In the USA…
"SCALPEL," mahinahon kong hingi.
Agad namang inabot ng scrub nurse ang isang small and extremely sharp bladed utensils to cut the patient skin.
Sinimilan ko na ngang buksan ang puso ng pasyente.
Pagkatapos ng sampung taon na pag-aaral ko sa Canada ay isa na akong ganap na doctor. I am proudly addressed myself as Doctor Edward Alcantara a Cardiothoracic surgeon.
Isang taon na rin akong nagtatrabaho sa Xelarie Hill Hospital o XH Hospital, ang pinakamalaki at well-known private hospital sa Canada na pag-aari nila kuya Axel na pinangalan pa niya sa kanilang bunsong anak.
Puspusan rin ang effort na ginawa ko para lang makapasok sa Hospital, dahil sa taas ng standard ng mga ito pagdating sa pagkuha ng resident doctor.
Kaya para makapasok ay kung saan-saang Hospital ako nag-apply at nagtrabaho para maging bihasa at para lang magkaroon ng experience at mameet ang high profile na isa sa kailangan para makapasok sa Xelarie Hospital.
Kahit na kinukulit ako ni Ate Erica na ipasok ako agad ay hindi ko tinanggap. Kahit na malaki ang connection ko sa mga Hill at hindi nga malabong makapasok na hindi maghirap sa isang pitik lang ni Ate Erica, pero hindi ako pumayag. Ayaw kong mag-take-advantage sa mga ito. Tama na ang ilang taon na pagsusunog nila ng pera para sa pag-aaral ko. Sobrang gastos pa naman ng kurso ko.
At gusto ko ring maging fair, na kailangan ko dapat dumaan sa tamang proseso gaya ng iba. Kaya nga tinrabaho ko at ginawa ang lahat para lang makapasok sa Xelarie Hospital na walang daya.
Halos lahat ng doctor pinangarap na makapasok sa hospital na ito0, lalo na ang mga katulad kong pinoy. Aside sa maayos ang treatment at pamamalakad ng Hospital ay malaki rin ang sahod. Worth it ang walang tulugan at pagod.
"Suction!" I Exclaimed nang biglang lumabas ang maraming dugo at umapaw sa puso ng pasyente na tuloy-tuloy ang mahinang t***k.
Agad namang tumalima ang kasamahan kong doctor and quickly place the small tube and vacuum the excess blood. Nawala na ang dugo kaya malinaw na nanakikita ko ang heart tube.
May nakabaong bala ng baril doon, dahilan para malagay sa alanganin ang buhay ng pasyente. Kailangan ko iyong kunin.
"How are the vital signs?" tanong ko.
Hindi ko alam kung sino ang sasagot dahil abala ako sa pagtanggal ng bala.
"They are falling, Doctor Alcantara," sagot ng isang anesthetic doctor.
Tumingin ako sa blood bag na nasa ibaba paubos na ito kaya suminyas ako para mapalitan iyon. Maraming dugo ang nawala sa pasyente kaya marami ring dugo ang kailangan niya.
Ilang minuto ang lumipas ay matagumpay kong natanggal ang bala sa katawan ng pasyente. At bumalik sa normal ang vital signs ng pasyente.
Hinayaan ko na ang ibang doctor na tahiin ang nahiwang nakabukas na balat nito matapos kung tahiin ang tube ng puso nito na may tama.
Pagkalabas ko ay tinanggal ko ang surgical gloves ko at tinapun sa basurahan.
"Congratulations, Doctor Edward, you did the successful operation, and thank you. Mr. President will surely gives you a reward once he awaken," bati ng personal assistant ng aking pasyente nang makalabas ako sa operating room.
Isang presidente ng bansa ang naging pasyente ko. Kaya gano'n magsalita ang kaniyang PA, isang malaking karangalan naman iyon sa akin na maging successful ang operation. The Hospital will surely benefits for all of this.
"I don't need a reward Mr. Smith, I am just doing my job, just like what I have done to others. It's my juty as a doctor," sagot ko sa kaniya nang mag-umpisa akong maglakad habang nakasunod naman siya.
"I know, I know, but still you're saving the president's life. The whole country will be thankful to you," walang tigil na puri nito.
"Doc Ed!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Napangiti ako nang makita ko ang isang pinay na nurse na naging kaibigan ko dito sa Canada since my first day of juty. Si Clara. May crush sa akin si Clara, well she confess. But I clear everything, especially what I am, kaya naging magkaibigan na lang kami.
"Excuse me, Mr. Smith," paalam ko sa kaniya.
Saka tinalikuran siya na hindi hinihintay ang sagot. I tuck in my both hand in each side pocket of my Hospital suit.
"Hey, Clara," I greeted her as I walked towards her giving her my sweet smile.
"'Wag ka ngang magpapogi ng ganiyan, baka kalimutan kong bakla ka," natatawa niyang sabi nang makalapit ako.
"Nagpapogi? I'm not, hindi ko na kailangan magpapogi, 'cause I'm already am," sabi ko sa kaniya gamit ang brosko kong boses saka kumindat.
"Yabang ah," natatawa niyang sabi saka tinaasan ako ng isang kilay. "Pogi with the twist of green blood," panunudyo pa niya.
Inakbayan ko siya saka giniya nang maglakad.
"Atleast pogi," sabi ko pa.
"Anyway, congratulations Ed, for your successful operation. Dahil d'yan elelebre kita," sabi niya pa na kinapalakpak ng tainga ko.
Paano ba naman kasi, once in a blue moon lang siya manlebre.
"Bongga!" hindi ko napigilan ng biglang kumuwala ang nagtatago kong tili.
Kaya napatutup ako.
"Sira, kung makatili akala mo walang vision and mission sa sarili," natatawa niyang sapak sa akin.
I promise to myself to hide my real me. I love myself but I don't love my rainbow side, but this is me.
"Sinong hindi mapapatili sa once in a blue moon mong treat. Or are you asking me out for a date? At dinadaan mo lang sa pareward kuno kahit na halos lahat naman ng operation ko successful?"
Napatigil sa paglalakad si Clara kaya tumigil rin ako. Hinarap niya ako, while pouting her lips.
"I am asking you out for a date for the last time," malungkot niyang sabi.
Alam ko naman kung bakit siya biglang nalungkot.
"Clara…"
"I know, Edward. Who am I to stop you to go home. I just missed you ngayon pa lang," mas lalo lang siyang nalungkot sa sinabi niya.
Yes, I'm going home. Back to the Philippines. Nagpumilit si Nanay at tatay na umuwi na ako lalo na si Ate Erica at ang mga anak nito at pamangkin ko. Kaya I have no choice kahit na gusto ko pa dito. Mas matimbang pa rin ang pamilya. I can work pa rin naman dahil malilipat lang ako ng branch, sa main branch ng Hospital–sa Pilipinas.
"Oh, come on, Clara, what's the use of enternet if you can't get in touch with me?"
"Iba pa rin kasi iyong personal. Mas masaya, mas may spark," aniya na kumindat pa saka umangkla sa akin.
"Ew," pairap kong komento.
"Arte," she said while pouting her lips.
Kaya natawa na lang ako at ginulo ang kaniyang buhok.
She's beautiful, but even I'm trying to be straight I didn't feel any sparks.
Hindi katulad ng babae na minsan ko nang nakilala noon. I'm a gay but I feel sparks when my skin touches her. I feel unfamiliar sensation when she lay her eyes on me. Kaya minsan iniisip ko na kaya kong magpakalalaki.
Ahhh…
Kumusta na kaya siya? Maybe she got married na. I saw her once in f*******: at nakita ko siyang may kasamang lalaki sa picture and the caption says 'making memories with this lovely man'.
And that was 8 years ago.
To be continued…
A/N: hi do you remember Edward Alcantara and Cathy Velasco, from Mr. Hill’s hell? This is their story. Please beware about operation scene dahil hindi ako magaling dito. Hahahaha. Any way enjoy.