Chapter 2
3rd Person's POV
"Princess anong sasabihin mo sa akin?" tanong ni Lucian ng makapasok siya sa kwarto ni Lucca. Nakita niyang nakaupo si Lucca sa kama at parang bata na pinaglalaruan ang daliri nito.
Pag ganyan alam na agad ni Lucian ang ibig sabihin non. May gustong makuha si Lucca. Lumapit si Lucian sa kama at umupo sa tabi ni Lucca.
"What is it princess?" tanong ni Lucian. Umangat ng tingin si Lucca at tumingin sa kawalan. Kumunot ang noo ni Lucian ng makita ang seryosong mukha ni Lucca.
"I want him," ikling sabi nito na kinagulat ni Lucian at mas napakunot pa ang noo nito.
"Who?" tanong ni Lucian. Lumingon sa kaniya si Lucca at agad na ngumiti.
"It's Prince Travis- what!" sigaw ni Lucian dahil sa gulat. Nang ma-realize niya ang ginawa niya agad siyang humingi ng tawad kay Lucca.
"Princess- kuya please i want him," pagpuputol ni Lucca sa sasabihin ni Lucian. Nagmamakaawang tiningnan ni Lucca si Lucian na agad napabuntong hininga.
"Alright, gagawa kami ng paraan para mapasaiyo siya," suko ni Lucian. Masayang niyakap ni Lucca si Lucian dahil sa sinabi nito.
Bago lumabas ng kwarto si Lucian nilingon niya muna si Lucca na masayang nagsusuklay. Sinara niya ang pinto at tinahak ang daan papunta sa kwarto ng kapatid niya.
"Lucio andiyan ka ba?" saad ni Lucian habang kumakatok sa pinto ng kwarto ni Lucio. Maya maya bumukas ito at bumungad sa kaniya si Lucio na mukhang kakagising lang.
"What?" pipikit pikit na bungad ni Lucio sa kaniya. Binatukan ito ni Lucian kaya tuluyan ng nagising ang diwa ni Lucio na napaaray sa sakit.
"Kailangan ko tulong mo," iwas tingin na sabi ni Lucian. First time niya kasing humingi ng tulong dito.
"Owww ang my beloved brother humingi ng tulong sa isang kagaya ko? tsk tsk ang gwapo ko talaga," iiling iling na sabi sabi ni Lucio. Binatukan ulit ito ni Lucian.
"May kailangan si Princess at alam kong ikaw lang makakagawa ng paraan para makuha niya ang gusto niya," ani ni Lucian na kinatigil ni Lucio.
"Ano bang gusto niyang makuha? at bakit ako?" nagtatakhang tanong na sabi ni Lucio. Nakakapagtaka talaga iyon dahil kahit kailan hindi humingi ng tulong ang kapatid niya pag may gustong makuha si Lucca.
Seryosong tiningnan ni Lucian si Lucio at inaya itong sa loob nalang ng kwarto mag-usap. Pumasok na sila sa kwarto ni Lucio at sabay na umupo sa sofa.
"Si Travis, si Travis ang gusto niyang makuha- what!" gulat na sigaw ni Lucio. Maya maya agad itong umiling iling.
"Lucian hindi pwede!" agad na sigaw ni Lucio at napatayo pa. Bakas sa mukha nito na hindi siya sang ayon.
"Lucian si Travis alam mong isang- alam ko," malamig na sagot ni Lucian habang nakatingin sa kawalan.
"Pero hindi natin pwede balewalain si Princess," bulong ni Lucian. Napahilamos si Lucio sa mukha dahil sa frustration. Naiinis na bumalik ito sa umupuan niya bago tingnan ang kapatid.
"So anong plano mo?"
—
"Sir andito na po lahat ng iniutos niyo," ani ng isang lalaki sa isang binata bago inabot ang brown envelope. Binuksan ito ng binata at agad na napangisi.
"Ipadala mo ito sa kay Mr. Peterson," ani ng binata saka may pinasok na papel sa brown envelope at binigay sa tauhan niya. Yumuko ang tauhan niya at umalis na.
Nang matanggap ni Mr. Peterson ang pinadala ng lalaki galit na galit ito. Pinagpupunit nito ang mga litrato ng nag-iisa niyang anak na may kasamang lalaki yong ibang litrato naghahalikan pa. May nakita siyang isang papel at dahan dahan niya itong binuksan.
"Kung gusto mong makumpirma mismo pumunta ka ngayon sa zue bar, nandiyan ang pinakamamahal mong anak," basa ni Mr. Peterson sa sulat. Inikuyom nito ang kamao saka tuloy tuloy na lumabas ng opisina niya.
Nagdala siya ng mga tauhan papunta doon. Pagdating nila nagulat pa ang guard ng makita si Mr Peterson. Lalapit sana ang guard pero agad siyang hinarangan ng mga tauhan ni Mr. Peterson.
Pumasok si Mr. Peterson at hindi siya makapaniwala sa nakita. Hindi ito katulad ng ibang bar. Wala siyang nakitang babae kahit isa. Puro mga lalaki dito na kapwa nakikipaghalikan o pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Kahit ang mga waiter lalaki din. Nilibot niya ang tingin para hanapin ang anak niya. Hanggang sa may nakita siyang isang pamilyar na lalaki na ngayon ay may kahalikan na lalaki.
Dali daling lumapit si Mr. Peterson at parang tuta na hinila ang kwelyo ni Travis na nagulat matapos siya makita.
"D-dad," uutal utal na sabi ni Travis habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa ama na ngayon at nanggagalaiti.
"Sa bahay tayo magtutuos," madilim ang anyo na sabi ni Mr. Peterson saka hinila si Travis. Parang manika lang na pinasok ni Mr. Peterson ang anak. Nanatiling tahimik lang naman si Travis.
—
"Trevor! tama na!" sigaw ni Mrs. Peterson ng pagkababa niya ay siya ring pagsuntok ni Mr. Peterson sa anak. Tumakbo siya at niyakap ang asawa para tumigil.
"Trevor ano bang ginagawa mo?" naiinis na sigaw ni Mrs. Peterson. Tiningnan niya ang anak na nakahiga sa sahig habang dumudugo ang labi nito.
"Bakit hindi mo tanungin iyang gago mong anak!" galit na sigaw ni Mr. Peterson habang galit na nakatingin kay Travis.
"Travis ano bang nangyayari?" tanong ni Mrs. Peterson. Hindi sumagot si Travis kaya si Mr. Peterson ang sumagot. Hindi makapaniwala si Mrs. Peterson sa narinig.
"Siguraduhin mo lang Travis na walang makaalam niyan dahil pag nalaman yan ng buong mundo hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," malamig na sabi ni Mr. Peterson saka umakyat sa taas kasunod si Mrs. Peterson. Kahit hindi sinabi ni Travis na bakla siya alam niyang yon na ang iniisip ng parents niya.
Dahan dahang tumayo si Travis at tinahak ang pinto palabas ng mansion nila. Tinungo niya ang kotse niya at agad na sumakay dito bago pinatakbo ng mabilis. Napailing nalang ang Head guard ng makita kung gaano kabilis pinatakbo ni Travis ang sasakyan nito.
"Kuya nagawan niyo na ba ng paraan? makukuha ko na ba siya?" masayang bungad ni Lucca kay Lucian ng makita niya ito sa kusina kasama si Lacson.
"Makukuha? siya?" nakakunot noong tanong ni Lacson sa dalawa. Nakangiti siyang nilapitan ni Lucca.
"Si Travis kuya i want him!" parang bata na sabi ni Lucca at nagtatalon talon pa. Mas kumunot ang noo ni Lacson at tiningnan si Lucian na napabuntong hininga lang.
"Princess ano bang sinasabi mo? hindi mo pa nga kilala iyon eh," saad ni Lacson. Sumimangot si Lucca at hinawakan ang braso ni Lacson.
"I know, but i don't know why, sa buong buhay ko wala pang nakaagaw ng atensyon ko bukod sa kaniya. Isa pa noong makita ko siya biglang bumilis ang t***k ng puso ko," bulong ni Lucca. Nagkatinginan sina Lacson at Lucian.
"Princess paano kung makuha mo nga siya pero magkaiba naman kayo ng nararamdaman? princess alam mong ayaw naming masaktan ka-"
"Ako na bahala doon kuya, don't worry wala siyang gagawin sa akin okay? basta ang kailangan niyo lang gawin is makagawa ng paraan para makasal kami," nakangiting sabi ni Lucca na kinahilamos ni Lucian sa mukha.
"Princess hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" paninigurado ni Lacson. Hindi ganoon kadali ang hinihingi ng prinsesa nila. Ibang usapan na pag tao na ang hiningi nito.
Kahit pa sabihin na magkaibigan ang family Peterson at Mortell hindi pa din iyon magiging madali. Isa pa kilala nila si Travis at alam nila kung ano ang ugali nito. Hindi nila pwedeng ilagay sa kapahamakan ang nag-iisa nilang prinsesa.
"Princess sorry pero hindi ka namin mapagbibigyan sa gusto mo ngayon," mahinahong sabi ni Lacson na kinatigil ni Lucca.
"Kuya Lacson nag-promise si Kuya Lucian sa akin na tutulungan niya ako right kuya Lucian?" saad ni Lucca at tiningnan si Lucian na yumuko lang. Sa ginawa ni Lucian biglang nagbago ang expression ni Lucca.
"Ayaw niyo akong tulungan?" wala sa sariling sabi ni Lucca at tiningnan ang dalawang pinsan niya. Nagsiiwas lang ito ng tingin na kinangiti ng mapait ni Lucca. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa braso ni Lacson at bahagyang umatras.
"Bakit kuya?" tanong ni Lucca.
"Princess hindi ganoon kadali ang hinihingi mo-"
"But i want him! kuya please tulungan niyo ako— ayaw niyo naman akong tumandang dalaga diba diba? please kuya help me," nagmamakaawa na sabi ni Lucca kay Lacson na hindi siya magawang tingnan.
"I'm sorry princess," ikling sabi ni Lacson. Nilingon ni Lucca si Lucian na nakayuko lang.
"Fine, ako na ang gagawa ng paraan. Ipapakita ko sa inyo na kaya ko siyang makuha!" galit na sigaw ni Lucca at tumakbo palabas ng kusina. Susundan sana ito ni Lucian ng sumulpot si Lucio at umiling iling.
"Kasalanan natin ito, masyado natin siyang ini-spoiled," bulong ni Lacson. Napabuntong hininga lang si Lucian at Lucio. Maya maya napatigil ang tatlo ng may marealize sila.
"Umiyak siya!" sabay na sigaw ng tatlo at agad na napahilamos sa mukha.
"Lagot na naman tayo-"
"Kayong tatlo pumunta kayo sa office ko ngayon din!" sigaw ng isang tao na alam nila kung sino iyon.
"Woy! ano ba yan ayoko na ulit makulong sa bwesit na kwartong yon!" may inis na sabi ni Lucio. Boses ng lolo nila ang narinig nila kanina. Siguradong paparusahan na naman sila dahil nalaman nitong umiyak si Lucca.
Walang choice ang tatlo kundi ang pumunta sa office ng lolo nila. Pagbukas nila ng pinto sapol sa mukha ni Lucio ang libro na binato ng lolo nila.
"Whaaaa lolo my handsome face!" pagdadrama ni Lucio. Nagpipigil naman ng tawa sina Lucian pero ng makita nilang masama ang tingin sa kanila ng lolo nila agad silang tumikhim at iniwasang di matawa.
"Kayong tatlo! bakit niyo pinaiyak ang prinsesa natin?" malamig na tanong ng lolo nila. Dahan dahang pumasok sina Lucian at sinara ang pinto.
"L-lolo kasi— may gusto siya pero hindi namin kayang ibigay," utal na sagot ni Lacson. Kumunot ang noo ng lolo nila.
"How come na hindi niyo maibigay? dati naman lahat ng hingin niya binibigay niyo agad na tatlo then ngayon sasabihin niyo na hindi niyo kayang ibigay-"
"Lolo tao ang gusto ni Princess hindi kung ano lang."
—
"Ayaw nila akong tulungan, pwes ako ang gagawa ng paraan," ani ni Lucca sa isip niya. Nakaupo siya ngayon sa harap ng salamin habang nakatingin sa salamin. Maya maya may biglang kumatok.
Tumayo si Lucca at tinungo ang pinto. Binuksan niya ito— bumungad sa kaniya si Maribette na nakangiti. Mas sumama ang timpla ng mukha ni Lucca ng makita si Maribette.
"What do you want?" malamig na tanong ni Lucca. Nangunot ang noo niya ng makitang nakangiti pa din ito.
"Narinig kong gusto mong makuha si Prince Travis. Andito ako para tulungan ka," nakangiting sabi nito. Tumaas ang isang kilay ni Lucca sa narinig.
"At bakit naman ako maniniwala sayo? hindi ba galit ka sa akin?" ani ni Lucca at nag-cross arm pa. Ngumiti ng matamis si Maribette.
"Tama, galit ako sayo. Hindi kita tutulungan ng wala lang, isipin mo pag naging asawa ka ni Prince Travis hindi kana titira dito sa ganon na paraan ako na ang magiging prinsesa dito," nakangising sabi ni Maribette na kinairap ni Lucca sa kawalan.
"Whatever wala akong pake kung ikaw pumalit sa pwesto ko, kung magawan mo ng paraan para mapasakin si Travis ako mismo ang kakausap kena auntie para maging official ka ng pamilya," balewalang sabi ni Lucca na kinagulat ni Maribette.
"Ganoon mo talaga kagusto makuha si Prince Travis? iiwan mo talaga ang buhay prinsesa mo dito para sa kaniya?" nakakunot noong tanong ni Maribette. Tiningnan siya ni Lucca at maya maya ngumiti ito.
"Ito na din siguro ang pagkakataon para ikaw naman ang makaranas ng buhay na gusto mo, alam kong nagseselos ka lang sa akin dahil sa magkaiba ang trato nila sa akin at sayo. Don't worry pagnakagawa ka ng paraan kakausapin ko buong pamilya natin para tanggapin ka," ani ni Lucca bago tumalikod. Bago niya isara ang pinto nilingon niya muna si Maribette.
"And sorry for everything," ani niya sabay sara ng pinto. Naiwan namang nakatayo si Maribette at maya maya napangiti ito saka naglakad palayo.