CHAPTER 10 Third Person POV Tahimik ang gabi sa baryo ng mga Tan. Sa kabila ng lahat, tila normal pa rin ang takbo ng buhay sa lugar na iyon. Walang bakas ng panganib o anuman na maaaring magpahiwatig ng nagbabadyang trahedya. Sa maliit na bahay ng pamilya Tan, si Joseph at Laura ay nag-uusap sa sala habang ang bunsong anak nilang si Brix ay masayang naglalaro sa kanyang kwarto. “Joseph, kailangan na nating tapusin ito,” ani Laura habang tahimik na minamasdan ang asawa. Halatang nag-aalala siya, at ang tensyon sa kanyang boses ay nagpapahiwatig ng bigat ng problema. “Alam ko, Laura,” sagot ni Joseph habang nakatingin sa isang sulat sa kanyang mga kamay—isang pormal na babala mula kay Eduardo Montinola. "Pero paano? Walang-wala tayo ngayon." "Kausapin mo siya," pakiusap ni Laura. "Sab

