Chapter 14 Evangeline's point of view Kinabukasan naman nakalabas na ako dahil okay naman na ang mga sugat kong natamo sa ginawa ng mga babaeng 'yon, si Paul naman napagalitan ng head nila dahil hindi niya naibigay ang mga paper works na kailangan ng head nila ng gabing 'yon. Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa loob ko dahil kasalanan ko ang lahat ng 'to kasalanan ko kung bakit siya nahihirapan sa trabaho niya ngayon kasalanan ko kung bakit hindi niya natapos ang paper works niya. "Ma, aalis na ako"sabi ko kay Mama at agad kong kinuha ang lunch kong ginawa niya at sabay lumabas na ako dito sa condo room namin at agad akong bumaba gamit ang hagdanan lamang at buti naman mabilis akong bumaba dahil sa 5th floor lang naman ang room namin at hindi naman ako nakaramdam ng pagod. Buti naman at

