KINABUKASAN ay sinadya kong gumising ng maaga. Dumiretso ako sa kusina. Hinanap ko si Aling Pina at agad ko naman itong nakita. ''Good morning Aling Pina!'' masiglang bati ko rito. ''Oh, ba't ang aga mo naman yata? May pasok ka pa rin kahit linggo?'' anang matanda. ''Wala po. Sa katunayan eh kailangan ko ng tulong mo Aling Pina.'' Nahihiyang sambit ko. ''Huh? Tulong? Bakit? Ano na naman ang nangyari sa'yo?'' sunud-sunod niyang tanong. ''Aling Pina, kumalma ka muna! Wala pong masamang nangyari.'' ''Naku, nenenerbiyos ako sa'yo Maze! no ba kasi'ng tulong ang kailngan mo?'' ''Aling Pina, tulungan mo naman akong makipagbati kay Jazz.'' Nakangusong pagsusumamo ko sa matanda. '' Sus, 'yon lang pla eh! Akala ko pa naman ay kung ano na! Eh bakit? Magkaaway na naman ba kayo?'' Ikinuwento

