"Huminahon ka nga Val, hindi kapa magaling, baka mapaano ka niyan eh." Ayaw magpaawat ni Valerie at itinuloy parin niya ang balak nitong magpunta sa musileo kung saan nakalagak ang mga labi ng pinakamamahal niyang si Enrico.
"Pabayaan niyo ako! Kailangan ko siyang makita, kailangan ko siyang puntahan." Umiiyak na turan niya, kahit anong pigil sa kanya ng Ina at ng kaibigan niya hindi na siya nakinig pa.
"Makinig ka Val please, baka nakakalimutan mo bagong opera ka lang. Bigyan mo naman ng halaga ang bagong puso mo, ang bagong buhay na ibinigay sayo." Punas ang luhaang mukha, hinarap niya ang kaibigan.
"Bakit Ella, sa tingin mo ba kailangan ko pa ang puso na ito ngayon? Anong halaga nitong puso na ito kung wala na mahal ko!? Ella—sana namatay na lang din ako. Ayaw ko na, huhuhuh.. Diko kaya Enrico, bumalik kana mahal ko." Patuloy lang siya sa pagtangis, habang awang-awa naman si Ella sa kanya.
"Alam kong nakikita ka ni Enrico ngayon, sa tingin mo ba magiging masaya siya na makitang nagkakaganyan ka? Tama na Val, tama na." Yakap-yakap siya ng kaibigan, hanggang sa tumigil ang sinasakyan nilang taxi sa isang pribadong sementeryo.
Nagmamadali siyang bumababa ng taxi—kung pwede nga lang takbuhin na lang niya papasok ito ginawa na niya ngunit may mga guwardiya at hindi sila basta-basta makakapasok sa loob.
"Ma'am saan po ang punta niyo?"
"Bibisita lang kami Manong," si Ella na ang sumagot, hawak nito ang isang basket na may laman ng mga sariwang bulaklak.
"Pa log in po muna Ma'am," si Ella muli ang pumirma sa logbook.
"Ma'am kulang po ito, ano'ng pangalan po ng bibisitahin ninyo?" Muli ay tanong ng guwardiya.
"Enrico po, Enrico Salvador Manong." Pagkarinig ng guwardiya sa pangalang binanggit ni Ella nagkatinginan ang dalawang guwardiya.
Napakunot ang noo ni Ella,
"May problema ba mga bossing?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito.
"Ma'am, kaano-ano niyo po Mr. Salvador?"
"Bakit niyo tinatanong bossing? Hindi ba pwedeng bisitahin namin ang kaibigan namin?"
"Miyembro lang ng pamilya ang pwedeng pumasok ma'am, kung pamilya po kayo ni Mr. Salvador, papayagan po namin kayo." Muli ay saad ng guwardiya.
"Siya, ahm Val halika." Hinila niya palapit si Valerie sa kanila.
"Siya—siya ang girlfriend ni Enrico bossing," nakangiting wika ni Ella.
"Ano'ng pangalan po?" Muli ay tanong ng guwardiya at saka tumingin sa isang listahan kung hindi sila nagkakamali.
"Valerie Hernandez po,"
"Valerie Heart Hernandez? Naku Ma'am bawal po kayo sa loob."
"Hah?! Paanong bawal—eh girlfriend niya ito?" Gulat na gulat na wika ni Ella, samantalang si Valerie wala paring imik at patuloy lamang ang paglandas ng kanyang mga luha.
"Baka nagkakamali po kayo—bossing patingin nga po ng listahan ninyo,"
"Confidential ito Ma'am, at kabilin-bilinan po ng pamilya Salvador na bawal po siya dito." Dito na nakuha ang atensyon ni Valerie.
"Sino'ng bawal pumasok?"
"Ahm, bestie, kasi ano eh.."
"Ano?! Hindi niyo ako papapasukin sa loob? Ano'ng karapatan ninyo na ipagbawal sa akin na makita ko ang boyfriend ko?" Madiin niyang sabi sa mga ito.
Patay na nga 'yong tao, ipagdadamot paba nilang makita niya ito?
"Pasensya na po Ma'am, sumusunod lamang kmi sa utos. Sige na po makakaalis na kayo."
"Hindi—paraanin ninyo ako! Kailangan ko siyang makita," pilit niyang isinisiksik ang kanyang katawan makapasok lamang sa gate na iyon.
"Ma'am bawal po talaga kayo sa loob,"
"Parang-awa niyo na Kuya, paraanin ninyo ako, huhuhuh.. Miss na miss ko na siya Kuya, ipagdadamot niyo bang makita ko siya? Wala na 'yong tao kuya, wala na siya."
"Malalagay sa alanganin ang trabaho namin ma'am, pasensya na po talaga dahil may pamilya din po kaming binubuhay.
"Ngayon lang Kuya, parang-awa mo na. Please," hanggang sa unti-unti ay lumuhod ito, nabigla ang dalawang guwardiya pati si Ella ay nabigla din sa kanyang ginawa.
"Bestie ano ba, hindi mo kailangang gawin 'yan."
"Ma'am tumayo po kayo," yumuko ang guwardiya para siya ay tulungang makatayo.
"Hin-di! Nakikiusap po ako, kahit ngayon lang Manong pagbigyan mo ako." Patuloy siyang nakikiusap habang siya ay nakaluhod.
"Pagbigyan mo na pare, nakakaawa naman 'yong babae." Dinig nilang wika pa ng isang guwardiya.
"Pero malilintikan tayo kay Mrs. Salvador, kabilin-bilinan niyang huwag papasukin ang babaeng iyan." Nagtatalo na ang dalawang guwardiya, ang isa ay naaawa na sa kanya samantalang ang isa ay nagmamatigas parin.
"Wala naman sigurong makakaalam diba? Sige pare,"
"Manong, ku-kung kayo ang nasa sitwasyon ko, at ang mahal ninyo sa buhay ang nasa loob niyan—anong gagawin niyo?" Hindi nakaimik ang guwardiya.
"Ngayon lang po, sa huling pagkakataon Manong gusto ko lang magpaalam sa kanya. Nasa hospital po ako nung time na nawala si Enrico sa akin— katulad niya nag-aagaw buhay ako nung mga panahon na iyon kaya hindi ko siya napuntahan." Durog na durog ang puso ni Ella na makitang nasa ganoong ayos ang kaibigan.
Umiiyak —nakaluhod sa magaspang na semento habang patuloy itong nagsusumamo.
Dahil sa kanyang sinabi—tila nahabag ang guwardiya sa kanya. Dahan-dahan nitong hinawakan ang magkabilaang kamay ni Valerie.
"Sige na Ma'am, pagbibigyan ko na kayo. Pero ngayon lang ito ah, sorry talaga dahil may sinusunod po kaming patakaran dito." Kahit papaano Amy natitira parin palang kabutihan sa puso ng guwardiyang ito—ganoon na lamang saya niya ng sa wakas ay pinayagan siyang makapasok sa loob.
"Salamat Kuya, tatanawin kong malaking utang na loob ito sayo. Salamat po," at iyon na nga nagmamadali silang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang musileo kung nasaan nakalagak si Enrico.
"Bestie ito na nga, halika." Ngunit pagkarating nila ng pintuan ay naka- locked iyon.
Pilit niyang binubuksan ang salaming pintuan na iyon—ngunit sadyang hindi niya iyon mabuksan.
"Bestie, huwag mo ng pilitin." Kinakalampag niya iyon, pilit niyang itinutulak iyon ngunit wala siyang magawa.
"Hindi eh, kailangan kong makapasok Ella, tulungan mo ako!" Ubusin man niya ang buong lakas niya hindi talaga mabuksan ang pintuan na iyon.
Mula sa kanilang kinatatayuan, mula sa salaming pintuan na iyon kitang-kita nila mula sa loob ang malaking picture frame ni Enrico sa loob.
"Enrico," dito bumuhos ang kanyang emosyon, habang nakaharap sa glass wall na iyon.
"Enrico, bakit ba ang damot nila sa atin? Bakit ba ang hirap-hirap tanggapin ng lahat. Sana panaginip lamang ito mahal ko—gisingin mo ako at sabihin mong panaginip lamang ito. Enricooo..." Umiling-iling siya habang patuloy siya paghagulgol.
"Hindi ko kaya heart, dapat ako ang nandiyan at hindi ikaw! Ang daya mo, sabi mo walang iwanan. Ang sabi mo, bubuo pa tayo ng pamilya —nasaan ang pangakong iyon heart? Bakit nandiyan kana—ako ang may sakit at dapat ako sana ang nandiyan! Enricooo..." Kahit pa anong iyak ang gawin niya ngayon, hindi na maibabalik pa ang buhay ng mahal niya.
"Paano pa ako magpapatuloy sa buhay? Ano'ng silbi ng bagong puso ko kung wala kana?" Pusong naghihinagpis—pusong nangungulila, kung hanggang saan siya dadalhin ng kanyang pagdadalamhati iyon ay hindi niya alam.
Walang kasiguraduhan ang lahat, muli pa kayang sisilay ang magandang ngiti sa kanyang mga labi? Muli pa kayang sisilay ang bagong pag-asa para sa kanya?
Para sa isang taong kagaya niya na umibig ng wagas at nasaktan? May naghihintay pa kayang bagong umaga para sa kanya?
"Alam kong nakikita mo ako ngayon mahal ko. Heart, kung nasaan ka man, sana masaya kana ngayon. Wala ng sakit—wala ng paghihirap mahal ko, sa piling ng Diyos, magiging masaya kana. Patawarin mo ako, alam kong may kasalanan din ako. Kasalanan ko dahil hindi ako nakinig sa'yo—pinairal ko ang galit sa puso ko, dahil pag-aakalang niloko mo ako. Patawarin mo ako heart," nanghihina na siya dahil sa kaiiyak niya.
"Kung iyan ang magpapagaan ng loob mo, hahayaan muna kita bestie. Pero sana alalahanin mo din ang kalusugan mo, huwag mong sayangin ang buhay mo—ang bagong buhay na ipinagkaloob sa'yo. Magpasalamat tayo, dahil kung hindi sa taong nagbigay ng puso niya para sa'yo, wala ka sana ngayon kasa-kasama namin."
Tila isang kandilang nauupos, ubos na ang lakas niya, ubos na ang mga luha niya.