sabi nito at naglakad lakad pa kami sa beach hanggang sa may tumama sa likod ko.
Nagulat ako at napatingin sa likod ko. Bola ito ng mga naglalaro. Maya-maya pa ay may lalaking lumapit sa amin at humingi ng pasensya.
“Kara, are you alright?” Nagaalalang tanong ni Ashley sakin.
“Ok lang ako” sabi ko naman at tumingin sa lalaking kakalapit lang. Nagtama naman ang mata namin nong lalaki at parang natulala ito nang lumingon ako.
“Bry! Ano na? Yung bola!” Tawag ng mga kasama niya dito.
Akmang aalis na sana kami ni Ashley nang pigilan kami nito.
“Wait, I’m sorry Miss” sabi nito at tumango nalang ako para makaalis na kami nang hinabol niya kami.
“Bryan nga pala” sabi nito at nilahad ang kamay niya samin. “And you are?” Tanong nito una kay Ashley. Tinanggap naman ito ni Ashley at sinabi ni Ashley ang pangalan niya “Ashley? It suits your pretty face” sabi nito at ngumiti. “And you are?” Baling nito sakin at nilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko rin ito. “Kara” sabi ko dito at ramdam kong hinigpitan nito ang hawak sa kamay ko kaya parang napapaso na hinila ko agad ito. “Gorgeous” sabi pa nito.
“Bry!” Tawag na naman ng mga kasama niya sa kanya at nilingon naman niya ito at bumaling sa amin. “See you around” sabi nito at bumalik na sa mga kasama. Tumango nalang kami ni Ashley at umalis.
“He’s hot” humahagikgik na sabi ni Ashley at tumawa nalang ako.
Nagpicture pa kami ni Ashley sa mga magagandang spot ng resort at nang magsawa ay napagdesisyonan na naming bumalik kung nasaan ang magkakapatid.
Nakita naman namin sa di kalayuan si Sandro na may kausap na babae at halos idikit na ng babae ang mga dibdib nito kay Sandro. Maganda at sexy ang babae, kitang kita rin ang bawat kurba ng katawan niya sa suot nitong two piece.
Kumunot ang noo ko at mabilis akong nagiwas ng tingin nang dumako ang tingin niya sa amin at nang makita niya ako ay bigla niyang hinawakan ang bewang ng babae at masaya silang nagusap nito. ‘Nananadya ba ito para saktan ako?’ Tanong ko sa isip. Maya-maya pa ay humalik ang babae sa panga nito na mas ikinagulat ko.
“The nerve of that girl!” Galit na sabi ni Ashley na tinitignan din pala ang mga ito at hinila ako ng mabilis papunta kila Matthew na ngayon ay may mga dumagdag na tao sa cottage.
Nang mapansin kami nila Matthew ay pinakilala nila kami sa mga ito. Binati naman kami ng mga ito.
“Nandito din sina Bryn” sabi ng kausap ni Matthew at maya-maya pa ay may kinawayan ito.
Nilingon naman namin ang kung sino mang tinawag nito at nagulat ako na ito yung nagpakilala sa amin kanina. Nagulat din ang lalaki at tinignan kami ni Ashley.
“Ashley? Kara?” Sabi nito nang makalapit na ito ng tuluyan. Binati rin nito si Matthew.
“Hey, bro! What’s up?” Sabi ni Matthew dito at nagapir pa ang mga ito. Sakto namang lumapit na rin si Sandro sa cottage kasama ang babae niya. Parang gusto kong maluha sa mga oras na ito sa mga nakikita ko.
“You know them?” Tanong ni Bryn kay Matthew.
“Yes of course! Ashley is my sister” sagot naman ni Matthew dito. “And Kara is my — .” Hindi na naituloy ni Matthew ang sasabihin nang magsalita si Ashley.
“She’s my friend! Kara is my friend!” Sabi nito at ngumiti ng malapad. Hindi nito sinabi sister in-law nila ako, na asawa ako ng kapatid nila. Siguro dahil iniisip nila ang sinabi ni Sandro noon na ayaw nitong ipaalam na kasal kami. Tinignan naman ni Matthew si Ashley na parang nagtatanong at nang makuha nito ang ibig sabihin ay ngumiti si Matthew.
“Oh! Nice!” Sabi naman ni Bryn.
Nakita ko naman na halos hindi na maipinta ang mukha ni Sandro at mas lalo pang ngumisi si Ashley.
Nagkasiyahan ang lahat at kumuha pa ng maraming inumin si Matthew. Alas sais na rin ng hapon at nagpatugtog pa sila ng malakas. Napuno ng tawanan ang lugar at nagulat ako nang bigyan ako ni Ashley ng beer. Ni halos hindi ko na nga maubos yung binigay niya kanina at heto na naman binigyan na naman niya ako ng isa pa sa pangalawang pagkakataon.
“Ubusin mo na yan, daliiiiii” sabi nito at tinungga ko naman ang natitirang laman ng bote. Halos mapapikit ako dahil hindi ko talaga gusto ang lasa nito. Nang magmulat ako ng mata ay nakita ko si Sandro na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin at tahimik lang itong nakaupo. Umalis na rin ang babaeng kasama niya kanina.
“Cheers” biglang sabi ni Bryn na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin. Ngumiti lang ako at uminom ng beer.
“May boyfriend ka na?” Tanong nito at ngumiti naman ako dala na rin siguro ng beer at unti unti na ring namamanhid ang katawan ko.
“Wala” sabi ko dito at ngumiti ulit.
“You’re so beautiful, Hindi ako naniniwalang wala kang boyfriend” sabi pa nito.
‘Wala akong boyfriend, pero asawa meron pero ayaw lang niyang ipaalam’ gusto kong sabihin at natawa naman ako sa naisip ko.
“Why are you laughing?” Natatawang tanong nito sa akin.
“Wala” simpleng sagot ko dito at uminom uli ng beer.
“Do you want to go in other place? Maingay dito e” sabi nito, napatingin naman ako dito at umiling parang alam ko na kung ano ang gusto nitong mangyari. Mabilis kong binaba ang bote at nagpaalam dito.
“Excuse me. Uhm.. CR lang ako” sabi ko dito at iniwan ito. Mabilis akong naglakad palayo kahit pakiramdam ko ay namamanhid ang buong katawan ko. Ramdam ko na rin ang init ng buong katawan ko dahil sa ininom ko.
Nang makita ko kung nasaan ang CR ay pumasok ako dito sa loob at naghilamos. Hindi naman ako naiihi gusto ko lang talagang lumayo doon kay Bryn.
Basang basa pa ang mukha ko nang mapagpasyahan kong lumabas ng CR at laking gulat ko nang mabungaran ko si Sandro na nakahalukipkip at mukhang may hinihintay.
“S-Sandro”