Bagong Buhay Sa Nakaraan ❗

1769 Words
Hirap na hirap niyang tanggapin ang lahat. Isang misteryo o isang milagro ba ang nangyaring ito sa kanya? "Binibini, kung iyong gugustuhin maaari kang sumama sa akin." Paanyaya pa ni Valentina sa kanya. Nanatili siyang nakatulala—paano pa siya makakabalik sa mundong pinanggalingan niya? Paano ang pamilyang naiwan niya? Paano ang magiging buhay niya? "Tulungan mo ako please, gusto kong makabalik sa amin." Nagmamakaawa niyang sabi kay Valentina. "Binibini hindi ko parin mawari ang iyong mga sinasabi. Saang lugar kaba talaga nagmula?" Puno ng pagtatakang tanong muli ni Valentina sa kanya. "Diyos ko, ano ba'ng nangyayari sa akin? Hin-di! Panaginip lamang ito, Valerie gising na please," pumikit ito ng mariin. Nanatili siyang nakapikit ng ilang segundo ng maramdaman niyang may humahaplos sa kanyang mukha. Nagmulat siya ng kanyang mata—hindi ito basta panaginip lamang. Si Valentina na nakangiti at titig na titig sa kanya. Haplos ni Valentina ang kanyang mukha—kaliwa't kanan kung siya nito ay titigan. "Kay ganda mo talaga Binibini. Ang iyong labi ay kay pula. Ano'ng klase ng tinta ba ang ipinahid mo diyan?" Wala sa sariling nahaplos niya ang mga labi ni Valerie. "Ang iyong pisngi Binibini na tila bunga ng aratiles dahil pulang-pula ang mga ito?" Namamanghang saad muli ni Valentina. Malalim siyang nag-iisip. Hindi na niya alintana ang mga pinagsasasabi ni Valentina. Pakiramdam niya mababaliw na siya sa mga kakatwang pangyayari na ito. Nakatulala. Wala kay Valentina ang kanyang atensyon kundi nasa mundong kanyang pinagmulan. "Paano pa ako aalis dito? Ayaw ko! Mama...." Bigla ay sumigaw ito ng malakas na siyang ikinagulat ni Valentina. Pati ang kaibigan nitong Rosa ay nagmamadaling lumapit narin ng marinig nito ang malakas na pagsigaw. "Ano'ng nangyayari Valentina?" Tumakbo si Rosa palapit sa kanila. "Si-sino ang nilalang na 'yan? Mahabaging Diyos Valentina—ano'ng uri siya ng nilalang?!" Gulat na gulat si Rosa ng makita niya si Valerie. "Ano kaba Rosa—katulad din natin siya na tao, naiiba nga lang ang kanyang hitsura." Lumapit pa lalo si Rosa at pinakatitigan niya itong mabuti. "Kakaibang nilalang. Hindi natin siya kauri Valentina. Baka—baka isa siyang diwata?!" Muli ay turan ni Rosa, titig na titig ito sa kanya. "Kay gandang nilalang Valentina. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito kagandang Binibini sa tanang ng aking buhay." Pati si Rosa na sobra ang kanyang pagkamangha na makita siya. "Shhhh..." Nagdadadaldal si Rosa at panay naman ang saway ni Valentina sa kanya. "Binibini—ano ang iyong ngalan?" Nag-aalangan man ay pilit niyang kinakausap si Valerie, panaka-naka din niya itong hinahawakan at panay ang pisil nito sa kanyang pisngi. "Rosa, tumigil ka. Hindi siya isang prutas, baka malamog na ang Binibini sa ginagawa mo." Muling saway ni Valentina sa kaibigan. "Binibini—hindi ko man mawari kung saan ka talaga nanggaling, alam kong hindi ka masamang tao." Inakay niya si Valerie na noon ay tulala parin. "Halika ka at sumama ka sa aming tahanan. Sige na Binibini—huwag kang matakot dahil kagaya mo mababait din kami." Muli ay wika ni Valentina, tumayo si Valerie na tuliro at hindi malaman ang gagawin. Akay-akay siya nina Valentina at Rosa, sila ay naglakad patungo sa plaza. "Kapistahan ng mahal naming patron ngayon Binibini kaya maraming palamuti." "Alam ko," "Alam mo? Kung ganoon ay nagdiriwang din kayo ng kapistahan?" Nagtatakang tanong muli ni Valentina. "Oo, dahil palagi akong nagpupunta sa bayan na ito. Nandito ang tahanan ng aking mga ninuno." Wala sa sariling sagot niya. Tama. Mabuti at naisip niyang nandito ang pamilya ng kanyang Ama. Dito biglang nagising ang kanyang diwa. Nandito din kaya ang bahay ng kanyang mga Lolo at Lola? Ang bahay ng kanyang mga Tito at Tita? Malaking palaisipan iyon sa kanya. "Ku-kung ganoon taga rito ka sa aming bayan? Ngunit paano nangyari na taga dito ka gayong naiiba ang iyong pananamit at naiiba ang iyong pananalita?" Tama si Valentina, talagang naiiba siya dahil hindi siya sa henerasyon na ito nagmula kundi sa hinaharap. "Makinig kayo sa akin. Hindi ako nabibilang sa henerasyon ninyo. Ganito kasi iyon—nanggaling ako sa future at ngayon nandito ako sa past." Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan, nagkibit balikat si Valentina, gano'n din si Rosa. "Talagang naiiba siya Valentina. Siguro nanggaling siya ng Europa," saad pa ni Rosa. "Hindi nga ako nanggaling ng Europa." Napapakamot siya ng kanyang ulo—hirap talaga siyang ipaliwanag sa dalawang ito kung saan talaga siya nagmula. "Alam niyo ba ang ibig sabihin ng future? Nag-aral naman kayo hindi ba?" Muling nagkatinginan ang dalawang magkaibigan. Umiling si Rosa at ganoon din Valentina. Isa lang ang ibig sabihin nito—napakunot siya ng noo. "Hindi ba kayo nakapag-aral?" Umiling-iling muli ang dalawa. "Ang mga kababaihan ay hindi binibigyan ng karapatan para makapag-aral. Hindi rin kami pinapahintulutan ng gobyerno na pumili ng magiging lider ng bansa." At dito pumasok sa isipan niya na ganito ang patakaran noong mga sinaunang panahon. "Ah—oo, naiintindihan ko na. Alam niyo ba na isang akong teacher?" "Teacher?" "Ah—teacher, ibig sabihin guro,' "Isa kang guro? Ikaw ay nakapag-aral? Pero hindi maaari dahil wala tayong karapatan na mga kababaihan Binibini." Huminga siya ng malalim. "Noon iyon, sa panahon niyo. Pero sa panahon namin, lahat ay pantay- pantay. Mapa babae man o lalake, may karapatang bumoto, may karapatang makapag-aral at may karapatang magtrabaho." Muli ay paliwanag niya. "Diyos ko, tulungan mo ako." Muli siyang napapikit at umusal ng taimtim. Huminga siya ng malalim. Kailangan niya ito—kailangan niyang humugot ng lakas ng loob. "Ahm—kasi ganito iyon, hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa panahon ninyo. Ako ay nagmula sa hinaharap," dito malakas na tumawa si Rosa ng nakatakip ang hawak nitong abaniko sa kanyang bibig. "Ahahahah.. Valentina, sigurado ka bang hindi nasisiraan ng bait ang Binibining ito?" Tumatawang saad ni Rosa. "Ano kaba Rosa, maaari bang itikom mo muna iyang bibig mo? Naguguluhan na ang Binibini, tulungan na lang natin siya." Saway pa nito sa kaibigan. "Hindi ako nasisiraan ng bait, totoo ang sinasabi ko. Ako ay nagmula sa hinaharap, sa taong dalawang libo't dalawampu't lima. Naiintindihan niyo ba mga Binibini?" Muling nagkatinginan ang magkaibagan, napalakas narin ang kanyang tono dahil talagang nahihirapan na siya. "Sige, naniniwala na kami sa'yo. Pero paano ka napunta sa taong ito?" Tanong pa ni Rosa sa kanya. "Isang misteryo. Isang paglalakbay. Nasa loob lamang ako ng aming tahanan ng bigla na lamang akong napunta sa dito." Matamang nakikinig ang dalawang magkaibigan habang siya ay patuloy sa kanyang pagkukwento. "Kung ganoon isang kababalhan ang nangyayaring ito sa'yo Binibini. Kung ikaw ay nakapunta dito sa aming henerasyon—hindi malabong makapunta din kami sa sinasabi mong hinaharap." Muling wika ni Valentina. "Maaari. Hindi ko din alam. Kasi sa aming henerasyon, wala na kayo. Mga patay na kayo." Napansin niyang nag- signed of the cross pa si Rosa. "Mahabaging Diyos na lumikha." Sabay hawak ni Rosa sa kanyang dibdib. "Rosa ano ba, huminahon ka nga muna!" Muling saway ni Valentina sa kaibigan. "Ahm—pasensya na kung natakot ko kayo. Pero iyon ang totoo." "Tama na nga iyan. Hala siya tayo na't umuwi na dahil nahihintakutan na ako sa iyong mga sinasabi Binibini." Nauna ng naglakad si Rosa papunta sa karwaheng naghihintay sa kanila. "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kina Papang at Mamang ang tungkol sayo Binibini—pero hindi naman kita maaaring pabayaan." Bigla siyang natahimik, mabuti na lamang at isang mabait na nilalang ang nakatagpo sa kanya. Kung ibang tao ang nakakita sa kanya, malamang napahawak na siya. "Maraming salamat sa'yo Valentina. Utang ko sa'yo ang buhay ko," "Hah? Utang mo sa akin ang buhay mo? Walang ganoon Binibini—ginagawa ko lamang ang alam kong tama at iyon ay ang tulungan ka." Pilit siyang ngumiti, nakakagaan sa pakiramdam na may isang kagaya ni Valentina na kausap niya ngayon. "Maaari ko bang malaman kung ilang edad kana Valentina?" Tiningnan niyang muli ito—kung hindi siya nagkakamali ay kaedaran lamang niya ang dalaga. "Ako'y dalawampu't limang taong gulang na Binibini." "Kung ganoon ay magkasing- edad lamang pala tayo. Pwede bang Valerie na lang ang itawag mo sa akin?" Tumango-tango naman si Valentina ng nakangiti. Nagpatuloy sila sa paglalakad habang nagkukwentuhan. Lahat ng kanilang mga nakakasalubong kakikitaan mo ng pagtataka sa kanilang mga hitsura. May mga nagbubulungan. Naririnig niya ang mga iyon ngunit hindi na niya binigyang pansin pa—dahil naiintindihan niya ang mga ito. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka gayong ibang-iba ang hitsura niya sa mga ito. Nakalugay ang mahaba niyang buhok—samantalang ang lahat ng mga kababaihang nakakasalubong nila nakapusod ang mahaba nilang mga buhok at may mga suot silang suklay sa kanilang ulo. Pati ang kanyang pananamit ay ganoon din, siya ay nakasuot ng dress na walang manggas at hanggang tuhod lamang ang haba. Kaya naman kitang-kita ang kanyang mapuputing mga binti at balikat. "Señorita—tayo ba ay aalis na?" Tanong ng kanyang hinete ng mapansin niyang palapit na ang amo. Ganoon na lamang ang pagtataka ng hinete ng mapansin niyang may ibang kasama ang amo. "Señorita—sino ang Binibining inyong kasama?" Sinuyod niya ang kabuuan ni Valerie dahil sa labis na pagtataka. "Siya si Binibining Valerie. Ginoong Thiago, tayo na't umuwi. Sigurado nagugutom na ang Binibining ito ngayon," napahawak siya ng kanyang sikmura, tama si Valentina kanina pa kumakalam ang kanyang tiyan . "Kapistahan ngayon kaya maraming pagkain sa bahay. Hala sige, tayo na't ng makapananghalian na tayo." Sila ay sumakay sa karwahe, nasa bandang likuran sila Valentina, samantalang nasa bandang harapan naman nila si Rosa. "Sigurado ka bang patutuluyin mo siya sa inyong tahanan Valentina? Hindi kaya magalit ang iyong Mamang at Papang? Kung gusto mo sa bahay na lang namin siya tumuloy," "Hindi na Rosa—ako na ang bahala kina Mamang at Papang." Nasa ganoong ayos ang magkaibagan habang nag-uusap, samantalang siya tahimik at nakapikit na nakikinig sa kanilang usapan. Talagang nandito siya sa nakaraan. Kay ganda ng paligid, kay sarap at kay presko ng simoy ng hangin. Walang maingay na mga sasakyan kundi mga kalesang ito lamang iyong makikita sa daan. Maraming mga punong kahoy sa paligid. Mga sanga at dahon nitong sumasabay na sumasayaw sa salin ng musikang hatid ng ihip ng hangin. Kung hanggang kailan siya sa lugar na ito—hindi niya masabi. Ano'ng ang buhay na naghihintay sa kanya mula sa nakaraan? "Kung ano man plano mo sa akin Lord, malugod kong tatanggapin. Kung ito man ang nakatakdang mangyari—sigurado akong may malalim kayong rason. Kung hindi man ako makabalik sa future—ikaw na sana ang bahala kina Mama at Dave. Lord, gabayan mo sila." Nakapikit habang siya ay taimtim na nagdarasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD