Riley's POV
"Welcome back! Riley! Peyton!"
"Welcome back b***h!"
Sinalubong ako ng yakap nina Penelope at Alexandra habang kapwa tumatawa na parang baliw. Kasama pa nga nila 'yung mga asawa nila na ngumiti lang din sa akin at tumango, 'yung mga anak naman nila nakita kong may kani-kaniyang ginagawa at malalaki na. Kumalas ako sa yakap nilang dalawa, I held my son's hand and smiled a bit to him, nahihiya pa yata itong anak ko na kaharap ang baliw na mga Ninang niya.
"Woah! Ito na ba si Peyton? Sobrang gwapong bata naman!" sambit ni Penelope at nilapitan si Peyton at lumuhod para pantayan ang anak ko.
"Say hi to your Ninang Penelope, Peyton." sabi ko sa anak ko.
"Nagmana nga sa Ama, kilay lang yata namana sa'yo b***h eh! Hahaha 'saka blue eyes taray!" Inirapan ko na lamang si Alexandra pero tinawanan lang niya ako, habang si Penelope naman kinuha si Peyton palayo sa akin pero tawang-tawa naman ang anak ko, sinapian na naman yata ng masamang espiritu ang babaeng iyon.
Tumawa na lamang ako sa na isip ko. Sumabay ako kay Alexandra papuntang kusina, nag mano pa nga 'yung mga bata sa'kin nang nadaanan ko sila. Ang laki na ng mga anak ni Penelope, lalo na din kay Alexandra, pero wala pa yata silang balak na magka-anak ulit. Sabagay, delekado ang panahon ngayon, maraming mga kaaway ang mga ito at baka malagay sa panganib 'yung anak nila kung sakali. Ako rin naman wala akong balak na magka-anak ulit kung pinagpala man. Ayaw ko lang na malagay sa anumang panganib ang anak ko, tama na muna si Peyton, s'ya muna ang aalagaan ko sa panahon na ito.
Umupo ako sa upuan habang kaharap ko si Alex. May nilapag siyang mga pagkain sa harapan ko, ngunit hindi doon nakatuon ang pansin ko. Kina Sendrix at sa mga anak nito ang tingin ko, hindi ko akalain na mapapangasawa ng kaibigan ko ang mayaman na lalaking ito, actually, mayaman naman talaga 'yung mga asawa ng mga kaibigan ko. Mayaman din ang ama ni Peyton pero wala na akong pakialam sa taong 'yon.
Sendrix Roswell is a Billionaire, nagtra-trabaho ako noon sa kompanya nila, but since Peyton came? I stopped working at them, I chose my son. Umiwas ako ng tingin at muling hinarap si Alex na ngayong seryoso na ang mukha.
"Kailan mo sasabihin ang tungkol sa batang iyan kay Kiefer, Riley?"
Umirap ako sa kanya 'saka kumuha ng apple sa mesa. Bakit ko naman ipaalam sa lalaking iyon na niluwal ko na ang anak niya? Siniswerte naman s'ya kung ganu'n-ganu'n na lang 'yun 'diba?
"Wala akong planong ipakilala si Peyton sa Ama niya, in the first place naman, walang pakialam 'yung lalaking iyon sa anak niya, so why whould I?" iritado kong tanong at padabog na nilapag ang mansanas. Kapag naiisip ko ang lalaking iyon parang gusto ko siyang patayin.
"But, he's the father, Riley. Kahit baliktarin mo pa ang mundo may karapatan parin s'ya, ganyan din ako noon sa dalawa kong anak."
"Ang tanong? Gusto niya ba ang anak ko?"
Inikot niya ang mga mata at sinamaan ako ng tingin. "Of course! Anak niya 'yan! At kaya natin siya patumbahin laban diyan."
Mabilis akong tumayo at dinuro s'ya. Sinamaan ko rin s'ya ng tingin habang ang isa kong kamay ay nakakuyom na.
"I'm not using my son for this sake against him, Alex. Watch your words!" galit na sambit ko at mabilis akong lumabas ng kusina. Hindi ko gagamitin ang anak ko laban kay Kiefer, kung gusto ko siyang patumbahin. Sariling sikap ko 'yung gagawin! My son is not a bait, I wont let it happens.
"Where's my son?" tanong ko kay Penelope nang madaanan ko s'ya sa sofa habang naghaharutan sa anak niya.
"Done talking?" tanong niya pabalik sa'kin. Agad rin naman siyang tumayo sa kinauupuan niya, pansin ko din ang pag buntong hininga niya.
"Alam kong mahirap gawin ito Riley pero ito lang 'yung tanging paraan para mapabagsak natin si Kiefer sa trono niya, kapag 'di pa tayo gumalaw ngayon, lalong rarami ang papatayin niya."
Umatras ako. "I will never use my son! Ako ang tatapos sa lalaking 'yun kung kainakailangan pero hindi ko gagawing bitag ang anak ko! Mahal ko ang anak ko at hindi ko kakayaning mawala s'ya sa akin. It's a big NO." hindi ko na s'ya hinintay na sumagot pa. Mabilis kong tinungo ang hagdan, binuksan ko lahat ng mga kwarto roon at natagpuan ko ang anak ko na mahimbing natutulog sa kama. yakap na yakap niya ang doraemon na binigay kong unan sa kanya, mahilig kasi s'ya sa Doraemon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, hinaplos ko ang pisnge niya.
I will not use my child for everyone's sake!
"Sleep well, son." bulong ko at hinalikan s'ya sa noo. Bukas aalis kami sa mansyong ito, kapag hindi parin nagbabago 'yung plano ng dalawang iyon, wala na akong magagawa kundi gawin 'tong mag-isa.
Nilapitan ko 'yung mga maleta namin. Kumuha ako ng pantulog roon 'saka pumasok sa banyo. Bawat patak ng tubig sa katawan ko, mukha ni Kiefer ang naalala ko, 'yung mga masasaya naming pinagsamahan. Hanggang sa hindi niya na ako pinagutan. Hanggang sa naging ma-mamatay tao na s'ya. Pinapatay niya 'yung mga taong nasa itaas na ranggo, hindi alam ng mga tao kung anong klaseng demonyo s'ya, ang alam lang nila, mayaman s'ya at nangunguna sa pinakamayaman sa mundo. Mahigpit rin ang impormasyon tungkol sa kanya, hindi agad ito lalabas. Ngunit kilalang-kilala ko s'ya kaya madali lang ito sa akin.
Pagkatapos kong umayos at linis sa katawan, humiga ako sa kama katabi ang anak ko. Sa twing pinagmamasdan ko si Peyton, parang si Kiefer ang kaharap ko. Makapal ang kilay nito, mataas rin at kulot ang pilik mata, mapupulang labi, at may dimple ito sa kabilang pisnge. Bumuntong hininga ako.
Siniksik ko ang mukha ko sa leeg ni Peyton, ito lagi ang ginagawa ko kay Kiefer noong kami, and I'm starting to do it with my son.
Pero bago pa man pumikit ang mata ko, biglang tumunog 'yung cellphone kom Agad akong bumangon at tiningnan ang caller, napasinghap ako at napababa sa kama, lumabas ako ng kwarto.
"Yeah, what is it?" tanong ko kay Calli.
"Riley, may biniktima na naman si Mr. Montefalco, isang Presidente! Hindi ko pa nakilala 'yung taong iyon dahil masyadong malinis ang pag patay sa kanya, pero patay na talaga ito, nanakawakan pa ng dolyar ang Presidente!"
Hinilot ko ng dahan-dahan ang noo ko, habang tumatagal, sumasakit ang ulo ko kay Kiefer, bullshit evil.
"About pala sa mga kalaban ko? May update kana ba?" I'm reffering to those morons na balak pumatay sa anak ko.
"Isang tao lang ang nagpapagalaw sa mga taong iyon, at sa tingin ko malakas ang kapit nito sa organisasyon. Masyado silang patago,"
Masasabi kong hindi basta-basta ang kalaban ko ngayon.
"Tell me kung may alam kana."
"Copy."
Damn it!
****