TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Ngunit sa halip na lumabas ng silid ay mas pinili kong manatili na lang doon. Ayoko'ng makita ang pagmumukha ni Angela dahil paniguradong magkakagulo lang ulit kami. Bumangon ako at kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa side table. Tinawagan ko si Pauline para makibalita. "Oh, bakit Maze?" ani Pauline sa kabilang linya. "Uhm, balak ko lang mangumusta." Walang ganang tugon ko. "Okay lang naman. Actually, tinanong sa'kin ng boss natin kung kailan ka daw babalik?" "Hindi ko rin alam Pau. Ang gulo ng isip ko ngayon eh." "Nasa mansiyon pa rin ba si Angela?" ani Pau. "Yeah. At pinayagan pa ni Jazz na mag-stay dito ang haliparot na 'yon." "What? Hindi ka man lang nagprotesta?" "Tsk...syempre nagprotesta. Pero may magagawa pa ba ako kung

