Gumising ako ng maaga para mag-jog. I just wore pink leggings and partnered them with a white top. Gustong-gusto ko talagang suotin 'to dahil sobrang napaka-comfy. Dito na lang muna ako sa subdivision mag-iikot. Mga 1 hour din akong nag-jog at naisipan ko na magpahinga muna dito sa plaza. May nakikita din ako na mga matatanda na naglalakad din. Masarap rin kasi ang simoy ng hangin dito dahil sa gilid ng plaza ay may mga malalaking kahoy na. "Hi, nandito ka rin pala," sabi ng lalaki sa may likuran. Tinignan ko lang siya at ibinalik ko agad 'yung tingin ko sa mga punong nasa harapan ko. Kahit ilang taon na, hinding-hindi ko pa rin makakalimutan ang boses ni Thunder. "Long time no see," dagdag pa niya at umupo. Umusog ako para hindi kami magkadikit. "Yeah, right. We just saw each other yes

