VALERIE'S POV: DITO bumalik sa alaala ko ang lahat. Ang kwento sa amin ni Lola Ramona at Lolo Tomas na ang kanilang kapatid na si Lolo Ramonsito ay namatay ng hindi nila nalalaman. Oo, sobrang sakit nito para sa kanilang magkakapatid lalo na sa mga magulang nila na malamang patay na ang kanilang panganay. Ayon kay Lola Ramona—nagulat daw sila isang araw na may dumating sa kanilang tahanan na isang doktor o dalubhasa na nagsasabing si Lolo Ramonsito ay wala na nga. Ang dalubhasang iyon ay nagbigay ng malaking halaga para sila ay makapamuhay ng tahimik at makapagbagong buhay sa Maynila ayon narin sa huling kahilingan ni Lolo Ramonsito. Hindi sila naniniwala. Hindi nila iyon matanggap. Pero dahil sa dalang sulat ng doktor—dito nabasa nila ang lahat. Isang sulat kamay ni Lolo Ramonsito p

