Kabayaran Sa Pagkatao ❗

1746 Words
Kinaumagahan masiglang gumising si Valerie, ito ang kauna-unahang araw niya sa bahay na iyon at gusto niyang sulitin iyon. Excited siyang bumaba ng kusina para ipagluto ng kanyang almusal si Enrico. "Magandang umaga Manang," bati niya kay Manang Rosa ng maabutan niya ito sa may kusina. "Magandang umaga din iha," nagpunas ng kanyang kamay ang matanda at lumapit sa kanya. "Pasensya kana kahapon kay Joy ah, sadyang ganoon na talaga ang ugali ng isang iyon." Hinging paumanhin sa kanya ng matanda, siya ay napangiti dahil sa pag-aakalang hindi siya tanggap ni Manang Rosa na kagaya ng napansin niya kay Joy kahapon. "Ayos lang po iyon Manang, baka naninibago lang po si Joy. Siya nga po pala, nasaan si Joy?" iginala niya ang kanyang paningin sa buong kusina ngunit wala ito. "Siya ang inutusan ko na mamalengke iha. Sa mansion kasi siya ang inuutusan ni Madamé para magpunta ng palengke." sagot naman sa kanya ni Manang Rosa. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. Nakahinga siya ng malalim—at sa tingin naman niya mabait si Manang Rosa. Saktong nasa ganoong pag-uusap sila ni Manang Rosa ng dumating naman si Joy kasama ang driver na pumasok para dalhin ang lahat ng kanilang pinamili sa kusina. "Manang Rosa—heto na po lahat ang pinamili namin." Ngumiti siya kay Joy, pero hindi siya nito pinansin at nilampasan lamang siya nito na animo'y walang nakita. "Ahm, Manang tutulong po ako sa paghahanda ng mga pagkain." Kaagad siyang nagpresinta dahil ito talaga ang gusto niya—ang sorpresahin si Enrico pagkagising niya. "Asus, kunwari tutulong. Hambog," mahina lamang iyon pero malinaw sa kanyang pandinig ang sinabi ni Joy. "Joy ano ba, hindi ba titigil 'yang bibig mo?" Narinig pa niyang saway ni Manang Rosa dito. "Hindi siya ang amo ko Manang, si Madamé lang." Matapang na sagot pa nito kay Manang Rosa, nasaktan siya ngunit nagkunwari na lamang siya na wala siyang naririnig. Kinuha niya ang ilan niyang lulutuin at inabala ang kanyang sarili sa paghuhugas ng ilang gulay at ang kawaling kanyang gagamitin sa pagluluto. "Naku iha, ako na diyan. Ikaw talagang bata ka—trabaho namin ito. Sige na, maupo kana muna at ipagtitimpla kita ng kape." saad pa ng matanda sa kanya. "Naku, bawal po sa akin ang kape Manang. At saka ayos lang ako dito, gusto ko pong tumulong." muli ay wika niya. "Naku, ang bait mo naman Valerie. Ang swerte ng alaga ko sayo," nakangiting saad ni Manang Rosa. "Kunwari mabait, pero nasa loob ang kulo." Pahapyaw na tinuran ni Joy ng mapadaan ito sa kanilang tabi. "Pagpasensyahan mo na 'yan anak ah. Siguro may buwanang dalaw 'yan kaya nagsusungit, hehe.." natatawang saad ng matanda. Tumawa na lang din siya at hindi na pinansin ang mga patutsada sa kanya ni Joy. Alam niyang na kay Mrs. Salvador ang katapatan niya at naiintindihan niya iyon. Nagpatuloy ang ganoong trato sa kanya ni Joy—talagang mabigat ang loob nito sa kanya. Isang umaga ng siya ay lumabas para pumunta ng garden naabutan niya si Joy na may kausap sa cellphone habang ito ay nagdidilig ng mga halaman. Gusto sana niya itong lapitan para siya na lang sana ang magdidilig—pero ng maulinigan niyang may kausap ito hindi na siya tumuloy. "Opo Madamé, akala mo kung sinong mabait. Tse! Buong pamilya dinala dito, ang kapal ng mukha. Opo, opo, ako po ang bahala kay Sir." dito siya ay napahinto dahil sa kanyang mga narinig. Siya ay napalunok. Kung ganoon ang Mommy ni Enrico ang kausap nito mula sa kabilang linya? Hawak ang kanyang dibdib—siya ay pumasok na sa loob at nagpunta ng kusina para makainom ng tubig. At nang mahimasmasan na siya, naupo siya saglit para pakalmahin ang kanyang sarili. Nakaupo siya ng madatnan siya ni Enrico. "Heart, ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Enrico ng mapansin nitong tila namumutla na naman siya. "Ayos lang ako heart. Mabuti naman at bumaba kana—nagugutom kana ba? Ipaghahanda na kita ng makakain," muli ay pag-iiba niya sa usapan. Hindi pwedeng malaman pa ito ni Enrico—ayaw niyang siya ang pagsimulan ng gulo sa pagitan nilang mag-ina. "Masilayan ko lang ang maganda mong mukha—masilayan ko lamang ang matatamis mong ngiti, busog na ako heart." Pagbibiro pa sa kanya ni Enrico. "Hmm.. Ikaw ah," sabay kintal niya ng masuyong halik sa kanyang noo. "I love you heart," "Mahal din kita Enrico," saka siya nito niyapos ng yakap. "Ehemm.. Langgamin sana kayo," kapwa sila napalingon ng marinig ang boses na iyon. Si Ella pala ang dumating. Napakunot ang noo niya ng mapansin niyang panay ang paghinga ni Ella ng malalim kasabay ng pagpunas niya sa gabutil ng pawis sa kanyang noo. "Ayos ka lang ba bestie?" Kaagad na tanong niya. "Kanina pa ako sa gate niyo ah, ang higpit naman ng bantay niyo. Ayaw ba naman akong papasukin ng Joy na iyon." Nakalabing saad niya sabay buga nito sa hangin. "Hah?! Bakit, anong nangyari?" Muli ay tanong niya sa kaibigan. Kusang kumawala ng yakap si Enrico sa kanya at walang pasabing naglakad ito palabas ng pintuan. "Heart, saan ka pupunta?" Ngunit hindi na siya sinagot ni Enrico kaya sumunod na lamang sila ni Ella. "Joy! Joy, nasaan ka?!" Malakas na tawag ni Enrico sa kanilang kasambahay. "Sir bakit po?" Nagmamadali namang lumapit si Joy. "Ano'ng nangyari?" "Po?" Kunot-noong tanong ni Joy, Hanggang sa tuluyan ng nakalapit sina Valerie at Ella. Salubong ang kilay ni Joy ng mapansin nito si Ella. "At magsumbong na pala sa inyo ang babaeng 'yan Sir?" Taas noong saad ni Joy, "Hindi siya nagsumbong. Kilala mo na siya hindi ba? Kaibigan siya ng Ma'am mo at matuto ka naman sanang irespeto 'yong tao." galit na wika ni Enrico. "Enrico please, tama na!" Hinawakan siya ni Valerie sa kamay upang sawayin. "Sir—una po sa lahat, hindi ko po amo ang babaeng iyan. Si Madamé ang amo ko at ikaw lamang. At 'yang babaeng iyan," sabay duro nito kay Ella. "Hindi siya welcome sa bahay na ito Sir, dahil kabilin-bilinan po ni Madame bawal daw po kaming magpapasok ng mga masasamang loob dito sa pamamahay ninyo." akmang susugurin na ni Ella ito pero pinigilan siya ni Valerie. "Ang bastos eh! Kita mo, sinabihan ako kanina na bawal daw pumasok ang mga asong gala dito. Naku, bestie, pigilan mo ako dahil baka masapak ko ang babaeng ito." Nanggagalaiting turan ni Ella. "Joy, hindi si Mommy ang nandito. Ako at si Valerie ang amo mo. Kaya kung paano mo ako respetuhin dapat ganoon din si Valerie—at maging sa mga taong malapit sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo Joy?!" Bago ito ay sumagot, inirapan mo muna niya sina Valerie at Ella. "Opo Sir, sorry po." labas sa ilong na turan nito. "Now, apologize to Ella!" Utos pa ni Enrico ngunit talagang ayaw magpatalo ni Joy. "Nag sorry na po ako sa'yo Sir," "Sa akin ka ba nakagawa ng mali? Joy, gusto mo bang manatili sa trabaho mo?" Madiing turan ni Enrico. "Sir," nakayuko na animo'y tila isang maamong tupa. "Sa susunod ayaw ko ng maulit pa ito Joy ah, ora mismo sesante ka sa trabaho mo kapag nangyari pa ito. Sige na, bumalik kana sa trabaho mo!" Dahil sa takot ay nagmamadaling naglakad pabalik ng garden si Joy. "Enrico, salamat ah." "It's ok Ella, I won't tolerate that kind of behavior. Mabait naman si Joy eh, although na kay Mommy sympathy niya at naiintindihan ko 'yon." muli ay turan ni Enrico. Ilang araw pa ang dumaan at nagpatuloy lamang ang ganoong pakikitungo ni Joy kay Valerie at ganoon din sa kanyang Mama at kapatid. Upang makaiwas sa gulo ay hindi na lamang niya ito pinapansin kahit panay ang parinig nito sa kanya na isa daw siyang manggagamit. Isang umaga, araw ng Lunes —kaaalis pa lang ni Enrico para pumasok sa trabaho ng biglang may dumating na isang magarang sasakyan. Dapat papasok na noon si Valerie sa loob ng bahay ng mapansin nitong pinapasok ng guwardiya ang magarang sasakyan na iyon. Mula sa sasakyan bumaba ang isang taong kilalang-kilala niya. Isang babaeng maputi—nakasuot ng mamahaling damit at maraming suot na alahas. Sumunod namang bumaba ang kasama nitong isang unipormadong babae. Napatda siya mula sa kanyang kinatatayuan ng makita nito ang Ginang. Taas noong naglakad ang Ginang palapit sa kanya—at saka siya nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Totoo pala ang balita na dito na nakatira ang hampas-lupa?" Sabi nito ng nakataas ang kilay. "Tita," nakayukong saad ni Valerie. "Look at yourself—hindi kaba nahihiya na makitira sa pamamahay ng anak ko? Ang layo ng hitsura mo sa amin Valerie, hindi kayo bagay ng anak ko." Hindi siya makasagot. Ito na nga ba ang kinakatakutan niyang mangyari, kaya hindi siya pabor sa kagustuhan ni Enrico na tumira dito sa kanyang bahay dahil alam niyang katakut-takot na namang insulto ang mararanasan niya. "Tapatin mo nga ako Valerie, malaki ba ang ibinibigay na sustento sa'yo ng anak ko? Magkano? Tatapatan ko," "Tita, wala po akong hinihingi na kahit na ano kay Enrico. Kung ang pagtira namin dito ang inaalala ninyo—hindi ko po ito hiniling kundi kusang loob po na ibinigay sa amin ito ni Enrico." muli ay paliwanag niya. "Sinungaling! Naturingang guro, pero napakasinungaling mo!" May inilabas ito na kung ano mula sa kanyang bag si Mrs. Salvador. "Ten million in cheque, layuan mo ang anak ko!" Sabay abot nito sa dalawang cheque na tig five million ang halaga. "What now? Kunin mo at lumayo na kayo ng pamilya mo dito. Magbagong buhay kayo—malaking halaga iyan, at mabubuhay na kayo ng masagana." taas noong wika ng Ginang sa kanya. Hindi siya makaimik dahil nasasaktan siya. Masakit isipin na may karampatan palang halaga ang buhay nilang mahihirap para sa mga taong nasa taas ng lipunan. Nasasaad ba sa batas ng Diyos at batas ng tao na bawal magmahalan ang dalawang taong galing sa magkaibang antas ng buhay? "Diyos ko, tulungan mo ako, baka hindi ako makapagtimpi. Huwag mo sanang hahayaan na maging bastos ako." taimtim siyang nananalangin, hangga't maaari ayaw niyang maging bastos. Ito palagi ang bilin sa kanya ng kanyang Ina—matutong gumalang sa mga nakakatanda. Siya ay pinalaki ng maayos na may prinsipyo at may paninindigan. Sa maikling salita pinalaki siya upang maging isang mabuting tao. Pero hindi naman pwedeng hayaan na lamang niyang alisputahin siya ng kahit na sinong tao dahil lamang isa siyang anak mahirap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD