SINADYA kong magpagabi ng uwi sa mansiyon para hindi na kami magkita ni Jazz . Subalit sa kasamaang palad ay hindri rin umobra ang ideyang naisip ko. Dahil si Jazz mismo ang nagbukas sa'kin ng pinto. ''Alas nuwebe na.'' Walang buhay na sambit niya habang nakatingin sa kanyang wristwatch. ''Alam ko Jazz. May inasikaso lang kami ni Pauline kaya hindi ako nakauwi agad.'' ''Really? Magkasama kayo ni Pauline?'' sarkastiko niyang tanong. ''Eh ikaw, ba't hindi ka pa natutulog?'' pag-iiba kong ng usapan habang nakatingin ako sa sa wine glass na hawak niya. ''Tsk...hindi pa ba halata na hinihintay kita'ng makauwi? Kanina pa akong nag-aalala sa'yo. Ilang beses kitang tinawagan pero hindi ka naman sumasagot. At nang tawagan ko naman si Pauline, sinabi niyang alas sais pa 'lang ay naghiwalay na k

