Carmela's POV Kahit kailan talaga napaka tigas ng ulo ng babaeng 'yon! Alam ko namang malakas s'ya, kaya nyang pumatay ng tao este kaya nyang protektahan 'yung anak nya. Kaya lang hindi naman sa lahat ng oras kaya niya lahat 'yun. Mag isa lang s'ya, marami ang kalaban. Palibhasa kasi gusto nyang maging independent, gusto nyang akuin lahat ng problema. Kaya heto s'ya ngayon? Takbo at pagtatago na lang ang tanging plano niya. Wala rin naman syang mga tauhan dito, nasa US lahat. Bumuntong hininga ako, nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa para tawagan 'yung kompanya ni Mr. Montefalco. May trabaho nga sana ako ngayon eh pero dahil sa balitang kumalat na parang piste, ito ako ngayon tinutulungan s'ya pero wala namang kwenta. Walang sumagot sa tawag ko kaya naman hininto ko na. Papasok na sana

