Episode 12: Be Strangers Again

1102 Words
Hindi ko alam kung bakit sinabi sa akin ni Lola ang kwento nila ni Lolo pero doon ko lang napagtanto dahil sa naranasan niya noon ang naranasan ko. Hindi naranasan ni Mama ang magkaroon ng miscarriage. Ganoon na din ang asawa ni Tito Ronald at sa amin ay ako lang ang nakaranas nito dahil ako lang naman ang babae sa pamilya namin. Inayos ko ang buong condo dahil inaasahan ko si Miko na dumating. Nagluto din ako for dinner dahil inaasahan ko na dito siy kakain. Nag-ayos ako ng dining table sa may balcony ng condo ko. Maganda kumain doon dahil tanaw mo ang buong city at makikita mo ang bawat lightd na mayroon ang siyudad. May pa-candle pa ako at may roses din sa gitna para maging romantic ang ambiance. Masyado pa namang maaga kaya hihintayin ko muna siya. Ang ginawa ko ay naligo na lang ako at nag prepare para sa sarili ko. I looked beautiful in a maroon dress na hapit sa katawan ko. It's not sexy nor daring. Simple lang itong dress para sa gabing ito. Hinintay ko si Miko. Inaliw ko ang sarili ko sa pagmumuni-muni hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa dining table. Nagising na lang ako ng makita kong alas tres na ng madaling araw pero kahit isang Miko ay walang dumating. Nagbabadya na naman ang mga luha na pumapatak sa mata ko ngayon. Doble-dobleng sakit ang ngayo'y lumalamon sa sistema ko. Hindi ko alam kung paano ko lalabanan ang bawat pagkirot nito sa puso ko at kung paano nito pinapasikip ang dibdib ko. Tinawagan ko si Kaia. Ang nag-iisa kong kaibigan pagkatapos mawala ni Isaac. "For Christ sake, Gab! Alas tres pa lang kaya magpatulog ka!" Bigla niyang sabi pero humagulhol ako ng iyak sa kanya kahit na magkausap lang kami sa cellphone. Alam kong natigilan siya at alam kong gising na ang diwa niya. "You're crying?! Anong nangyari?!" Sunod-sunod niyang tanong pero mas lalo lang sumasakit ang puso ko. "K-kaia." Tawag ko sa kanya ng umiiyak. Hindi pa din nababawasan ng pag-iyak ko ang sakit na nararamdaman ko dahil mas lalo itong nadaragdagan. "Sumagor ka diyan, Gabby! Hindi ako manghuhula kaya kung gusto mo na malaman ko! Sabihin mo! Wag ka munang umiyak! Ituloy mo lang yan mamaya!" Pagbubunganga niya. Napahinto naman ako pero tahimik akong umiiyak. "He didn't come." Mahina kong sabi. Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Pinagsabihan na kita, Gab. Hindi ka naman nakikinig sa akin." Naging malumanay na ang pagsagot niya dahil alam niyang seryosong usapan ito. Hindi ko siya sinagot at nanahimik lang akong umiiyak. "Sinabi ko sayo na kapag may babalik. May consequences. Kapag may aalis. May effects." Doon ko natandaan iyong araw na tinawagan ko siya noong araw na bumalik ako galing ng Sun Ruses. Mas dumagsa pa ang mga luha sa pisngi ko sa narinig. "I can't blame your for loving him. Pero sana naman isipin mo din iyong sarili mo. Pitong taon kang naghintay dahil alam ko na kahit sabihin mo sa akin na nakamove-on ka na. Alam ko sa puso mo naghihintay ka. Sa pitong taon na puro sakit lang ang laman ng puso mo. Hindi para sa sarili mo ang ginawa mo sa loob ng pitong taon. Ginawa mo iyon para sa pamilya mo at para sa mga nasa paligid mo dahil ayaw mo na maapektuhan sila sa mga nangyayari sayo. Gusto mo ipakita na maayos ka na. Kaya mo na. Pero hindi mo maitatago sa akin iyan. Masyado na kitang kilala, Gab. Sa ilang taon na magkasama tayo, alam ko na lahat pati ang ugali mo. Bawat expression mo nababasa ko. Bawat kilos mo alam ko na ang ibig sabihin. Kung nabulag mo sila pagiging pretentious mo. Ibahin mo ko dahil sa alam ko na perpekto na akong hulma bilang babae at hindi mo ko maloloko." Mas naiyak pa ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na napapansin niya iyon. I've been covering myself as the braver and strong para wala ng magtanong kung nasasaktan pa din ako kasi napapagod na akong masaktan sa paulit-ulit na dahilan. "Siguro, oras naman na to, Gab. Hayaan mo si Miko na maghanap sayo. Maghintay sayo. Gumawa naman siya ng paraan na ibalik ka ng nahihirapan. Free yourself from pain. Baguhin mo ang sarili mo. Kung kaya mong madecieve lahat ng mga nakakakilala sayo. Kaya mo din gawin iyon ngayon through building your own defense at iyon ang sarili mo. Dali mong magpatawad. Sa sobrang kabaitan mo, inaabuso na ng mga tao. Tumulad ka sa akin sa sobrang ganda, maldita pa. Edi hindi nila maabuso." Naiintindihan ko ang punto niya at bigla na lang akong napangiti ng marinig ko ang sinabi niya. Pakiramdam ko gumaan agad amg pakiramdam ko dahil sa nakausap ko siya. "Ayos na?! Kaya please magpatulog ka! Wala akong tulog simula pa kagabi kaya please lang! Iyong kagandahan ko hindi nauubos pero iyong pasensya ko talaga. Isang patak na lang!" Hindi pa man ako nakapagsalita ay pinatau niya na. Kahit kailan talaga si Kaia. Matinong kausap na hindi. Pero aaminin ko dahil sa babaeng iyon. Nakakapag-isip ako. Pero kahit na ganoon ay nasasaktan pa din ako sa ginawa ni Miko. Tumayo ako at niligpit ko na ang buong preparasyon na inihanda ko para kay Miko. Napangiti ako ng mapait. Nagkamali ba ako na binigyan kita isa pang pagkakataon, Miko? Isang pagkakataon na lang ito pero bakit sinasayang mo pa din? Naglandas naman ang luha sa pisngi ko. Agad ko naman itong pinunasan at naghugas na ako ng mga nagamit ko. Nilagay ko ang mga ulam sa tupperware. Hindi pa ako kumain simula pa kagabi pero hindi man lang ako dinatnan ng gutom. Pabalik na sana ako sa kwarto ko ng may nag door bell kaya binuksan ko ito. Nakita ko si Miko doon na may dalang bouquet. Ang ganda ng pagkakangiti niya sa akin. Kung wala tayo sa ganitong sitwasyon Miko ay baka kinilig pa ako sa paraan ng ngiti mo pero hindi. Hanggat nakikita kita mas lalo mo akong nasasaktan. Bawat kilos mo ay may nakaabang na epekto sa akin. Epekto na unti-unting lumalason sa puso ko para sumakit. Malamig ko siyang tinignan bago ko ibukas ng maluwang ang pintuan. "I'm sorry. If I'm so late. I didn't know na gising ka pa." Imbes na sagutin siya ay tinanong ko. "Why you didn't come last night?" May sakit na tanong ko para maging dahilan na maging blanko ang ekspresyon nito. "May problema lang sa opisina." Matipid niyang sabi kaya naging blanko din ang ekspresyon ko. "Remember what I told you earlier. Let's be strangers again." --- -JustForeenJeo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD