Tapos na rin akong kumain at inaya ko na si Abi pumasok sa class. As usual, normal class lang naman. We're waiting na lang ni Prof. Enriquez para sa quiz namin. Habang si Abi naman, review pa ng review.
"Ayan kasi, kung nag-review ka pa kagabi edi sana hindi ka nagkacracramps ngayon."
"Okay, mommy, okay. Just shut up na lang kaya di ako makapag-concentrate." Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Okay class, listen up. Since my schedule for today got mixed up, so we're going to extend our exam later. Isasabay ko kayo sa buong basketball team. I'm sorry, guys, na mixed up ko talaga schedule ninyo tsaka sa higher level kaya isasabay ko na lang kayo para mabantayan ko kayong lahat. Dito lang din sa classroom mamayang 5:30 pm. Okay? " reminder lang ni Prof. Enriquez sa amin at lumabas na.
"Yes, I have time pa. I'll check my socials muna," masayang sabi ni Abi.
"Hoy hoy. What's that? Mag-review ka mamaya na 'yan," kinuha ko yung phone niya at nilagay sa bag niya.
"Okay po, mommy," she answered me with rolled eyes. Maldita talaga 'to. Tetext ko na lang muna si Manong Canor na matatagalan pa ako sa pag-uwi.
"Hello, Arrietty? Hello? Prof. Enriquez is here," gising sa akin ni Abigail.
"Arrietty Ysriel Jimenez, if you want to sleep, do it after this exam," kalmadong sabi sa akin ng prof.
"Nakatulog ata kakahintay kay Kai. Ayan na Arrietty sa likod oh. Wag ka ng umasa hoy," sabi ng kaklase ko, sabay tawa.
"Sino magugustuhan niya? You? You're not his type also. C'mon girl," sagot naman ni Abi sa kanya.
"Abigail," suway naman ni Jeremiah sa kapatid niya. Nasa bandang likuran lang naman sila naka-upo. Nandoon silang apat—si Thunder, McKenzie, Jeremiah, at si Aidan, meron pa silang kasama na hindi ko kilala.
"That's enough, class. Silence! Pass it at the back. Make sure na walang boses akong maririnig and no cheating. Once you get the test questionnaire you may answer it," paalala niya sa amin habang binibigay niya yung test papers.
Pagkabasa ko ng mga tanong, I was happy. Na-review ko naman lahat ng ito kaya sinagutan ko na agad.
Natapos na rin ako wala pang 30 minutes. Nakita ko naman yung classmate kong haters hirap na hirap sa pag-sagot. Puro na lang kasi paganda. Nahiya naman din ako magpasa kaya naghintay na lang ako sa lahat. Binaliktad ko na yung papers at nag-socials na lang muna ako.
[ GC ]
Arrietty: Girls, how's life na ba?
Anthonette: Just normal.
Arrietty: You guys busy?
Anthonette: Why?
Arrietty: Let's go gala tomorrow. Like sa mall.
Jasmine: G!
Anthonette: Iba ka din no? Basta gala talaga bilis mo.
Arrietty: See you tomorrow.
"Arrietty? Are you cheating? Why are you using your phone?" sigaw na naman ni Prof. Enriquez sa akin na nasa likuran katabi nila Thunder.
Tumayo ako at hinarap si Prof. Enriquez. "No, miss, I'm not cheating," paliwanag ko sa kanya.
"Then why are you using your phone?" tanong niya ulit sa akin. Rinig ko naman yung mga kaklase ko.
"Dude maganda pero cheater."
"Woah cheater."
"I'm not cheating, miss, okay? I'm done answering. Can I go home now?" inabot ko kay prof yung papers ko.
"Woooow. That was fast, Attorney," sigaw sa akin ni Aidan. Inirapan ko na lang siya at humarap ulit kay Prof.
"Very good, Miss Jimenez. You can go home now." Inayos ko na yung gamit ko at tinext na si Mang Canor para magpa-sundo. Naghihintay pa ako sa reply niya.
"You can go home now, Miss Jimenez. No need to wait for them," paalala ulit ni Prof sa akin.
"Yes, miss. I'm waiting pa kasi sa driver ko."
Matatagalan pa talaga si Mang Canor dahil nga sa may inutos sila mama sa kanya.
[ Message Receive ]
Kai: Let's go home.
Tinignan ko si Thunder at nakita ko rin na tapos na rin siya. Kaya tumayo na rin ako. Nagpaalam na rin ako kay Abi. Tahimik lang ako na sumunod sa kanya hanggang sa nakarating na kami sa parking. Nag-text na rin ako kay Manong na nakisabay na lang ako kay Thunder.
"You don't have practice ba tonight?" tanong ko sa kanya para naman maputol yung katahimikan.
"Rest day," ikling sagot niya lang sa akin. Tumango na lang ako at diretso lang ang tingin sa kalsada.
[ Message Receive ]
Abigail: Did you go home na ba? Clubbing sana.
Arrietty: I can't go right now. I'm with Thunder. Mag kasama kaming umuwi.
Abigail: You promised me, right?
Arrietty: I did not promise, Abi. But now I promise I'll make it up to next time.
Abigail: Alright, mom.
Natawa naman ako sa kanya. Ginawa pa naman akong mommy.
"Who were you texting?" tanong ni Thunder sa akin na nasa kalsada lang nakatingin.
"Huh? Just Abi. Nag-aaya kasi mag-club."
"Oh. Bakit di ka pumunta?"
"Wow. Nakakagulat talaga kapag nagtatagalog ka. Tsaka di naman ako sanay mag-club. Di rin naman ako nainom. My friends kept inviting me nga na mag-club, di talaga ako nasama."
"Tsk." Sa dami kong sinabi yan lang talaga sagot niya.
"You finish your exam too fast earlier? Did you really review?" sunod na sabi niya agad.
"Do you think? I finish that quickly if I haven't reviewed it?" pabalang na sabi ko sa kanya. Hindi ko din namalayan na dumating na pala kami kaya lumabas na agad ako sa sasakyan niya na hindi man lang nagpaalam.
Hello? Ano sa tingin niya, bobo ako? Buti na lang talaga crush ko siya.
Dahil nga sa sobrang busy sa school, nagpasya akong makipagkita sa mga best friends ko. Inaya ko sila na mag-mall.
[ GC ]
Arrietty: Saan na kaayo? Ang tagal niyo naman.
Jasmine: Ang tagal gumalaw ni Anthonette eh. Naliligo pa.
[Jasmine send a photo]
Arrietty: Ay, magkasama pala kayo? Bakit di ko alam? Edi sana, pupunta ako sa house nila Anthonette.
Jasmine: Nako, girl. Malayo na kasi para hindi ka na mahirapan.
Arrietty: Okay. Bilisan niyo lang.
Anthonette: Don't you worry, girl. Mabilis lang 'to.
Nandito na ako sa labas ng mall, naisipan ko munang tumambay sa Starbucks habang nag-aantay sa kanilang dalawa. I check muna ang social media, boring din naman dahil wala rin akong magawa. I stalk Thunder. Grabe, sobrang sikat naman ata nito sa buong campus at ang daming followers. Halos 10k ang followers niya, at may tatlong following lang siya: sina Athena Dutch, Lebron James, at si Blake. Hindi man lang niya ako finollow, ako nga siya lang yung finollow back ko. Ang unfair naman.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagdadrama ko. Nakita ko naman sina Jasmine at Anthonette papalapit sa akin, kaya kinawayan ko sila.
"OMG girls, namiss ko kayo pareho! Kamusta na ba kayo? Kung hindi pa ako nag-chat na gagala, parang wala talaga kayong balak makita ako," kunwari nagtatampo ako.
"Girl, ang arte mo naman. Busy kami, at busy ka rin. Madami ka pang utang na story chuchuchuuu na 'yan sa crush mo. C'mon, tell us about it. May improvement na ba?" tanong ni Anthonette sa akin.
"Aba't ngumingiti si ate mo, girl. Sige na, sabihin mo na," excited na sabi ni Jasmine. Kaya ikinuwento ko sa kanila ang buong nangyari simula nung pumasok ako sa school ngayon. Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa dark website.
"Iba ka din pala. Hindi pala ma-reach yung Thunder mo. Sikat naman pala sa school," sabi rin ni Anthonette sa akin.
"Make us pakilala naman dun sa mga kaibigan ni Thunder. Para naman may ka-partner din kami. Para mag-barkada tayong gagala," excited naman na sambit ni Jasmine. Natawa na lang talaga sa mga sinasabi nila.
"You huh! Jowa na nasa mind niyo. I'm gonna make it clear to you guys na kahit super duper crush ko si Thunder, I won't trade my education sa kanya, noh? And nandoon ako sa school na 'yun para mag-aral, not to flirt. Okay?" paliwanag ko naman sa dalawa.