TILA pinagbagsakan ako ng langit at lupa matapos sumagi sa isip ko ang mga katagang binitawan kanina ni Jazz. Hindi ko lubos maisip na masyado pa 'lang makitid ang kanyang utak pagdating sa usapin'g pag-ibig at pamilya. Ni-minsan ay hindi man lang pala siya nagkaroon ng ideya kung sino nga ba ang totoong ama ni Jazper. Gayo'ng kahit sinong Poncio Pilato ang tumingin ay pare-pareho lamang ang mga sinasabi. ''Hoy friendship, ayos ka lang ba?''sita sa'kin ni Pauline. ''Huh? Oo, ayos lang ako.'' ''Naku, magsisinungaling ka na naman. Ano na naman ba ang nangyari sa mansiyon ng mga Dela Vega?'' ''Wa-wala.'' ''Wala? Eh bakit mukha ka na naman'g nautangan ng isang milyon?'' ''Napagod lang ako.'' ''Okay. Sabi mo eh.'' Nakairap nito'ng sambit bago ako tinalikuran. Ngunit agad ko rin itong ti

