*Sharon pov* Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko kaya pareho kaming nakatayo. “Ummm babe i have something to tell you” sabi niya ulit kaya napatingin ako sa mga mata niya.may kinuha siya sa bulsa ng pants niya saka lumuhod sa harap ko. “Hoy anong ginagawa mo? Bakit mag dadasal ka ba?” Tanong ko sa kanya.may narinig akong tawa sa kaliwang side namin. “Babe, i know this is too early but I can’t wait any longer.now i know why my past relationship didn’t end up well because we are meant for each other, Sharon Ponte will you marry me?” Tanong niya na para akong nabingi,nanginig ang mga tuhod ko at para akong maiiyak sa di ko malamang dahilan.binuksan niya ang box na nasa kamay niya at tumambad sakin ang isang singsing na may diamond. “Umm bakit ako?” Garalgal ang boses na tanong ko

