Napag usapan namin ni Jacob na isabay nalang sa wedding anniversary ang pag reveal ng pag bubuntis ko kina mama at mommy,Boung family. Darating din ngayon sila nanay azon at ate Janice at susunduin ni kuya arman mamaya sa airport.gusto namin na kasama ang family namin sa celebration na ito. Umalis si gurang dahil may meeting daw siya ngayon. Busy ang mga kasambahay sa pag hahanda ng mga pagkain at andito din si Eloisa para tumulong,siya kasi ang mag luluto ng mga pagkain para sa celebration mamayang dinner. “ Sasa tikman mo ito daliiiii” tawag sakin ni Eloisa ng makita akong pumasok sa kusina.nag bake siya ng cake and cupcakes. “Ummmmm sarap, pahingi pa ako” ani ko ng matikman ko ang cupcake niya.kalasa ng ensaymada pero Portuguese coconut bread daw yon. “Naku mamaya na huwag mo nama

