HALOS maubos ko na ang bond paper na naroon sa table ko. Lahat kasi ng design na sinimulan kong iguhit ay hindi ko kayang buohin. Kaya't naiinis na nilamukos kong lahat 'yon. Hanggang ngayon kasi ay okupado pa rin ang isip ko ng bwisit na halik na 'yon ni Jazz. Hindi rin ako makatulog ng maayos kagabi. Kaya naman sinadya ko na lang na agahan ang pagpasok sa opisina, baka sakaling makapag-isip ako ng tama. Subalit taliwas iyon sa nangyari. Dahil mas lalo lamang akong napa-praning sa kakaisip kay Jazz pati na rin sa halik na aming pinagsaluhan kagabi. ''Hoy! Kanina pa akong kumakaway dito sa harap mo friendship!'' Ani Pauline na hindi ko man lang namalayan'g dumating. Nag-angat ako ng tingin. Kapagkuwa'y isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago ko siya kinausap.

