Pag pasok pa lang namin maraming mga babae na pareho ang suot parang yong nasa tv,siguro nasa sampo sila at may dalawang lalaki na may edad na at parang kasing edad lang ni John.
“Good morning po sir,madam”sabay sabay nilang bati.
“ good morning din sa inyo, Kumusta kayo dito?” Ganting bati ni tita.nakangiti pa sa kanila.
“Okay naman po madam,inalagaan po namin ang mga alaga nyo” sagot nong parang leader nila na nasa 50+ na.
“Bueno, ito pala ang ma’am Sharon niyo, special na kaibigan siya ng sir Jacob niyo.kaya i respito niyo rin siya kagaya ng pag respito niyo samin.maliwanag ba?” Sabi ni tita .deri-deritso naman si tito at John paakyat ng hagdan na sobrang ganda at gold yong parang hawakan ng hagdan pati yong naka display na mga gamit gold din ang kulay di ko lang alam kung totoong gold.
.
Ganon din sa sofa na pa C- shape na may magandang center table na gold din ang rim.may malalakinh vase sa gilid at malaking flatscreen tv sa kabilang side ng living room bali two set of sala seat siya yong isa na nasa may tv ay pa L-shape.
.
Meron dalawang magagandang malaking chandeliers na naka hang at meron din sa taas sa may bungad ng hagdan. Parang ito yong nakikita ko sa tv na bahay.nakakalula !! Mayaman pala talaga sila kaya bigla akong nanliit.
“Opo madam!!” Sabay sabay nilang sagot.
“Hello po sa inyong lahat!!! “ kaway ko pa sa kanila saka ngumiti ng matamis. “Sharon nalang po itawag niyo sakin dahil nakakahiya” sabi ko pa.
“Iha to naman si Rosa,kung may kailangan ka sa kanya ka mag sabi” sabi ni tita.
“Mom hatid ko muna si Sharon sa magiging kwarto nya” singit ni Jacob.
“Okay, iha pahinga ka muna mamaya ipatawag nalang kita para sa pag kain.” Tumango nalang ako dahil hinila na ako ni Jacob.
“Wait lang bakit ka ba nanghihila na naman?” Sabi ko sa kanya,tumigil siya saka tumingin sakin.
“Sorry babe, hold my hand?” Sabi niya na inunat ang kamay sakin. Inabot ko ito at pinagsalikop niya ang kamay namin.
Pag bukas niya ng pinto napanganga ako sa ganda ng kwarto.
“Kaninong kwarto ito?” Tanog ko.
“Mine,come in” sabi niya pumasok ako at ginala ang paningin sa loob.white and brown ang combination ng wall paint.meron malaking table na maraming malaking parang cartolina.mga rulers at iba pa sa tabi naman isa pang table na medyo maliit at sa kabilang side meron siyang sala seat with flat screen tv.pang lalaki talaga pero ang ng pagkaka ayos ng gamit. “You can take a nap babe” sabi niya na lumapit sakin at inakay ako palapit sa kama.
“Ah eh hindi naman ako inaantok.” Sabi ko.
“Are you hungry?” Tanong niya kaya umiling ako.
“Mayaman ka pala,i mean pamilya mo” sabi ko na malungkot.ngayon nakita ko na siya masaya ako pero malungkot din kasi mayaman pala siya at di kami bagay.
“Hind naman nakaka angat lang sa buhay” pa humble niyang sabi.
“Ganon na rin yon” sabi ko at umupo sa kama niya. Binuksan niya ang tv at naupo sa tabi ko.
“What do you like to watch?” Tanong niya.
“Di ko alam, wala naman akong favorite na panuurin” sagot ko.sumandal ako sa headboard ng kama niya mamaya lang may kumatok.
“Sir Jacob kain na po ng tanghalian” sabi nong kasambahay nila .
“ sila mommy nasa baba na ba?” Tanong niya.
“Opo kayo nalang po ang hinihintay” sagot niya.
“Lets go babe?” Aya niya sakin kaya tumayo na ako at sabay kaming bumaba.maraming pagkain na nakahanda sa mesa.
“ hali na kayo at lalamig ang pagkain.” Tawag ni tita kaya lumapit na kami sa mesa. Tahimik lang kami kumain ng mag salita si tita.
“Iha sama ka sakin bili tayo ng susuutin natin bukas” sabi ni tita kaya napatingin ako sa kanya saka ngumiti.
“ ahh meron pa naman po akong damit yong binili niyo noong isang araw” sagot ko. Napangiti naman si tita sa sinabi ko.
“Iba yon iha. At saka para makapasyal ka na rin dito sa manila” sabi niya kaya napangiti ako.
“Mommy baka di ako pwede sumama sa party, boring naman yon party niyo” sabat ni John.
“Sumama ka para makilala mo rin ang mga business partners natin sa company total ikaw naman ang hahawak ng company natin dahil ayaw ng kuya mo.” Sabat ni tito.
“Dad hindi naman sa ayaw ko,tutulong pa rin naman ako pero mas maganda na si John ang hahawak non dahil balang araw sa kanya din yon” sabi ni Jacob.
“ pareho ko kayong anak kaya parehong sa inyong dalawa yon.pero ayaw ko din naman ipilit sayo dahil alam ko may sarili ka na din company.” Sabi ni tito.
“Daddy si kuya lang magaling sa negosyo o company,ako happy na sa profession ko.at balak ki mag tayo ng clinic”sabi ni John.
“Bakit hindi nalang doon sa building natin mag lagay ng clinic mo in that way hindi ka na mag re-renta.” Suggestion ni tita.
“Pag iisipan ko po mom.” Sagot ni john. Pagkatapos namin kumain umakyat kami ulit sa taas para mag bihis.
“Babe ito na yon bag mo. Halika dito ang banyo” sabi ni gurang kaya sumunod naman ako sa kanya.pagpasok ko mas lalo akong namangha sa ganda ng banyo niya. May malaking bathtub, at sa gilid may parang maliit na cabinet at naka rolyong towels mula sa maliit hanggang sa malaki at ang ganda din ng lababo niya tinuro niya sakin kung paano buksan ang shower.pagkatapos lumabas na siya ng banyo.
.
“Ready ka na ba iha? Wow bagay na bagay sayo ang binili kong damit”tanong at papuri ni tita sakin ng bumaba ako ng hagdan.nahihiya ako dahil nakatingin silang lahat sakin pati mga katulong.
“Ang ganda ganda ni ma’am Sharon noh?at ang sexy pa naku nakaka inggit ang baywang dai”bulong nong isa na parang nasa 30+ ang edad. Ngumiti nalang ako para takpan ang hiyang naramdaman.
“ opo ready na po ako at thank you po tita dito sa damit” sabi ko, hinawakan naman ni gurang ang kamay ko.
“Babe sasama nalang ako sa inyo,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
“Jacob lakad ng mga girls ito kaya hwag kang panira” sabat ni tita.
“But mom—- no buts, lets go iha para maka uwi tayo ng maaga.” Sabi ni tita at hinila na ako palabas ng bahay.nakasunod naman si Jacob samin at siya din nag bukas ng pinto para samin ni tita. “Kuya mag ingat ka sa pag d-drive” sabi niya sa driver.
“Opo sir” sagot ni kuya.
“Tayo na Elmer sa BGC tayo.” Sabi ni tita.inabala ko ang mga mata ko sa labas ng bintana at tuwang tuwa ako sa mga nakikita kong building.ang gaganda.!!
“Andito na po tayo madam,saan ko po kayo ibaba?”sabi ni kuya.
“Sa 7street mo kami ibaba.”sabi ni tita. Bumaba kami sa malaking building na may mga taong labas pasok. At ang ganda ng mga suot nila kaya medyo napaatras ako sa pag lakad,
“Are you ok iha?”tanong ni tita hinawakan nag kamay ko.
“Ah eh nahihiya po akong pumasok baka di ako papasukin sa loob” sabi ko.
“Ano ka ba,lahat pwede pumasok dito. At kasama mo ako kaya hwag kang mag alala.” Sabi ni tita kaya kumapit ako sa braso niya. Sabay kaming pumasok.sobrang ganda at malamig sa loob. Pumasok kami sa isang pinto na puro mga dress ang naka lagay sa may salamin na dingding. Naka display.
“Good afternoon madam Louisa! Long time no see” salubung samin ng lalaki pero malambot kung lumakad.
“Hello sebe,ready na ba ang sinabi kong damit?” Tanong ni tita.
“Yes madam, fitting nalang ang kulang para ma adjust natin ang sukat” sagot niya .hinila naman ako ni tita.
“Good!! Let me see the dress.come iha sukat natin ang susuotin mo bukas” sabi ni tita. Kaya sinamahan kami ni Sebe papasok sa fitting room.
Sinukat ko nga ang damit.isang kulay cream na may silver lining long dress.spaghetti straps at bukas ang banda sa likurang bahagi. At may malaking slit ito sa kaliwang hita na halos umabot sa gitna hita ko ang hiwa ng slit.
“Wow gorgeous!!! Omg madam ang ganda po ng anak niyo!” Sabi ni Sebe na napatakip pa sa bibig.
“Ended!!! So tamaa nga ako sa estimate ko na size.Kumusta iha ang size ng damit? Maluwag pa o masikip?” Tanong ni tita.
“Tamang tama lang po ang sukat” sagot ko.
“Ito ang pares niya suotin mo” inabot sakin ang silver sandals na nasa three inches.
“Hala di po ako marunong niyan mag suot” sabi ko. Napakamot ako sa ulo.
“Madali lang to.halika suot mo at ituturo ko sayo.” Sinuot ko nga at tunuruan niya ako. Makailang beses akong muntik ng matumba.hinubad ko muna ang damit saka bumalik sa pag practice ng sandal na may heel. Natapos kami ng mag six o’clock na at buti nalang madali kong natutunan kung paano mag lakad na may high heels.