Pagkatapos ng klase, dumiretso na ako sa condo. Unuwi ko muna ang mga gamit ko. Mamaya pa naman kami magkikita ni McKay pagkatapos ng kanilang practice. Medyo matatagalan pa rin naman 'yun kasi dalawang araw na lang at magsisimula na yung competition against sa ibang school.
Tatayo na sana ako para lumabas ng kwarto nang bigla na lang akong naduduwal. Anong nangyayari? Bakit ako bigla na lang naduduwal eh wala naman akong kinain kanina kundi mga snacks lang din?
Sinawalang-bahala ko na lang din yung pagsusuka ko. Siguro may nakain lang din ako kanina. Kakain lang din ako ng kaunti ngayon. Matagal pa bago matapos yung practice ni McKay, ayaw ko rin magutom kakai-antay.
Dalawang movie na yung natapos ko at tiningnan ko na yung orasan. Halos alas-onse na pala kaya kinuha ko na yung phone ko para bumaba na. Usapan din namin ni McKay na alas-onse y medya sila matatapos. Simple lang naman yung sinout ko: red satin pajamas ko at puting t-shirt. Sa Mcdo lang naman kami kakain mamaya kasi 'yan lang din yung malapit sa condo ko.
I texted McKay that I was already outside the gym. I sat on a bench near a post. There were a lot of students around because there’s also a dormitory inside the school, so many of them were still hanging out on the field. You really wouldn’t be scared to hang out here.
Pagtingin ko sa oras, alas-onse y medya na pala. Sakto din na lumabas na lahat ng atlethe sa gym. Nakita ko si Thunder kasama sina Aidan at Jeremiah, nag-uusap habang lumalabas. Nakita ko rin si McKay na nasa likod nila kaya lumapit ako para tawagin siya.
"McKay," tawag ko sa kanya.
Tumingin din silang lahat sa akin. Nakita ko rin na huminto si Thunder nang tawagin ko si McKay. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat, marahil nagtataka siya kung bakit ako nandoon kita ko naman na nagtinginan rin naman sila Aidan at Jeremiah.
Nang tumawag ako sa kanya, sinenyasan niya ako na saglit lang dahil kinakausap pa siya ng coach nila. Kaya ipinakita ko ang aking hand sign na okay lang. Naglakad muna ako pabalik sa lugar kung saan ako naghihintay kanina. Ramdam ko rin na nasa likod lang sila Thunder sa akin. Wala naman ibang daan dito na maliwanag.
"Oh s**t, saglit lang yung tumbler ko naiwan. Kukunin ko muna," rinig ko na sabi Jeremiah at nakita ko siyang tumakbo pabalik.
Umupo na muna ako sa bench at nakita ko rin sina Thunder at Aidan na nakatayo at hinihintay si Jeremiah.
"Upo na muna tayo, pre," aya ni Aidan kay Thunder at lumapit sila sa bench kung saan ako umupo.
Tahimik lang ako habang nakatingin sa phone ko, nagche-check kung may bago bang sapatos ang Nike. Dahil walang sandalan ang bench dito, kaya't inilapat ko ang aking mga kamay sa mesa upang magsilbing suporta sa aking baba. Umupo naman si Aidan sa dulo ng mesa at ang isa niyang paa ay nakatapak sa bench at si Thunder naman ay nakatayo sa kilid ni Aidan.
"Ang snob mo naman, Miss Attorney," itaas ko ang aking ulo upang tingnan kung sino ang kausap ni Aidan. Nang ma-realize ko na ako pala ang kinakausap niya, tinaasan ko siya ng kilay.
"What? Should I say Hi?" sagot ko nang may halong pang-inis.
"Woah woah, relax lang," sabi niya sabay taas ng kanyang kamay para bang susuko na. I just stare at him at hindi na siya sinagot, I look at my phone again. Kita ko naman sa kilid ng mata ko na nakatingin si Thunder sa akin.
"Why are you even here? Gabi na, lumalabas ka pa," sabi niya.
Wow, ang kapal ng mukha. Matapos niyang i-betray ako, ganun na lang kakapal ang mukha niya na kakausapin ako ng ganyan? Oo, aaminin ko, sobrang nahulog talaga ako kay Thunder, lalo na't siya ang una ko. Kaya sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pero pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, pinili pa rin niyang i-betray ako. Kahit na saglit lang 'yun, nag-invest ako ng damdamin para sa kanya, tapos malalaman ko lang na may girlfriend pala siya.
"What kind of question is that? Why do you care ba? Last time I check hindi naman kita ka anu-ano para you'll going to ask me like that. I don't even know the both of you," I raised a brows.
Nakita ko sa mukha ni Thunder na nagulat siya sa sagot ko. Oo, kaya mong i-ghost ako, kaya kong mag-pretend na hindi kita kilala.
"Oh," tanging sambit lang ni Aidan.
Umalis na ako para lapitan si McKay na papunta na rin dito.
"Pasensiya na Attorney ha, medyo natagalan," paumanhin niya sa akin. "Tara na, gutom na rin ako eh," dagdag niya pa.
Pagkatapos magpaalam si McKay at si Thunder, dumaan ako sa harap niya at nilampasan siya. Nagpanggap lang akong hindi ko sila kilala. Hindi ko ipapakita sa kanila na nasasaktan ako sa ginawa nila.
"Pasensya ka na, McKay ah. Na-disturbo pa kita sa ganitong oras," sabi ko sa kanya na may pagpapaumanhin.
Nandito kami ngayon sa McDo kumakain at marami rin namang mga studyante dito. May ilan sa kanila ang nagre-review dito.
"Ano ka ba, okay lang 'yun, noh. Basta libre mo 'to ha," sabi ni McKay. "Alam ko naman kung ano yung itatanong mo sa akin eh," naging seryoso bigla yung mukha niya.
"I just want to make things clear lang, McKay. Ayoko nang magdusa sa lahat ng mga tanong at 'what if's' ko. Alam ko na ikaw lang ang makakatulong sa akin. Sana hindi na rin ito umabot kay Thunder," paliwanag ko sa kanya nang mahinahon.
"I saw this one photo kasi with Thunder and this girl kasama yung grupo niyo including my bestfriends sa isang restaurant. Is there something going on between Thunder and that Athena," tanong ko sa kanya. Huminto siya sa pagkain at tinitigan niya ako.
"Ah, ganun ba? Well, hindi ko alam kung may something sila or what. Pero hindi ba't mas maganda sigurong tanungin mo mismo siya kung ano ba talaga ang nangyayari?" he suggest, he's trying to keep the conversation light.
"How can I ask Thunder? He already block me kahit yung bestfriends ko ayoko ko na din making contact sa kanila I fell betrayed," patuloy ko habang tinutusok yung chicken fillet. "Can you tell who is Athena sa buhay ni Thunder?"
"Athena is Thunder's ex-lover. Then Athena left him for her career. All I know is they are like the power couple dito sa school noon. Students envy Athena nga eh, because Thunder is really in love kay Athena. Sila nga ang puro laman class school article noon. Para silang celebrity na madaming paparazzi na naka-sunod, lahat ng article the dark web sila yung laman. They have a lot of fans kaya minsan may mga bashers ka yung time na...." Hindi niya tinuloy yung sasabihin niya. Tinignan niya lang ako and I nod para he will going to continue what he will say.
"So yun nga, Athena is Thunder's first love that time nga he well do everything to make Athena happy. Kaya nung iniwan siya ni Athena para sa career niya, Thunder's life became miserable," I pause. Kaya pala ganun na lang kadali akong iniwan ni Thunder.
I drink water para mapigilan yung luha ko na unti-unti nang tumutulo.
"You know what Attorney, it's okay to cry. Wag mong pigilan yung sarili mong umiyak. Sometimes you need to let it out para maging okay," sabi niya sa akin.
"Hindi na muna ako iiyak, McKay. Hanggang hindi ko naririnig yun mula sa bibig ni Thunder."
"Alam mo sinasaktan mo lang sarili mo. Ang alam ko Thunder and Athena were back together. Sobrang manhid mo," natatawang sabi niya. Nang maramdaman niya na hindi ako tumatawa, nag-peace sign lang siya sa akin.
"You need to help me, to talk to Thunder, Mckay," huminto siya sa pagkain at tinignan ako.
Desidido na din ako malaman ang totoo. Sa totoo lang, may pag-asa pa ako ng kaunti na mahal pa ako ni Thunder. Gusto ko lang din madinig mula sa kanya na hindi na niya ako mahal.