May isang magandang babae na nakatayo sa hardin ng kanilang bahay na nakabusangot ang mukha habang nakatitig sa kanyang telepono. Tila may hinihintay ang babae at gustong-gusto na niyang makita.
"So tagal naman nang time," sambit nito na tila naiinis na.
"Gosh, what took him so long to make uwi?" tanong ng babae sa kanyang sarili. Ito ang ginagawa niya araw-araw tuwing walang pasok, inaabangan niya ang lalaki na nakatira sa tapat ng bahay nila. Halos ilang taon na niya itong ginagawa.
"Oh my gosh! Manang, he is here na. Can you make bilis na? Where is the food?" nasasabik na sabi ng babae sa kanyang may-edad na kasambahay.
"Naku iha, ginulat mo naman ako. Ito na, ito na," nagmamadaling sagot ng kasambahay sa kanya habang pinupunasan ang dala na pagkain. Dali-daling kinuha ng babae ang pagkain at tumakbo ng mabilis papunta sa sasakyan na nakaparada malapit sa tapat ng bahay nila.
Kakatok na sana siya sa pintuan ng sasakyan nang biglaang lumabas mula doon ang isang maputing lalaki na may matipunong katawan. Sa unang tingin mo pa lang sa kanya, mabilis mong mapapansin ang kanyang matangos na ilong. Mahahalata mo rin ang tattoo sa kanyang kanang braso na lalo pang nagbibigay sa kanya ng kakaibang personalidad, kaya't hindi mo talaga masisi na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya.
"Hi Thunder," nakangiting sabi ng babae sa lalaking kakalabas lang ng sasakyan.
"Thank you," walang emosyon na sagot ng lalaki sa kanya at kinuha ang bigay na pagkain at umalis. Kahit 'yun lang ang reaksyon na binigay sa kanya ng lalaki, kita mo pa rin sa mukha ng babae na masaya siya.
"Ano ba naman 'yan iha. Ang dami-dami na ng ibinigay mo, pero hindi ka pa rin pinapansin ng lalaking 'yun," reklamo ng kasambahay sa kanya habang nakakamot sa ulo.
"Yeah, I know Manang, but wait and see. Makukuha ko rin siya," taas noong sagot ng babae sa kanya.
"Naku! Ang bata bata mo pa iha! Ganyan na yung nasa isipan mo. Sobrang mahiyain mo sa lahat ng tao, pero ewan ko ba pagdating sa kanya, nawawala lahat ng hiya mo. Ewan ko na lang talaga pag nalaman ng magulang mo 'yung pinaggagawa mo sa kapitbahay natin. Mabuti pa pumasok na tayo sa loob," nakakibit-balikat na sabi ng katulong.
Arrietty Jimenez is a beautiful woman with slanted, alluring eyes that accentuate her high-bridged nose. Her skin is extremely smooth, and her body is like that of a model. Her enchanting smile captivates many, making her very attractive to numerous men. Despite having many admirers, none can compare to the man she has long been pursuing — Kai Thunder Garcia. A half Russian-Filipino and a varsity player at their school, Kai is not only handsome but also has an intimidating aura that causes some girls to feel uneasy. Many admire his good looks, but because of his unique presence, not many dare to approach him. He is also known as the quietest member of their team.
"Arrietty, gising na. Tanghali na, ah. Diba aalis ka pa?" sigaw ng kasambahay habang binubuksan ang kurtina sa kwarto niya. "Oh, tingnan mo. Umalis na naman yung crush mo, oh," dugtong ng kasambahay.
Dali-dali naman bumangon sa higaan ang babae at tinignan mula sa kwarto ang lalaki na papasok na sa kotse. 'Thunder!' sigaw ng babae at kumaway mula sa kwarto niya. Tinignan lang siya ng lalaki at pumasok na agad sa kotse. Pagka-alis ng sasakyan, naging malungkot agad ang babae. Umupo na lang ito ulit sa higaan. Nag-iisip ito ng malalim dahil sa tagal na niyang nag papapansin sa lalaki kahit ngiti lang nito, hindi niya makuha.
Simula ng naging kapitbahay niya ang lalaki, araw-araw siyang nagpapansin dito at binibigyan ng pagkain. Mag-isa lang nakatira ang lalaki sa bahay na iyon. Ang pamilya niya ay nasa States; narito lang siya para mag-aral ng kolehiyo. Mayroon siyang kasambahay, ngunit paminsan-minsan lang itong pumupunta sa bahay para maglinis.
"Huwag ka nang sumimangot diyan," tugon ng kanyang kasambahay. "Nagtataka talaga ako sa'yo, eh. Sobrang mahiyain mo sa iba, pero sa kanya, wala ka nang hiya," natatawang sabi ng kasambahay sa kanya.
"Grabe ka naman sa akin, Manang," natatawang sabi niya sa kasambahay. "Tsaka hindi naman ako malungkot. Matagal na, Manang, even his smile hindi ko nakikita in person. He is so cold, but I won't give up, Manang. I will get him," masigla niyang sabi sa kasambahay habang naka-taas ang dalawang kamay sa ere.
"Nakakatawa ka talaga, bata ka. Magbihis ka na nga, bibili ka pa ng gamit sa school. Naku! Dalaga na talaga 'yung alaga ko," nagagalak na sabi ng kasambahay sa kanya.
"Manang, nakalimutan mo yata na college na ako. I don't need notebooks. I have my iPad naman, eh. I can use it as notes. Mabuti ka pa, Manang, masaya para sa akin. Hindi ko lang alam sa parents ko. Hindi ko nga alam kung alam nila na I'm going to college already. All they have to do is work, work, work, and woooork," malungkot na hinaing ng babae sa kanyang kasambahay.
"Iha, alam mo naman para sa iyo rin 'yung mga ginagawa nila. Hindi ka naman makakapasok sa school na gusto mo kung hindi dahil sa kanila, diba?" pagdadahilan ng kasambahay sa kanya.
"Yeah, Manang. Alam ko naman 'yun. It's just that they don't have time for me. Imagine, in a month, isang araw lang sila dito sa bahay. Minsan hindi pa nga kami nagkikita. Anyway, huwag natin silang pag-usapan. Ipagtatanggol mo lang sila, eh," buntong-hiningang sabi ng babae sa kanya. Napangiti na lang ang kasambahay sa sinasabi ng babae.
Napag-desisyunan na lang ng babae na huwag na lang umalis at magpahinga buong araw. Iniisip ng babae na dapat paghandaan niya ang unang araw ng kanyang college life. Napangiti naman siya agad nang maisip niya na araw-araw na niyang makikita ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso. Hindi na lang napansin ng babae na nakatulog na pala siya kakaisip sa lalaki.