⚜☪⚜
Natapos ang breakfast ko s***h lunch kaya heto ako ngayon sa hardin para makasagap ng sariwang hangin.
Takot na akong mawalan ng minamahal kaya naman tila hindi tanggap ng sistema ko ang pwedeng mangyari.
Tumingala ako at pumikit habang nakaupo sa mini chair sa gitna ng mga Amarillo flowers.
Hindi ko na muna iisipin ang nangyari,masyadong maligaya ang mga alaga ko para malungkot.
Ipinagpapasalamat ko na nasa tabi namin si Mame.Laging nandiyan para sa akin.Oo nga't minsan napakabrutal ng bibig ko at walang galang pero hindi ako natatakot na ilabas ang totoong ako lalo na nagpalaki sa akin.
Natigilan ako sa paglalakbay diwa ng mapansing may insektong naglalakad sa minamahal kong Amarillo.
"Aba ,Aba ,Aba!Sinong may sabi na pwede kayong dumapo sa mga alaga ko?Mga peste!!!"
Naiinis kong pinitik ang walang hiyang insekto na kanina lang ay animoy naga fashion show sa bulaklak at sa dahon ng Amarillo ko.
"Hadya ko ng mapayabong ang mga iyan tapos aasta kayo na parang pagmamayari niyo.Aba!!Gisahin ko kayo sa suka makita nyoo!" pananakot ko sa mga peste na ngayon ay nakabangon na sa lupa at nasa direksyon ng halaman ko.
"Subukan nyo talagang bumalik dito,hindi nyo na makikita ang mga kasintahan ninyo kung saan man kayo lupalop nanggaling. Ako ang magiging bangungot nyo!"
Natatawang nagpailing ako ng bigla itong lumiko ng direksyon at patungo sa maliit na kanal sa gilid ng bahay.
"Tama!Maniwala kayo sa akin dahil pag-hindi ,malilintikan kayo sa akin Ora mismo.HAHHAHAH"
Aaminin kong kinaaadikan ko ang mga alaga kong Amarillo.Marami ang may ayaw nito dahil nga sa mabaho daw.Hindi kaya!Ang ganda ganda nga nila eh ,laging maliwanag sa paningin at nakakasiya.Hindi masama na mag-alaga ng ganito dahil pantaboy din ito ng mga peste sa paligid kaya kung aaligid ang mga peste tulad ng kutong lupa na ngayon ay kararating lang. Hampasin dapat yan ng latigo ,malay mo namamaligno na pala hindi pa natin alam.
Pinagmasdan ko ang uhugin kong kapatid na umiiwas ng tingin sa akin.Aba!Huwag sabihing nahihiya ang damuho na ito.Naku po!Malabo yan sa kapal ba namn ng mukha nyan.
Dirediretso ang paglalakad nito patungo sa bahay at himala na hindi niya nilait ang magagandang alaga ko.
Dahil dyan bawi ka na butihin kong kapatid
Nang nakaramdam ng antok ay bumalik na ako sa loob ng bahay pero bago yon ay nagpaalam muna ako mga babies ko.Siyempre ,ipaaalala ko sa nila na huwag silang mapapagod na paligayahin ako.
Pagpasok na pagpasok sa loob ng bahay ay nanoot ang amoy saging na niluluto ni Mame.Ang sarap!!!!Nasisiguro kung turon yon.Excited na akong kumain. Tangkang tutungo sa kusina ,nadaanan ko ang kwarto ni Step na may kaunting siwang.
Ano naman kaya ang ginagawa ng isang iyon?
Umakyat ako at tinungo siya para yayain na magmeryenda.Mabait ako sa mga oras na ito dahil hindi niya nilait na mabaho ang mga babies ko .
Tatawagin ko sana siya ng mapansin ang hubad baro niyang katawan. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin.Mabilis na naginit ang ulo ko sa inis kaya walang sali-salita akong pumasok.
"Step" seryoso kong tawag sa kanya.
"Sleep,A-anong ginagawa mo dito hindi ka manlang ba marunong
k -kumatok?" kinakabahan niyang turan habang mabilis na nagbihis.
"Ano naman kong pumasok ako?" lumapit ako sa kanya na bahagya niya ikinaurong."Lumapit ka sa akin at hubarin mo ang damit mo" seryoso kong utos na ikinalarma niya.
"Hindi tayo talo 'te Sleep"
Suskupo!Utak na berde huwag mong salantain si Step.Langya!
"Maghuhubad ka o ako ang maghuhubad sayo?"
Nang hindi siya gumalaw ay mabilis akong lumapit at pinisi ang malapad niyang pasa na natatabunan ng damit na ikinasigaw niya ng malakas.
"Ang sakit!!!!Sleep,bitaw ,aray!!!" hindi ko siya pinakinggan sa halip ay mas tinudo pa ang pagpisil.Halos umiyak siya para lang patigilin ako kaya binitawan ko rin kalaunan.
"Sino?"tipid kong tanong.
Maputla pa rin ang mukha niya habang dumadaing ng sakit.
"Sasagot o sasagot?Bilis!Pipitikin ko titi mo!"
"G-Gabu ang narinig kong tinatawag nilang boss "
Ang aswang damo na yon?!!!!
"Bakit?"muli kong tanong at hindi ipinakita ang galit ko.
"G-gusto niya magbigay ako ng pera pero ayaw ko.Pinagtulungan ako nila" naiiyak nitong sumbong.
Ang mga gagong yon pati kapatid ko idadamay sa katarantaduhan nilang mga hinagupak sila!!Makikita nila.
"Masakit na nga pinisi mo pa.Sakit!"
"Sa laki mong yan nagulpi ka pa.Hindi ka lumaban?"
"Lumaban ako malalaki lang talaga sila at marami .Anong laban ko?" napadigin ang kagat ko sa aking mga ngipin sa galit.
Gabu!Nak ka ng tatay mo!!!
Tumayo ako at tinungo ang kusina, kumuha ng ice compress bago muling bumalik.
"Mame ,sarap niyan" aniko nang sumilip sa kawali na pinagpiprituhan ng turon
"Ako pa!" sagot niya.
"Yung turon Mame hindi ikaw HAHHAHA" bumalik ako sa kwarto,nadatnan ko si Step na nakaupo.
"Maghubad ka ng damit " agad namn niyang sinunod.Panay ang daing niya kaya lalo akong naiinis.
Dapat magsumigaw rin sila sa sakit mga hayf sila.Hindi ako papayag na nasasaktan ang kapatid ko habang sila ay masaya sa kalayawan nila.
"Akala ko ba kasama mo yong kaibigan mo?"
"Iniwan ako nung makitang papalapit yong tropa ni Gabu" may pagmamaktol nitong sumbong.
"Ayokong makikita na kasama mo yon,huh.Sasapakin kita!Maghanap ka ng kasama na hindi ka hihiwalayan. Ang tunay na kaibigan hindi nang-iiwan"
Natigilan siya at hindi makasagot kaya naman tumayo na ako .
"Kumain ka na sa baba alam kong hindi ka pa kumakain.May pupuntahan lang ako.Huwag mo akong uubusan ng saging malilintikan ka sa akin."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya sa halip ay naglakad patungo sa labas .
Humanda ka sa akin Gabu Don Diego.Isang pagkakamali na ginalaw mo ang kapatid ko. Gago!
Malalaki ang mga hakbang ko sa paglalakad hindi dahil nagmamadali ako pero parang ganun nga.Hindi ako makapaghintay na maharap ang mga hudlong na nanakit sa kapatid ko.
Lintik lang ang walang ganti.Kantiin nyo ako pero huwag ang kapatid ko dahil sisiguraduhin kong AKO ANG MAGIGING BANGUNGOT NYO.
Malayo pa lang ako sa kanto ay natatanaw na ang magkakabarkada. May kanya kanyang subo ng sigarilyo at barakong barako ang upo nakataas pa ang paa.
Nang makalapit ay masamang tingin ang ipinukol ko sa kanilang anim.Wala akong pipiliin kahit na isa sa inyo.Tandaan niyo 'yan.
"Gabu.Long time no see" bati ko.
"Ikaw pala.Anong sadya mo?May kailangan ka?"nakangiti niyang sabi habang kumikislap ng bahagya ang mga mata.Lumapit siya sa akin bago bumuga ng usok ng sigarilyo.
TangGala!Bastusing Amu!
"May kasunduan tayo ,naalala mo?"sa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ko at napalitan ng pag-aalab sa galit.
"Sakit ang ibinigay nyo sa kapatid ko,sakit din ang mararanasan nyo"
Kinapitan ko ang balikat niya bago pinanko at malakas na ibinarog sa lupa na tinutungtungan ko.Dinaganan at pinihit ang braso para baliin.Nang maperpekto ang ayos ay walang alinlangan binali ito dahilan para magsumigaw siya sa sakit at umakto na sumusuko.
Pinagmasdan ko ang mga kasamahan niya na nananatiling gulat sa nakikita.
"Arayyyyyyy!!!!!" sunod sunod na mura at daing ang naging bukambibig ni Gabu habang namimilipit sa sakit nang bitawan ko.
"Tumayo ka ,nagsisimula pa lang ako." utos ko na alam kong hindi masusunod dahil sa lagay niya.Kaya namn sa mga kasamahan niya ako nagtangis.
"Kasama niya kayo hindi ba?" sabay sabay silang umiling.
"Mga sinungaling!!!!!"
Sunod sunod na suntok ang pinakawalan ko sa kanilang lima, hindi pa man sila kumikilos para lumaban.Mabibilis ang naging kilos ko at hindi sila binigyan pagkakataon para makaganti dahil tulad sa pinakanglider nila namilipit sila at nagsumigaw sa sakit.Isa Isa ko silang binarog at pinagbabali ang kanang braso para hindi ako maging unfair sa bawat isa.
I'm not a champion wristler for nothing.
Wala akong sasantuhin ,sinasabi ko sa inyo!
Muli akong lumapit kay Gabu at kinuwelyuhan siya.
"Isang pagkakamali na sinugod mo ako!" galit na anito.
"May kasunduan tayong TangGala ka!Sinaktan mo ang kapatid!!!"
"K-kapatid.Wala akong alam sa sinasabi mo" tanggi niya kaya malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya.
"Humingi ka ng tawad sa ginulpi niyo kanina bago gumabi kung hindi, kalimutan mo ang kasunduan natin at hindi ka na muli makakapaghari harian dito"
"Hindi mo ako masisindak,babae ka lang."
Sarkastiko akong tumawa "Hindi kita sinisindak sinasabi ko kung hindi ka hihingi ng tawad sa kapatid ko ILALAMPASO KITA dito mismo sa teritoryo ko baka nakakalimutan mo dayo ka lang sa probinsyang ito kaya huwag kang pakalat kalat kung ayaw mong ibasura kita sa nabubulok." binitawan ko siya at inis na inapakan ang dibdib.
"Oras na malaman kong ginalaw niyong muli ang kapatid ko, hindi ko lang kayo ibabarog,hindi ko lang kayo babalian dahil sisiguraduhin kong merong paglalamayan." umalis ako pagkasabi niyon.
Nabalian ko na sila.Narinig ko na ang pagsigaw nila sa sakit.Sapat na sakin yon sa ngayon
TangGala, hindi man lang ako pinawisan!
Iniwan ko silang namimilipit sa lupa bago umuwi.Hinding hindi ako makakaramdam ng awa sa kanila dahil hindi rin naman sila naawa sa kapatid ko nang puntiryahin nila.
Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin si Sodero na nakaupo sa sofa.
"Step,sasapakin kita ,kapag inubusan mo ako ng saging "alam kong nakuha niyang may laman ang sinabi ko dahil bahagya siyang napakamot.
"Marami pa riyan hilaw nga lamang"
Biglang nagpantig ang tainga ko sa narinig kaya naman mabilis akong tumakbo sa kusina.Subukan lang talagang ubusan ako.
"Mame,meron pa?"
"Marami pa kumuha ka lang dyan."
Thanks God.
Tumungo ako sa sala dala ang nag-uumapaw kong turon.
Hmmm sarap!
Tumayo si Step at pumunta sa kwarto niya kaya hinarap ko si Sodero .
"Kung hindi mo kayang panindigan ang pagiging kaibigan sa kapatid ko.Kumalas ka na lang dahil mahirap na umaasa si Step sa tulad mong walang paninindigan."
Hindi na ako naghintay ng sagot dahil mukhang hindi naman siya iimik pa.Lumabas ako at muling nagtungo sa hardin ko.
"Hello babies!"
Ang gaganda talaga nila. Matitingkad na Yellow ang kulay.Oh diba?Ang sarap sa mata.
Kumuha ako ng isang turon at kinagat ang kalahati na pumuno ng tudo sa bibig ko. Sarap!!!
Kapag naiisip ko na sinaktan nila ang kapatid ko ay mabilis mag-init ang ulo ko.Nagagalit ang kalamnan ko dahil ayoko na sinasaktan si Stephen ng ibang tao.Ayos lang kung ako dahil sira ulo yon pero pag-iba?Lintik ang walang latay!
Hindi ako makakapayag na may manakit sa kanya.Siya lang ang nagiisa kong kapatid kahit pa abnormal siya.Hindi ko hahayaan na may mangyari na masama sa kanya at abusuhin ng ibang tao.Poprotektahan ko siya kahit na ano pa ang mangyari dahil kapatid ko siya at ako ang Ate niya.
Sa edad na 10 ay na sumasabak na ako sa wrestling kaya hindi nakapagtataka na madali lang sa akin na ibarog ang mga kabaro ni Gabu kanina kahit pa naglalakihan ang katawan nila.
Basic!
May kasunduan kami apat na taon ang nakakaraan pero hindi siya tumupad sa usapan.Hindi ko palalampasin ang ginawa niya sa kapatid ko.
Ang kasunduan namin ay hindi niya gagalawin sinumang malalapit sa akin kapalit ay hahayaan ko siya at hindi mangingialam.
Tang*na niya!Hindi siya marunong sumunod sa usapan.
Dumampot ako ng turon pero wala akong nakapa kahit na isa ,pagtingin ko ay wala na nga laman.
"Hindi pa ako nabubusog tapos wala na?Kakaasar!!!
Dumiretso ako sa kwarto at pasalampak na humiga.Inaantok na talaga ako.