NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone. Kaya naman nakasimangot na bumaba ako ng kama at agad kong dinampot iyon. "He-hello." walang buhay na sambit ko. "Good morning iha!"masiglang bati ng nasa kabilang linya. Kaagad na nawala ang antok ko matapos kong marinig ang boses ni Mr. President. "Uhm, ikaw pala 'yan tito. Ano po bang maipaglilingkod ko?" mahinahon'g tanong ko rito. "Iha, tutal naman ay linggo ngayon, maaari ko bang mahiram si Jazper?" "Ah, eh si-sige po." pagsang-ayon ko sa matanda. "Salamat iha." "Walang anuman po. Maya-maya po ay dadalhin ko siya diyan, tito." "Sige, maghihintay ako Maze." Kaagad kong pinatay ang tawag ni Mr. President at nagmamadaling pinuntahan ko si Melody. "Mel!" tawag ko sa yaya ni Jazper na kasalukuyan p

