Ang Pagtatagpo❗

1280 Words
Labis naman ang tuwa ng Ginoo dahil sa tinuran ni Rosa, siya ay ngumiti at saka muling nagwika. "Kung ganoon ay inyo akong maaasahan Binibini." Kulang na lang maglululundag sa tuwa si Rosa ng mga sandaling iyon. Pasimple siyang kinurot ni Valentina mula sa kanyang tagiliran. "Kung ganoon ay magpapaalam na ako sa inyo mga magagandang Binibini. Valentina, ikinagagalak kitang makilala, ikaw ay tulad ng isang bituing marilag sa kalangitan. Paalam sa inyo," at ng makaalis ang Ginoo ay siya namang hindi mapigilan ni Rosa na mapasigaw dahil sa labis na kilig na kanyang nadarama. "Umayos ka Rosa, tiyak makukurot tayo sa singit dahil diyan sa mga pinaggagagawa mo." saway pa niya sa kaibigan. "Ayiiehh.. Ako lamang ay natutuwa Valentina. Hindi ba't kay gandang lalake ni Lucas? Hindi kaba nabighani sa taglay niyang kagwapuhan?" Pagbibiro pa ni Rosa sa kanya. "Tara na nga Rosa, kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan mo." Kapwa sila tumatawa ng pagak habang nakatakip ang hawak nilang abaniko sa kanilang mga bibig. Sila ay naglakad-lakad muna sa paligid ng simbahan—abala ang kanilang mga mata dahil sa dami ng iba't-ibang klase ng palamuti na nakasabit sa paligid ng simbahan. "Doon lang ako Rosa," sabi pa nito sa kaibigan ng mapansin niya ang isang maliit na lamesa at upuan sa ilalim ng isang mayabong na puno ng dalisay. "Himmm.. Himmm.." tila siya ay umaawit habang naglalakad at sinasabayan ang awit ng mga ibon sa paligid. Hanggang sa mapadako ang kanyang paningin sa isang bagay. "Ano kaya iyon?" Bulong niya sa kanyang sarili, hindi niya masyadong maaninag kung ano ang kanyang nakikita. Nasa ibaba ito ng upuan, nasa lupa ang bagay na iyon. Siya ay lumapit, at ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat ng mapansin niyang isang tao ang kanyang nakita. Nakahiga sa lupa at sa tantiya niya ay natutulog ito. Isang babae. "Isang tao?" Gulat na gulat niyang bigkas. "Ngunit—bakit siya ay naiiba? Ano'ng klaseng nilalang ito?" Lubos-lubos ang kanyang pagtataka dahil talagang niiba ang hitsura ng babaeng ito kaysa sa kanya. Hinawi niya ang mahabang saya at siya ay naupo sa tabi ng bababe. Hinaplos niya ang kanyang mukha, isang babaeng napakaganda, maputi, makinis ang balat at tila isang Anghel sa kanyang paningin. "Anong klase kang nilalang? Bakit naiiba ang iyong hitsura? Bakit ganyan ang iyong damitan?" Ang dami niyang katanungan sa babaeng iyon na natutulog. Hanggang sa unti-unti ay gumalaw ito, siya ay napaatras ng bahagya dahil natatakot din siya sa naiibang nilalang na ito sa kanyang harapan. "Hmmm.." dumadaing ang babae, "Binibini," "Hmm.. Mama?" Narinig niyang wika ng babae. "Binibini," muli ay wika ni Valentina. Dito siya nagmulat ng kanyang mga mata, nakakasilaw na liwanag ng araw ang sumalubong sa kanya. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata at saka luminga sa paligid. Dito napagtanto niyang siya ay nakahiga sa mula sa damuhan. Siya ay napalikwas ng bangon. Nanlaki ang kanyang mga mata—sa huling pagkakatanda niya nasa loob siya ng kanyang kwarto. "Binibini ano ang iyong ngalan?" Nagulat pa siya ng mapansin niya ang babaeng nakaupo malapit sa kanyang tabi. Siya ay tumayo dahil sa sobrang gulat niya. "Te-teka! Si-sino ka? Na-sa-an ako?" Gulat na gulat niyang saad sa babaeng kanyang kaharap. "Huwag kang matakot Binibini. Sa tingin ko naman hindi masamang nilalang. Ano pala ang iyong ngalan at bakit ka nakahiga diyan sa may damuhan?" Hindi siya makasagot, ano ba itong nangyayari sa kanya? Isa ba itong kababalaghan? "Valerie gumising ka! Nasaan ako?" Nahihintakutan niyang saad, muli siyang luminga sa paligid. Mga nagtatayugang mga punong kahoy, may mga nakasabit na mga banderitas sa paligid at mga ibong umaawit. Lumingon siya sa isang banda, isang simbahan ang kanyang nakita. "Diyos ko, anong klase ng lugar ito? Nasaan ako? Hindi! Panaginip lang ito, gumising ka Val, gising!" Panay ang pagtapik niya sa kanyang mukha para siya ay magising. "Binibini ano ang iyong sinasabi?" Tiningnan niya ng mabuti ang babaeng kaharap niya, isang napakagandang babae na nakapusod ang mahaba nitong buhok, may mala gintong suklay ito sa ibabaw ng kanyang ulo—may hawak na pamaypay at labis niyang ipinagtataka iba ang kasuotan ng babaeng ito. Ang babae ay nakasuot ng blusa na may maluwang na manggas at nakasuot ito ng mahabang saya. May suot din itong kwintas na malaki na hugis puso ang pendant—na sa tingin niya ay isang locker necklace. "I-ikaw, sino ka?" Talagang nakakapagtaka ang kanyang mga nakikita. "Ako si Valentina Guevara nakatira sa lugar na ito." Wika pa sa kanya ng babae. Muli niya itong pinagmasdan, ng maalala niya ang isang kakatwang bagay na nangyari sa kanya, nakita niya ang kanyang repleksyon sa salamin na nakasuot ng katulad ng damit ng babaeng ito sa kanyang harapan. "Na-sa-an ako? Bakit kakaiba ang lugar na ito?" Puno siya ng katanungan. Siya ay naupo sa isang upuang kahoy na nandoon—at ganoon din si Valentina na naupo sa kanyang tabi. "Ikaw ang marapat kong tanungin Binibini—sino ka at bakit naiiba ka sa amin?" Tanong nito sa kanya. "Diyos ko!" Nanlaki ang kanyang mga mata—lahat ng tao sa paligid pare-pareho ang kasuotan. "Nasaang lugar ako?" "Ikaw ay nandito sa aming bayan Binibini. Dito sa bayan ng Sinait." "Sinait?! Lalong pinanlakihan siya ng mata, siya ay umiling-iling. "Sinait, Ilocos Sur?" "Tama ka Binibini. Kapistahan ng aming mahal na patron ngayong araw," fiesta ng Sinait? Patuloy ang katanungan sa kanyang isip. Paanong nasa Sinait siya? Sa huling alaala niya, naghahanda pa lang siyang magpunta ng Ilocos? "Te-ka, anong date naba ngayon?" Muli ay tanong niya, "Date? Hindi kita maintindihan Binibini," nagtataka din si Valentina dahil naiiba rin kung magsalita ang babae . "Date—ahm, ano ba petsa? Oo, tama nga, anong petsa na ngayon?" "Ah—heheh.. Iyon ba ang ibig sabihin ng date? Ika- isa ng Mayo ngayon Binibini." Tama, May 1 hanggang May 4 ang kapistahan sa bayan ng Sinait. "Ah, teka!" Nag-isip siya ng mabuti, base sa nakikita niya mga sinaunang tao ang mga ito base narin sa hitsura ng pananamit nila at paraan ng pananalita nila. Kung tama ang hinala niya, siya ay nasa sinaunang panahon. Upang makumpirma ang lahat, muli siyang nagtanong muli. "Ahm, anong year na ngayon? Tama," "Year? Ano ang year?" Hindi sila magkaintindihan na dalawa, bakit ba hindi niya alam ang ibig sabihin ng year at date? "Year, ah, ano ba ang year? Taon, iyon, anong taon na ngayon?" Muli ay tanong niya. "Nakakamangha ka Binibini. Bakit naiiba ang iyong pananalita? Bakit parang hindi ka isang taga dito sa amin? Saang lupalop kaba ng mundo nanggaling? Ikaw ba ay galing sa Europa?" Pati ang babaeng ito ay madami ding katanungan sa kanya. "Sagutin mo muna ako Miss, anong taon ngayon?" Muli ay tanong niya. "Miss? Ah, eh Valentina ang aking ngalan hindi Miss." Napakamot siya ng kanyang ulo, paano niya ipapaliwanag ang lahat ng ito? Bakit hirap siyang magpaliwanag sa babaeng ito? "Okay, anong petsa at taon ngayon? Sagutin mo muna ang katanungan ko bago ko sagutin ang katanungan mo? Did you understand Miss?" "Kakatwang nilalang. Kakatwang pananalita, hindi ko mawari ang ibig mong iparating." Huminga si Valerie ng malalim, kahit siya man ay hirap din na ipaliwanag ang lahat. Napapakamot siya ng kanyang ulo, dahil sa kakulitan ng babaeng ito. "Binibini, tama ba?" Tumango naman si Valentina, "Sagutin mo ako Binibini, ano ang petsa at ton ngayon?" "Mayo a-uno taong isang libo’t siyam na daan at isa." Awang ang kanyang bibig, hirap din siyang intindihin ang sinabi nito. "Isang libo’t siyam na daan at isa? Ibig sabihin nito year 1901? Diyos ko, nasa sinaunang panahon ako?!" Dito napatunayan niya ang lahat. Paanong nangyari na napunta siya sa taong 1901? Paanong napadpad siya sa henerasyon na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD