MBMH 4

1581 Words
HUMINGA nang malalim si Emerald at mabagal na naglakad pabalik sa loob ng opisina ni Mr. Saavedra. Hindi naman siguro masama ang binabalak niya dahil nais lang nitong gamitin ang pagkakataon upang malaman ang totoong motibo ng lalaki sa gusto nitong ipagawa sa kaniya. Kung hindi lang malinaw sa kanya na langit at lupa ang agwat ng estado nila sa buhay, malamang nasampal niya na ito kanina. Pinigilan lamang nito ang sarili dahil alam niyang kapahamakan ang hatid nito kung sakaling magpapadala siya sa labis na emosyon. "What the fvck are you doing here? I told Monique to let you visit a spa for tomorrow's event!" Para siyang sinilaban sa kinatatayuan nang marinig ang nakakatakot nitong boses. Imbes na titigan sa mukha ang lalaki. Hindi niya inaasahang mapunta ang mga mata sa bukas na zipper ng pantalon ni Mr. Saavedra. Parang kanina lang pinagpapantasyahan siya nito tapos ngayon akala mo hindi man lang ito nasarapan sa sobrang sungit. "May sasabihin po sana akong importante sa inyo, Mr. Saavedra. Can you spare me a few minutes? Gusto ko lang po kayong makausap." Nasaksihan niya kung paano kumunot ang noo nito. Mukhang wala yata itong balak pakinggan kung ano ang gusto niyang sabihin. "Uhm, pero bago ang bagay na 'yon. Baka gusto niyo po munang ayusin ang zipper ng pantalon niyo...nakabukas po kasi." Lihim siyang napangiti nang makitang bumaba ang tingin ni Mr. Saavedra sa suot nitong pantalon. Para kasi itong binuhusan ng malamig na tubig at kaagad na binahagan ng buntot. Mahigpit na napakapit si Emerald sa hawak nitong bag, akmang kukunin na sana niya ang perang ibabalik sa lalaki nang bigla itong magsalita. "Do it for me," madiin nitong sambit. Namilog ang mga mata ni Emerald at mabilis na nataranta ang isipan nito sa narinig. Ano raw? Ano ang gusto nitong ipagawa sa kanya? Bumalik ang paningin niya sa mukha ng lalaki at nakita kung paano umangat ang sulok ng maninipis nitong labi. Magkasalubong na rin ang makakapal nitong kilay na para bang nagyayabang sa kaniyang harapan. Wala talagang makakatalo sa kahambugan ng taong nasa harapan niya, sa isip-isip ni Emerald. "Hindi mo ba akong narinig? I said, zip it for me." Mabagal na naglakad ang lalaki papalapit habang matiim na nakatitig sa mga mata ni Emerald. Hindi niya napigilang huwag mapalunok habang kusa namang umaatras ang mga paa palayo dito. Kulang na lang pagsisihan nitong bumalik siya sa opisina ng CEO. Sa isang iglap, parang nagawa kasi nitong baliktarin ang mundo nilang dalawa. Siya pa tuloy itong naipit sa panunudyo ng lalaki. Hanggang sa kumawala na lamang ang singhap mula kay Emerald nang hinawakan ng lalaki ang kaniyang kamay saka iginiya sa direksyon nang nakabukas nitong zipper. Muntik nang magwala ang puso niya nang maramdaman ang umbok sa ibabaw ng pantalon nito. "Do you want me to guide your hand?" inis nitong sambit. "Get rid of that nervousness. You don't need to move like a damn timid snail in our engagement party. Akala ko ba gusto mong maging international model? With the way you act, you're not graceful and confident enough to get that role." Dalawang beses niya nang nakita ang sandata ni Mr. Saavedra pero nangangatog pa rin ang mga tuhod niya sa laki at haba nito. Hindi niya tuloy nagawang intindihin nang mabuti ang sinabi nito dahil mabilis na niyakap ng takot ang kaniyang puso. Kinikilabutan pa rin si Emerald sa tuwing naaalala ang maugat at namumula nitong pagkalalak*. Isa siyang literal na halimaw! Hindi lang sa ugali kung hindi maging sa...nevermind. Umiling siya. "Pumunta lang po ako dito para ibalik ang perang ibinigay niyo sa akin," aniya saka seryosong tinitigan sa mga mata ng lalaki. Hindi niya malaman kung saan nito nakuha ang lakas ng loob na ipinapakita dito ngayon. "Nahiram ko po ang fifteen thousand pero sa tingin ko sapat na kabayaran 'yon sa ginawa niyong pagsasarili habang hawak ang picture ko." Ngumiti siya saka inagaw ang picture sa kaliwang kamay ng lalaki. Mukhang nakalimutan ni Mr. Saavedra na itago ang ibidensya nang ginawa kanina at mas pinili nitong magsungit kesa itago ang hawak. May lagkit sa mga mata niya itong tinitigan saka binasa ang pang-ilalim na labi. Hinihintay niya ang malakas na singhal mula dito pero natigilan nang makitang humugot ito ng malalim na hininga habang nakatuon ang mga mata sa kanya. "Baka tigasan po kayo kapag itinuloy ko ang inuutos niyo," hamon niya dito. Gustong subukan ni Emerald kung may magagawa ba siya para makontrol ang lalaki dahil mukhang wala itong balak na payagan siya kung sasabihin nito ngayong hindi niya matatanggap ang alok nitong trabaho o mas mabuti yatang sabihin na pekeng kasal. Natawa ito sa sinabi niya. "What are you talking about?" "Nakita kita habang ginagawa ito kanina," aniya rito. Lumapad ang ngiti ni Emerald saka mabilis na itinaas-baba ang kamay sa ere na para bang may hinahawakan siyang mahaba at matigas na bagay. Ginaya pa nito ang ungol ni Mr. Saavedra habang walang tigil ang demo ng kamay sa baba. "Fvck! What are you doing?" Kulang na lang matawa si Emerald habang tinitingnan kung paano mandilim ang mukha ng lalaking kaharap. "Ginagaya lang kita lodi," aniya saka kumindat. Halimaw man kung tawagin, pero hindi niya maitatanggi ang kagwapuhang taglay nito kahit galit. "Hindi ka man lang ba hihingi ng tawad sa akin? Pinagpapantasyahan mo ang katawan ko habang tinatawag ang pangalan ko kanina." Pero mukhang imbes na lubayan siya nito mas lalo pa siyang pag-iinitan ngayon ng masungit na CEO. "Why would I? You must be thankful, pinili kitang maging pekeng asawa ko dahil sa katawan mong 'yan. Be thankful that you passed my standards." How arrogant! "Thank you so much for the compliment, Sir. Gusto ko pong magpasalamat sa KABUTIHANG ipinapakita niyo sa akin. NapakaBUTI niyo po talagang TAO. Ang galing niyo din pong magbate ng itlog sa opisina niyo," aniya saka ngumisi. Kulang na lang lamunin siya ni Mr. Saavedra gamit ang mga titig nito. Parang konting push na lang at kusa na siyang palalabasin ng lalaki sa opisina saka sasabihang huwag na huwag na siyang magpapakita dito. Pero wala sa sariling napalunok si Emerald nang ginawa nito ang kabaliktaran ng iniisip niya. Mas lumapit ito sa kinatatayuan niya hanggang sa nakita na lamang ni Emerald ang sariling nakasandal na sa haligi ng opisina habang nakakulong sa matipunong bisig ni Mr. Saavedra. Makahulugan ang titig nito sa kaniya na animo'y isa-isang hinuhubad ang suot niyang damit. "Alam ko kung anong ginagawa mo, Ms. Constantine. Kung akala mo makakawala ka pa sa akin then keep dreaming. You spend a lot from my money, insulted me with words and gestures and now, you have the guts to test my patience?" nakangisi nitong wika. Hindi nakakibo si Emerald pero hindi rin naman nito nagawang umiwas ng tingin. Alam niya kasing pagkatalo ang ibig sabihin kapag ibababa niya ang titig. Mas lalo lamang magkakaroon ng lakas ng loob ang lalaking sungitan at tapakan ang pagkatao niya. He'll treat her like a submissive. "Speechless?" anito. Sumibol lamang ang ngiti sa labi ni Emerald saka hinaplos ang braso ng binata. "May kailangan pa po ba akong sabihin? Sa tingin niyo ba may magagawa ako para makawala sa inyo? Eh, isa lang naman akong simple at mahirap na babaeng pinagpapantasyahan ng kilala at hinahangaang CEO ng Goddess Realm?" puno ng sarkasmo niyang sambit. Tingnan natin kung hanggang saan tatagal ang laki ng ulo mo. Ngayon, naiintindihan niya nang mabuti kung bakit walang nakakatagal sa ugali ng lalaki kahit saksakan ito ng yaman at gwapo. Maging mga empleyadong sinasahuran ng kompanyang pagmamay-ari nito at mga modelong alam niyang na mas maganda at sexy pa sa kaniya, hindi nagagawang tumagal sa gaspang ng ugali ng isang Knight Saavedra. Mabuti na nga lang at nagagawa niya na itong sagutin kahit papaano. Hanggang nakarating siya sa sinasabing mamahaling beauty and relaxation spa ni ma'am Monique, walang ibang laman ang isipan niya kung hindi ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng lalaki. Bumabalik pa rin sa isipan niya kung paano nito nilampaso ang mga hirit niya sa pamamagitan ng arogante at mayabang nitong mga sagot. Kung babae lang ito, baka umabot na sila sa sabunutan at sakitan kanina. "Alam mo, beh? Kanina pa ako nahihirapang pakalmahin ang mukha mo?" stress na sambit ng babaeng kasalukuyang abala sa paglalagay ng honey sa mukha niya. Tulad nito, kanina pa nagtataka si Emerald kung ano ang mga nilalagay nito sa mukha niya. Ilang beses na rin nitong pinadaanan ng roller, laser at manual massage ang balat niya. Pakiramdam nga nito stretch na stretch na ang pagmumukha niya pero hindi pa rin ito tumitigil. "Kasalanan ng halimaw na 'yon kung bakit ako nagkakaganito!" bulong nito sa hangin. May pagtataka siyang tiningnan ng babae. "Ha?" Pinilit niyang ngumiti dito saka mahinang tumawa. Alam nitong kailangan niyang mag-ingat lalo na't nalaman niyang si Mr. Saavedra din ang pumili ng spa na kinaroroonan niya ngayon. Isang mali lang, alam niyang isusumbong siya ng babaeng kaharap. Wala siyang kawala maging sa boutique na pinagmulan ng overflowing black backless gown na isusuot niya bukas. Hindi din nito malaman kung ilang milyon ang halaga ng diamond accessories na pinatago ng CEO kay ma'am Monique kanina. Tumango ito saka hinayaang kumalma ang sistema habang iniisip na handa na ang lahat para sa gagawin niyang pagpapanggap sa gaganaping engagement party bukas. Ang kailangan na lamang niyang paghandaan ay kung paano haharapin ang pamilya nito. Pero paano kung halimaw din ang mga ito tulad ng lalaking magiging boss at pekeng asawa niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD