Nang mabasa ko 'yung text niya, I was shaking. Bakit naman sasabihin niya sa akin 'to? Hindi naman kami nag-aaway. Sweet pa nga siya nung huli kaming magkita. Tapos ngayon bigla na lang siyang ganito? Did I do something wrong? Nanghina bigla 'yung katawan ko at naupo na lang sa may veranda. Tinitigan 'yung sasakyan ni Thunder na paalis.
It's almost 4 o'clock in the morning, hindi ako makatulog dahil iyak lang ako nang iyak. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin 'to ni Thunder sa akin. Umaasa ako sa mga salita niya. Kahit inom pa ako nang inom ng gatas para makatulog, it's no help talaga.
Pumasok ako sa school nang walang tulog, maaga pa naman 'yung first subject ko. Naupo ako kung saan malapit ako sa may bintana. Pagka-upo ko, pumasok naman si Abigail. Tinignan niya lang ako at umupo na sa harapan. Now I can say that Abigail is really avoiding me. Hindi ko na lang din siya pipilitan.
"Arrietty, what happened to you ba? Ang maga ng mata mo? Did you cry ba?" tanong ni Yana na kaklase ko.
"Tanga Yana. Syempre nasasaktan yan," sagot naman ng isa pa naming kaklase.
Napansin ko na nakatingin silang lahat sa akin na para bang nahihintay sa sagot ko, kasama na si Abigail.
"Hindi. Umiyak lang ako dahil sa movie na pinanood ko kagabi yung trending ngayon," pagsisinungaling ko.
"Ay oo, sobrang teary-eyed din ako diyan nung pinanood ko," dagdag naman ng isa ko pang kaklase.
Buti na nga naniwala sila agad sa akin at ang pinag-usapan na lang nila ay 'yung movie na 'yun. Binaling ko na 'yung tingin ko sa labas. Wala naman din masyadong ganap ngayon, condo bahay lang din ang ganap ko. Hindi ko na masyadong pinapansin si Abigail, edi kung ayaw niya sa akin, hindi ko naman siya pipilitin. Tinanong ko naman siya kung nakakasama ba niya si Thunder the past few days, sinagot lang niya sa akin ay hindi daw. Alam ko naman na nagsisinungaling siya sa akin.
Dahil wala naman pasok ngayon, iniimbita ko sina Anthonette at Jasmine dito sa condo ko.
[GC]
Arrietty: Hey girls, punta naman kayo dito sa condo. I'm bored na eh.
Jasmine: Sige girl, try kong pumunta diyan.
Arrietty: Sige ha, hintayin kita. Eh, ikaw Anthonette pupunta ka ba?
Jasmine: Pupunta yan si Anthonette, pupuntahan ko siya sa kanila para sabay na kami pumunta diyan.
Naghanda na rin ako ng pagkain para sa aming tatlo. I prepared a lot for them. Ganyan naman din talaga ako pagdating sa kanila, gagawin ko ang lahat para maging masaya sila sa pag-stay sa akin. Tapos na rin ang lahat, naka-upo na ako sa sofa habang inuubos ko 'yung bote ng tubig na iniinom ko habang naghihintay ako sa kanila. I send them a picture ng pagkain na inihanda ko.
Anthonette: Sorry Arr, hindi na kami makakapunta. May emergency kasi sorry pwede sa susunod na lang.
Arrietty: Huh? May nangyari ba?
Anthonette: Basta.
Arrietty: Sige, okay. Sayang nakapag prepare pa naman ako ng pagkain.
Nalungkot ako nang sabihin ni Anthonette. Sayang naman 'yung pagkain. Pero okay lang, mag-m-mall na lang ako mag-isa ngayon. Walking distance lang naman din ang mall mula sa condo ko kaya mabilis lang din akong nakarating doon. Wala naman akong masyadong ginawa sa mall, pa lakad-lakad lang ako at chine-check 'yung mga bagong designer bags. Hindi ko naman bibilhin, nagtitipid din kasi ako dahil nga umalis ako sa bahay.
"Hi,'' paglingon ko si McKay pala may dala-dalang paper bag.
"Hey McKay, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at bineso siya.
"Well, ito. Gala lang din. Walang practice eh." pinakita namn niya yung binili niya.
"May kasama ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman." sagot niya. Kaya tumango na lang din ako sa kanya at pinagpatuloy yung ginagawa ko.
"Hmmm attorney, gusto mo mag lunch? Treat kita," ngiting sabi niya.
"Sige, basta libre mo ha," birong sabi ko sa kanya.
Nandito kami sa isang Chinese restaurant sa tabi lang ng mall. Medyo kaunti lang din yung mga tao dito.
"So, kumusta ka na?" tanong niya sa akin habang naghihintay lang din kami ng aming order.
"Okay naman ako," simpleng sagot ko. "Ikaw, kumusta ka naman? Diba malapit na yung game niyo? Kumusta naman yung practice niyo?" dagdag ko sa kanya.
"Okay naman ako," sagot ko. "Oo, malapit na yung game namin. Medyo intense nga yung practice namin, pero okay naman. Nag-aadjust lang kami sa mga bagong strategies."
"Ang dami naman ng inorder mo," sabi ko habang nilalapag ng waiter ang order namin.
"Okay lang yan, ubusin mo yan lahat, sobrang liit mo pa naman," biro niya sa kain.
"Alam mo, ang sama mo talaga," I raised a brow at tumawa lang siya.
"Alam mo, tawang-tawa ka diyan pero alam ko naman na hindi ka talaga okay," seryosong sabi niya.
Nabigla ako sa sinabi niya, may alam ba to? Sinabi ba ni Thunder sa kanya?
"Huh? What do you mean?" kunot-noo kung tanong.
"About Thunder? Alam ko naman ang nangyari sa inyung dalawa,"
I decided to tell him everything kung bakit kami napunta ni Thunder sa ganitong sitwasyon, kung paano niya ako iniwan nang walang paalam. Wala nga akong idea kung bakit biglang hindi na siya nagpaparamdam sa akin.
"Can you help me McKay to talk to Thunder, please?"
"Kung hindi ka lang sana cute, hindi talaga kita tutulungan. Okay Arrietty, I will not promise but I'll try to help you, okay?" I smiled at him. Nag-usap lang din kami tungkol sa kung anu-ano. I enjoyed McKay's company. Sobrang bait at minsan palabiro din.
"Salamat sa paghatid," bumaba na ako sa kotse niya, hinatid niya ako sa condo kasi isang daanan lang din yung pupuntahan niya.
Saktong pagdating ko sa condo, naduwal ako. Napadami ata yung kain kanina. Lumabas ako ng CR at uminom muna ng tubig. Dahil wala na rin akong magawa, nag-ayos na rin ako para makatulog na. Wala naman masyadong binigay na activity si Prof. kaya chill lang ako ngayon.
Hindi rin ako makatulog kaya I checked muna my socials. Wala naman din bago. Wala din bagong post si Thunder. I just checked my notifications. McKay tagged me sa isa sa mga stories niya. Nakatalikod ako nun habang tinitignan yung mga bag and he captioned it 'look who I bumped into, it's the angel'. I smiled ng mabasa 'yun. Parang tanga din to minsan si McKay eh.
The feeling I had when I thought of opening the dark website at school was terrifying. My hands were shaking, unsure of what emotions to feel - anger, sadness, or disappointment. It feels like I've been rejected by those close to me. It's painful and difficult to comprehend. In one post, I saw a picture captioned, "Thunder and Athena loveteam is back." They were all together eating at a restaurant. Abigail, Anthonette, and even Jasmine were there in the picture. It's like my heart burst with the multitude of emotions. I entrusted my deepest secrets to them, but now it feels like it all meant nothing. Who can I trust now?
I was trembling dahil sa galit, this was the day na inaya ko sila Anthonette at Jasmine dito sa condo pero they declined dahil may emergency. Now, this one photo answers all my questions why Thunder ghosted me.
I really don't know what to say. Pinaglaban ko si Thunder sa mga magulang ko, ginawa ko ang lahat para ipakita sa kanila na tama ang aking desisyon sa pagpili kay Thunder. I chose Thunder over my parents. Now, he just proves na ang habol lang talaga ng mga lalaki sa isang babae ay s*x. I cried so hard dahil nasaktan ako. Niloko nila ako lahat, kaya pala Abi keeps on avoiding me.
What really hurts the most sina Anthonette at Jasmine. I treated them as family, and I can't believe na kaya nilang gawin sa akin 'yun. I always find ways makipagkita sa kanila kapag may kailangan sila sa akin.
I will going to ask McKay about it.
Arrietty: Where are you? Are you busy right now?
Mckay: Kararating ko lang sa house.
Arrietty: Are you free tomorrow? I have question lang. I'll treat you bawi ko na din sa kanina.
McKay: I have practice tomorrow eh. If youre willing to wait after practice pwede ako.
Arrietty: Malapit lang din naman yung condo ko sa school kaya okay lang.
McKay: Yun oh. Libre mo ako Mcdo. Hahaha. See you!
I smile a little ng mapagtanto ko na si McKay lang pala ang wala sa photo, malamang magkasama kami noong araw na 'yun.