Nasa mataas na bahagi ako ng bukid namin,tanaw ko si papa na nag aararo sa baba.umakyat ako dito pagkatapos namin manguha ni mama ng camote at sabang saging para sa tanghalian namin.ganito ang buhay namin ,payak pero masaya kami.
“Anak bumaba ka na at tulungan mo akong linisin itong camote!” Tawag ni mama sakin mula sa baba.haaay ang sarap dito sa taas presko ang hangin at ang ganda ng tanawin.
“Opo mama andiyan na” sagot ko saka ako sumakay sa sanga ng niyo padausdos pa baba. “Yaaaaaahhhhhhhooooooooooooo!!! ——- naku ikaw talagang bata ka mabubutas na naman yang short mo sa ginagawa mo! Katatahi ko lang niyan kahapon.”sermon ni mama
“Ako nalang po ang tatahi pag napunit uli” sagot ko na nakangiti.
“Oh ano na naman yan pinag tatalunan niyong dalawa?” Sabat ni papa na kumuha ng tubig sa jag na dala namin.
“Itong anak mo nag padusdos na naman.” Sumbong ni mama.
“Hayaan mo na at bata e,” sabi ni papa kaya napangiti ako at kumindat naman si papa sakin.
“Haaay iwan ko sa inyong mag ama sige mag kampihan kayo” inis na sabi ni mama, ako naman para makaiwas kinuha ko na ang saging para isalang na sa apoy.habang patuloy sila mama at papa nag uusap. Pag lingon ko sa kanila wala na sila sa inuupuan nila kanina kundi nakita ko na sila sa may ilalim ng puno mag kahawak kami na kumakaway sakin.
“Anak mag iingat ka!! Alagaan mo ang iyong sarili”sabi ni mama habang hila hila siya ni papa kaya napasunod ako sa kanila pero kahit anong takbo ko di ko sila maabutan,
“Mamaaaaaa!! Papaaaaaa hintayin niyo ako sasama ako!!” Umiiyak kong sigaw pero parang ayaw lumabas ng boses ko. “ mama papa huwag niyo akong iwan huhuhuhu”——- hey babe !hey baby!! Wake up!!!” Boses ni Jacob ang narinig ko kaya ginala ko ang paningin ko pero di ko siya makita.
“Hey baby!!! Babe don’t scare me!! Wake up!!” May tumapik sa pisngi ko. Nag mulat ako ng mata at hinihingal.nakita ko si Jacob na nakatingin sakin at mukhang nag alala. Yakap niya ako habang naka higa kami pareho. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa refrigerator. “ here drink this” abot niya sakin ng mineral water.uminum ako at naginhawaan ang pakiramdam ko.
“Salamat” tipid kong sabi. Naalala ko ang panaginip ko kaya naiyak na naman ako.teka nakita ko kung anong oras na alas dos na ng madaling araw.napatingin ako sa sarili ko, naalala ko na nasa party kami at nakita ko si Jacob at Maurene na nag hahalikan at nasa clinic ako kanina ah paano ako napunta dito? Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko saka ako niyakap palapit sa kanya.
“Huussshhhh stop crying,its just a dream baby!”sabi niya sakin,so panaginip din ba yong nakita ko na naghahalikan silang dalawa? Haaay ang labo ah.hinila niya ako pahiga at kinumutan niya ako.pero gusto kong mag banyo kaya bumangon ako ulit na kina alarma naman ng katabi ko.
“Where are you going?” Tanong niya na nakaupo na sa kama.
“ sa langit!” Inis kong sabi . “Sasama ka?” Tanong ko sa kanya na niinis pero ang gago nakangisi lang.
“With pleasure babe sasama ako” sagot niya kaya inirapan ko siya .pag tayo ko napatingin ako sa suot ko,teka tshirt ito ni gurang.naalala ko na pinahiram ako ni Eloisa ng ternong damit.
“Sinong nag bihis sakin?” Tanong ko sa kanya.
“Ha? Ahh ako! Why?” Sagot niya patanong.siya nag bihis sakin ibig sabihin nakita niya ang katawan ko? Sus Ginoo !!!
“Ikaw ? E di nakita mo ang —-“ namula ako dahil sa hiya.
“Don’t worry ako lang to,” sagot niya,aba’t napaka gago talaga ni gurang.
“ kahit na , bwisit ka bakit mo ako binihisan? So ano masaya ka na nakita mo katawan ko?” Inis kung sabi.
“ babe its not what you think ok? Don’t worry,that body is for my eyes only” sabi niya na kinainis ko lalo.
“Iwan ko sayo !! Hindi kita bati!” Inis kong sabi sa kanya saka pumasok na sa banyo.pag labas ko ng banyo tahimik na at mukhang tulog na si gurang kaya lumapit ako sa kama at kinuha ko ang isang unan at nag hanap ako ng pweding ikomot pero wala akong makita kaya dahan dahan kong lumapit sa closet niya, pero wala pa rin akong makitang pwede ikomot kaya kinuha ko nalang ang bathrobe niya naka hang sa closet.at kumuha din ako ng towel para gawing kumot sa paa saka ako nahiga sa sofa.
.
.
Third person pov!
Tapos na akong nag assist sa catering at bahala na ang mga tauhan ni mama.nag lalakad na ako papasok sa clinic ni ate dahil dito ako matutulog pero nakita ko ang isang magandang babae na umiiyak at may dugo na tumutulo sa kamay niya kaya natakot ako.tatanungin ko na sana siya pero nauna siyang nag salita. “Saan po ang daan palabas ng building?” Tanong niya.
“Ah eh miss, hala may sugat ka!! Halika at gamutin muna natin yan”hinila ko na siya sa loob ng clinic at ginamot ang sugat niya. May dugo na rin ang damit niya kaya kumuha ako ng extrang scrubs ni ate sa cabinet. “Ito gamitin mo muna para makapag bihis ka.malinis yan at di pa nagagamit” sabi ko ng tingnan niya ang inabot kong scrubs.nag palit nga siya ng damit at saka siya bumalik sa kama at humiga. Lumabas naman ako para ilagay sa washing machine ang damit niya. Pag labas ko galing sa likod may nakita akong tao na nakatayo sa harap ng pinto. Mukhang may hinahanap at naka amerikana.
“Ano po yon?” Tanong ko sa kanya.tumingin naman ako sa kanya at ganon nalang ang gulat ko dahil kamukha niya si papa.hala sino naman kaya to?
“Im looking for a girl, this” sabay pakita niya sakin ng picture mula sa cellphone.
“Kaano-ano mo ba siya?” Tanomg ko
“She’s my girlfriend” sagot niya.
“Naku kuya limang style na yan modus mo” sabi ko at akmang isasara ang pinto pero pinigilan niya ako.kaya pinapasok ko nalang at saka niya ako pinasalamatan at binigyan pa niya ako ng calling card kaya hinayaan ko na siya kunin ang babae.
Sinabayan ko nalang sila palabas at uuwi nalang ako kahit hating gabi na.nakita ko na ang sundo ko na paparating kaya nag paalam na rin ako sa lalaki na jacob palla ang pangalan.kamukha niya talaga si papa noong kabataan pa ni papa pero paano nangyari yon eh Rickman siya at Astrim naman last name ni papa. Siguro nagkataon lang dahil maramin namang magkamukha sa mundo.
Pag dating ko sa bahay nakapatay na ang mga ilaw.
“Kuya Pilo salamat po sa pag sundo kahit ganito na ang oras” sabi ko sa driver namin. Hindi kami mayaman at hindi rin mahirap.dating may negosyo si papa ng jewelry sa Portugal pero dahil sa gahaman ang step-brother niya at step-mother nalugi ito at yon nga umuwi nalnag sila dito sa pilipinas para mag umpisa muli.siya naman hilig niya ang pag luluto kaya culinary ang kinuha niya at ito nga nag tayo ang mama niya ng restaurant. Sa awa ng Dios lumago at ngayon may tatlong branches na ito sa loob lamang ng tatlong taon. Pero ang main branch talaga nila ay sa Pangasinan.
“ por que você esta taó atrasado agora?” Boses ni papa na kinagulat ko.lagot na !! Bakit andito si papa sa bahay ? Dapat nasa Pangasinan siya!
“Boa noite pai” good evening papa”bati ko sabay kiss sa pisngi niya. “ Eu ajudei nossa equipe apenas para ter certeza de que tudo estava bem antes de eu sair” sagot na ang ibig sabihin ay tumulong muna ako sa mga tao natin bago ako umuwi para walang problema sa events. Tumango naman siya at sinabihan akong magpa hinga na.haaay salamat naman at hindi ako pinagalitan.strict si papa saming magkapatid lalo pat puro kami babae.sa edad ko nga na 27 ni boyfriend wala dahil tsk!! Di ko naman type yong mga nanliligaw sakin noon at saka iwan bahala na baka tatanda akong dalaga nito.kaya umakyat na ako sa kwarto ko. Nag warm half bath ako para maginhwaan ang mga braso ko sa dami ng niluto namin kanina.ikaw ba naman nag luto para sa two hundreds bisita daw yon at buti nalang naayos ko ang supplier ng desserts.haaay makatulog na nga at bukas pag aralan ko na naman ang bagong menu na ginawa ko kanina para maisama ko sa bagong menu sa restaurant.